Inilibing ng Buhay ang Lalaki ng mga ‘Di Kilalang Salarin, Laking Pasasalamat Niya sa Taong Nagligtas sa Kanya

Wala pang isang buwan si Manny sa pinapasukang pabrika ay na-promote na agad siya bilang Assistant Supervisor. Masipag kasi siya at maraming naiaambag sa trabaho kaya natuwa sa kanya ang may-aring Intsik ng pinagtatrabahuhang pabrika na gumagawa ng mga de-latang pagkain.

(photo for illustration purposes only.)

“Ayos, Manny! Asensado ka na, ha? Biro mo, kay bago-bago mo rito na-promote ka na agad,” wika ni Elmer.

“Hindi ko naman inasahan iyon, pare. Hindi pa nga rin ako makapaniwala sa nangyari, e!” aniya.

“Nakuha mo ang kiliti ni boss. Bihirang magtiwaa iyan sa mga trabahador niya.”

“Nako, hindi naman! Inaayos ko kasi ang trabaho ko para sa mga magulang ko sa probinsya. May balak akong ayusin ang bahay namin dun kaya todo kayod ako.”

Bilang isang Assitant Supervisor ay tumutulong siya sa pangangasiwa sa mga trabahor na maging maayos at epektibo ang mga gawa nito.

Hindi naiwasang maging mahigpit siya sa mga patakaran na ipinatutupad sa pabrika para na rin sa ikahuhusay at ikagaganda pa ng kanilang kilos-paggawa.

Ngunit sa ginagawang pagsisikap ni Manny para mas lalong mapaayos ang kanilang trabaho ay may mga hindi natutuwa at ikinaiinis ang paraan ng kanyang pamamalakad.

Advertisement

“Kay bago-bago dito akala mo kung sino nang makaasta!” inis na sabi ni Ruel.

“Sumipsip lang kasi iyan kay boss kaya nagkaposisyon agad,” sabi naman ni Marlon.

“Assistant Supervisor lang naman akala mo siya na ang may may-ari nitong pabrika,” ani Lucio.

Ang tatlong trabahador na ito ay siyang nangunguna sa katamaran at paggawa ng kalokohan sa pabrika kaya ganoon na lamang ang reaksyon ng mga ito sa pamamalakad ni Manny.

(photo for illustration purposes only.)

Isang araw ay nahuli ni Manny na natutulog sa oras ng trabaho si Lucio.

“Pare, pare gising! Bawal matulog sa oras ng trabaho. Baka mahuli ka ni boss pare-pareho tayong malilintikan,” maayos na pagkakasabi ng lalaki.

Hindi kumibo si Lucio ngunit sa isip-isip nito ay gusto na nitong suntukin sa mukha si Manny sa paggising nito sa kanya.

Minsan ay nahuli naman ni Manny ang paglabas-labas ni Marlon sa pabrika sa oras ng trabaho.

Advertisement

“Pare, pasok muna sa loob. Mamaya ka na lumabas kapag break time na,” aniya.

Sa ginawa niyang pagsaway sa lalaki ay tiningnan siya nito ng masama.

Nahuli naman niya na kumakain sa oras ng trabaho si Ruel at agad rin niya itong pinagsabihan.

“Mamaya ka na kumain, pare. Trabaho muna tayo.”

Inis na inis at kakamot-kamot pa sa ulo ang lalaki bago ipinagpatuloy ang trabaho.

Oras ng pananghalian. Maagang kumain si Manny at pagkatapos niyon ay lumabas ito at nanigarilyo nang may napadaang lalaking magbobote na may tulak-tulak na kariton sa labas ng pabrika. Nakita ni Manny na nahihilo ito at parang matutumba habang naglalalad. Nilapitan niya ang lalaki at binigyan ng makakain at inumin.

“Ayos ka lang ba? O, hetong tinapay at softdrinks. Kumain ka muna at baka nalipasan ka ng gutom,” sabi niya sa magbobote.

(photo for illustration purposes only.)

“Salamat, nakakahiya naman sa iyo. Kanina pa nga ako hindi kumakain at sa tindi ng sikat ng araw kaya ako nahilo,” anito.

Advertisement

Matapos makakain ay nagpaalam na ang lalaki.

“Maraming salamat ulit, ha!” wika pa nito.

“Walang anuman,” matipid na sabi ni Manny.

Alas singko na ng hapon at uwian na ng mga trabahador pero bago umuwi ay naglibot-libot muna si Manny kung may mga naiwan pang trabaho na hindi natapos at tiningnan kung iniwan ng mga trabahador ang silid gawaan ng malinis at maayos.

‘Di sinasadyang nakita niya sina Marlon, Lucio at Ruel na naglalagay sa bag ng mga de lata. Bawal na bawal sa pabrika ang maglabas o mag-uwi ng anumang produktong kanilang pinoproseso. Kung sino man ang mahuling gumagawa nito ay maaaring matanggal sa trabaho.

