Hindi Alam ng Lalaking Ito Kung Paano Sasabihin sa Kanyang mga Anak na Naghihirap na Sila, Ngunit Lumakas ang Loob Niya nang Marinig ang Sinabi ng mga Ito

Nasanay si Elton na malaki ang pumapasok na pera sa kanya buwan buwan dahil maganda ang takbo ng kanyang business, kaya naman ngayong pabagsak na ang negosyo ay hirap na hirap siyang tanggapin iyon. Lahat na ng bangko ay nalapitan niya, naibenta na niya ang kotse at ngayon ay kukunin naman ang kanilang bahay, kaya sobrang problemado ng lalaki. Ayaw niya namang lumapit sa mga kamag anak dahil hindi isang beses lang siyang pinahiya nito, kay daling makalimot na sa mga panahong walang pampaaral ang mga anak nito ay isa ang tumayong sandalan.

Higit na nagpapabigat sa loob niya ay ang katotohanan na kailangang dumanas ng hirap ng dalawa niyang anak na babae na kapwa bata pa, si Bridgette, 8 taong gulang; at si Brianne, 7 taong gulang. Isipin pa lang niya na hindi na niya mabibili ang pangangailangan ng mga anak ay naiiyak na siya, nawala lahat ng ipon at pinaghirapan niya para sa mga ito.

“Pa, bili kami ice cream ni Brianne,” sabi ni Bridgette sa kanila isang araw na naggo-grocery ang mag aama. Natulala naman si Elton dahil sa totoo lang, pinagkakasya niya lang ang perang dala dala niya para sumakto sa kanila at hindi talaga kayang isiksik kahit ang pambili ng ice cream doon.

“Baby, sakto lang kasi ang dalang pera ni Papa. Pagbalik nalang natin, okay?” sabi niya na tinanguan naman ng bata. Naisip ni Elton na siguro ay panahon na para sabihin niya sa mga anak ang totoo, na ngayon ay may pinagdadaanan silang problema.

Pag uwi niya sa bahay ay pinaupo niya ang mga ito sa sofa at sinimulang kausapin.

“Ganito kasi, umm, ang business ni Papa medyo hindi maganda ang takbo. Tapos para maayos ang business, humiram muna ako sa bank ng money,” nananantya si Elton kung naiintindihan ba ng mga bata ang sinasabi niya.

“Tapos,hindi kasi nakabayad si Papa sa money na yun, kaya sabi ng bank kukunin nila ang business, pati itong bahay..” pahina ng pahina ang boses niya, naninimbang rin kasi siya sa reaksyon ng mga bata.

“Saan na po tayo titira?” tanong ni Bridgette.

Advertisement

“Baka sa apartment, o doon muna kina lola nyo.” sagot niya rito.

“Dun ka na lang din lagi sa bahay, kasama ka namin?” tanong naman ni Brianne.

“Syempre anak.” sagot niya ulit dito.

“Edi wala naman po palang problema, basta magkakasama.” sabi ng dalawang bata at nginitian siya.

Hindi niya akalain na ganoon kabilis matatanggap ng dalawang bata ang problema. Siguro siya lang itong pilit dinaramdam ang mga nangyayari, tama ang mga anak niya. Basta magkakasama sila, kakayanin niya lahat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.