Nainsulto ang Babae nang Malamang Mataba ang Ipinalit sa Kanya ng Dating Nobyo, Nag-iba ang Kanyang Pananaw Nang Malaman ang Dahilan

Dalawang taon na magmula nang ipagpalit ni Trixie ang nobyong si Eric sa isang lalaking nakilala niya sa inuman. Ang dahilan niya ay pinagsawaan na niya ang kawawang binata. Kahit pa labis-labis siya nitong inalagaan at minahal ay napakadali lang para sa kanyang ipagpalit ito sa iba.

Ngunit lahat ng pagkagusto niya sa dating nobyong iniwan ay nanumbalik nang malaman na mayroon na itong bagong nobya.

“Trixie! Balita ko may bago na si Eric ah. Sa wakas, naka-move-on na sa’yo!” kwento ng kaibigan ni Trixie na si Jen.

“Talaga? Sus. Sigurado ako mas maganda pa rin ako dun,” sagot ng gandang-ganda sa sarili na dalaga.

Tunay ngang maganda si Trixie. Isa itong matangkad na babae na may napakakinis at maputing kutis. Lahat ay napapatingin sa kanya sa tuwing siya ay maglalakad.

Habang naglalakad ang magkaibigan sa isang mall, sakto namang nakasalubong nila si Eric at ang bago nitong kasintahan.

“Huy! Si Eric o! Kasama yung bago!”

Agad humagalpak ng tawa si Trixie nang makita ang bagong nobya nito. Taliwas sa kanya, mataba ang babae at hindi kaputian. Hindi maintindihan ang biglang pasok sa isip ni Trixie.

Advertisement

“Aagawin ko ulit si Eric,” bulong nito sa sarili.

Malaki ang tiwala niya sa sariling magiging madali ito dahil sa itsura ng bagong nobya ng binata.

Hinila ni Trixie ang damit niya upang bahagyang lumitaw ang malulusog niyang dibdib. Naglagay pa ito ng pulang-pulang lipstick na bagay naman sa kanyang mamula-mulang kutis.

“Hi, Eric! Kumusta?” nakangiting bati ni Trixie sa binata.

Nagulat naman si Eric nang makita ang dating nobya na labis siyang sinaktan.

“O, Trixie. Ayos naman. Girl friend ko nga pala, si Leah,” pagpapakilala ng binata sa kanyang kasintahan.

“May bago ka na pala? Ok naman ako. Wala na kami ni Marco, matagal na,” sagot ni Trixie habang tinitingnan si Leah mula ulo hanggang paa.

“Ganon ba? O sige. Mauna na kami. May pupuntahan pa kasi kami,” paalam ni Eric.

Advertisement

Labis namang nainis si Trixie. Hindi siya masaya na nakikitang masaya ang dating nobyo. Hindi rin niya matanggap na tila ba nakalimutan na siya nito.

“Jen! Tandaan mo ‘to. Makukuha ko ulit ‘yan si Eric,” wika ng nakangising si Trixie na tila ba may maitim na binabalak.

“Ha? Bakit? Ayaw mo na sa kanya, ‘di ba? Bakit ngayon gusto mo na naman? Nakita mo lang na may iba e,” sagot ni Jen.

“Basta!”

Kinagabihan, agad hinanap ni Trixie ang nobyong si Eric sa Facebook. Dati kasi ay tinanggal niya na itong friend, ngunit ngayon ay in-add niyang muli. Lalong nanggalaiti sa selos si Trixie nang makita ang litrato ni Eric na kasama ang malusog nitong nobya.

“Yak! Walang panama ‘to sa’kin. Ewan ko lang kung makatanggi si Eric sa mga ipapadala ko sa kanyang larawan,” bulong niya sa sarili habang unti-unting nagtatanggal ng damit.

Nagpadala siya ng ilang malaswang larawan sa dating nobyo, kasabay ang isang mensahe.

“Na-miss mo ba ako? Sabik na sabik ka na ba dito? Halika at puntahan mo ako dito sa bahay. Sa akin ka na ulit, huwag na sa baboy na ‘yan.”

Advertisement

Bilib na bilib sa sarili si Trixie na ganoon niya kadaling maaagaw ang lalaki. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

“Aba, ang bilis magreply ah. Sabik nga,” tuwang-tuwang sabi ni Trixie sa sarili.

“Nasaan ka? Magkita tayo. Ngayon na!” text ni Eric sa dating nobya.

“Nasa bahay lang. Dating gawi lang. Tara,” sagot ni Trixie sa kanya.

“Papunta na ako. Humanda ka,” sagot ni Eric. Labis ang saya na naramdaman ni Trixie. Napakadali pala niyang makukuha ang atensiyon ng dating nobyo.

Agad na nagpaganda si Trixie. Nagsuot pa ito ng pagkanipis-nipis na damit upang labis na maglaway sa kanya si Eric. Naligo pa ito at labis na nagpabango.

“Trixie! Trixie! Buksan mo ang pinto!” sigaw ni Eric habang kumakatok sa pintuan ng bahay ni Trixie.

“Sandali lang! Masyado ka namang sabik,” malanding sagot ng dalaga.

Advertisement

Nang buksan niya ang pinto, bumulaga sa kanya ang galit na galit na si Eric.

“Anong problema mo?! T*ng*na, Trixie! Nananahimik kami ni Leah. Masaya kami sa buhay. Anong gusto mong mangyari?!”

“O, bakit? Hindi ka ba natutuwa sa mga pinadala ko? Kaya ka nga nagpunta, hindi ba?”

“T*nga ka ba?! Sa ugali mong ‘yan, sa tingin mo magkakagusto pa ulit ako sa’yo? Hindi ako t*nga!”

“Ganon? Ang pangit-pangit naman ng ipinalit mo sa akin! Ang taba pa. Ganyan na ba kababa ang standards mo?”

“Ano?! Ulitin mo nga! Oo, sige. Maaaring totoo na mas maganda ka kay Leah. Pero ‘yang ugali mo, napakalayo! Sa totoo lang, nakakapandiri ang ugali mo. Sinong lalaki ang magmamahal sa’yo? Malayong-malayo si Leah sa’yo! Kaya pwede ba? Layuan mo ako! Kung hindi, ipapakalat ko ang mga litratong ipinadala mo. Tantanan mo kami!”

Galit na galit na umalis si Eric. Napaluhod si Trixie habang hindi niya namamalayang tumutulo na ang kanyang mga luha. Napagtanto niya na hindi nga sapat ang maganda niyang mukha at seksing katawan, dahil base na rin sa kanyang mga karanasan ay madalas siyang iwan ng mga lalaki. Labis siyang nanghinayang dahil naisip niyang si Eric nga lang ang tanging lalaki na nagtiyaga sa kanya, ngunit nagawa niya pa itong lokohin.

Nang dahil sa pangyayaring iyon, labis na natauhan si Trixie. Itinigil na niya ang panggugulo sa dating nobyong si Eric na masayang-masaya na sa piling ng bago nitong nobya. Bagkus ay sinimula na lamang ni Trixie na baguhin ang kanyang pag-uugali imbis na tumutok lamang sa pagpapaganda sa pisikal niyang anyo. Natutunan niyang mas mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting puso kaysa sa pagkakaroon ng magandang mukha at pangangatawan.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!