“Mga pare, bawal iyang ginagawa ninyo. Alam niyo naman na numero unong patakaran dito ay ang pagbabawal na maglabas o mag-uwi ng anumang de-latang pagkain,” aniya.

Hindi na nakapagpigil pa si Ruel at sinagot ng pabalang ang lalaki.

“Nagtitimpi lang kami, kaso parang habang tumatagal masyado ka nang pabida at paki-alamero!”

Advertisement

“Pare, makisama ka na lang para walang gulo,” wika ni Marlon.

Sinasabi ko ito sa inyo hindi para sa pansarili kong kapakanan. Sinasabi ko ito dahil ayoko kayong mapahamak,” paliwanag ni Manny sa tatlo.

“Ul*l, sinong niloko mo? Puwede ba? Huwag kang magmalinis,” gigil na sabi ni Lucio.

“Kung hindi kayo mapipigilan ay wala akong magagawa. Kailangan itong malaman ni Boss. Hindi maaari ang ginagawa niyong paglabag sa kautusan dahil gagayahin kayo ng ibang trabahador.”

“Isusumbong mo kami?” tanong ni Ruel.

“Kung kinakailangan. Hindi maaaring gawin niyo lang ang gusto niyong gawin,” matatag na sabi ng lalaki.

Hindi na nakapagsalita pa ang tatlo sa sinabi niyang iyon.

Habang naglalakad pauwi si Manny at tinatahak ang matalahib na daan ay di niya inasahang may pumalo ng malakas sa kanyang ulo hanggang mawalan siya ng malay.

Advertisement

Kinaladkad siya ng mga di kilalang lalaki at dinala sa isang bakanteng lote. Doon ay gumawa sila ng malaking hukay. Isinilid nila si Manny sa drum at tinakpan iyon saka ibinaon ng buhay sa lupa.

(photo for illustration purposes only.)

Nang malinis ang mga ebidensiya ay nagsi-alis na ang mga salarin.

Nang magising si Manny ay napansin niyang napakadilim ng paligid. Hindi rin siya makahinga dahil kulob na kulob ang kinalalagyan niyang drum.

Kahit nananakit pa rin ang katawan at ulo sa malakas na pagpalo sa kanya kanina ay pinilit niyang humingi ng tulong.

“Tulong! Tulungan niyo ako!” malakas niyang sigaw.

Halos magwala na siya sa loob ng drum. Nagsisigaw siya hanggang sa makarinig siya ng kaluskos. Maya-maya ay laking gulat niya nang may magbukas ng drum at inalalayan siyang makalabas roon. Kahit nahihilo sa matinding init at sikip sa loob ay nagawa niyang makapagpasalamat sa nagbukas niyon.

“S-salamat at iniligtas mo ako,” aniya sa naghahabol na hininga.

“Sir, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng lalaki.

Advertisement

Nang imulat ni Manny ang mga mata ay nakita niya ang mukha ng sumagip sa kanyaang buhay.

“I-ikaw?” mangha niyang tanong.

“Ako ‘to, sir. Iyong magbobote na binigyan niyo ng pagkain,” anito.

Ang tumulong sa kanya ay ang lalaking binigyan niya ng pagkain at inumin nang mahilo ito sa daan. ‘Di sinasadyang napadaan ito sa talahiban at nakita nito ang mga pangyayari. Ikinuwento nito na tatlong lalaki ang pumalo sa ulo niya at naglibing sa kanya ng buhay sa hukay. Namukhaan rin ng magbobote ang mga suspek na pawang mga trabahador din ng pabrikang pinagtatrabahuhan ni Manny dahil pare-pareho ang suot na uniporme ng mga ito. Agad silang pumunta sa pulisya para ireport ang nangyari.

Kinaumagahan ay isinama ni Manny ang magbobote sa pabrika para ituro kung sino ang may mga sala. Nagsama rin sila ng mga pulis para dakpin ang tatlong suspek. Nang makita ng lalaki sina Ruel, Marlon at Lucio ay agad nitong itinuro ang tatlo na nagtangka sa buhay ng lalaki.

“Sila po sir, sila ang nagbaon sa iyo sa huhay!” sabi ng magbobote.

(photo for illustration purposes only.)

Mabilis na inaresto ang tatlong lalaki. Napatunayan rin na ginawa ng mga ito ang krimen ay dahil nakita sila ni Manny na nag-uuwi ng de latang pagkain. Dahil sa takot na maisumbong ang baluktot na ginagawa ay pinagtangkaan nilang kitlan ng buhay ang lalaki. Lingid sa kaalaman nila ay narecord sa CCTV ang pang-uumit nila ng mga de-lata at ang pagsunod nila kay Manny nang lumabas ito ng pabrika.

Magsisi man ang tatlo ay huli na dahil pananagutan na nila sa batas ang ginawa nilang kasamaan.

Advertisement

Laking pasasalamat ni Manny sa lalaking magbobote, kung ‘di dahil sa tulong nito ay isa na siyang malaming na bangkay. Ibinalik lang ng lalaki ang ginawang kabutihan sa kanya ni Manny nang nangailangan ito ng tulong.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!