Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Singit ng Matandang Arabo - Inday Trending

Singit ng Matandang Arabo

Isang taon na ang nakalipas mula nang simulan ni Jun ang panggagamot. Malaki ang kinikita niyang pera dahil marami ang naniniwala sa kanyang kakayahan kahit ang katotohanan ay peke siya. Gawa-gawa niya lang ang mga herbal na ipinapainom niya sa mga pasyente.

Imbento niya lang rin ang dasal na ibinubulong sa mga ito, kunwari ay Latin. Ewan niya ba, mahal yata siya ng Diyos dahil isang mayamang ale ang nagpagamot at nagkataon naman na pagkatapos nitong pumunta sa kanya ay gumaling ang sakit nito. Mula noon, sumikat na siya.

Dinarayo na siya ng mga tao hindi lang sa Pilipinas, may mga pasyente na rin siyang foreigner. Katwiran ng mga ito, wala namang mawawala kung susubukan. Ang problema lang kay Jun, hindi lang siya manloloko. Manyakis pa.

Kapag napapansin niyang maganda at makinis ang pasyente ay iba ang style niya. Hindi lang basta bulong, dumidiskarte siya.

“K-Kailangan ho ba talaga iyan manong?” wika ng dalagang nakaupo sa wheelchair. Ayon dito, bigla itong dinapuan ng sakit dahilan upang mahirapan na itong makalakad muli.

Napatigil tuloy sa ginagawa niya si Jun, “Oo ineng. Alam mo bang may agimat ang laway ko? Ang iba nga ay dinuduraan ko lang, gumagaling na. Pero iba itong sayo, naaawa ako sayo kaya kahit na masisimot ang lakas ko’y gagawin ko pa rin. Pangako, matapos kong dilaan ang iyong binti ay makakalakad kana sa loob ng isang Linggo. Wag mong igalaw ang binti mo,” hinimas himas niya pa ang mapuputing binti ng dalaga.

Didilaan niya na iyon nang mapalingon sa pinto, may isang lalaking naka-barong at shades, bulong ito nang bulong sa headset nito.

“Sino ka ba? Pasyente lang ang maaaring pumasok,” sita niya, istorbo eh!

“Amo ko ang susunod na pasyente. Bodyguard ako, sinisiguro ko lang na safe ang paligid bago siya pumasok kasunod ng babaeng iyan,” walang pakialam na sabi ng bodyguard.

Hindi nalang ito pinansin ni Jun, mukha naman kasing wala itong balak na umalis. Masisira lang ang momentum niya.

Itinuloy niya na ang pagdila sa binti ng dalaga. Ang swerte niya naman! Nang magsawa ay sinenyasan niya itong makakalabas na. Grabe, bayad na nga, nakahalik pa sa maputing binti!

“Sige na, papasukin mo na ang amo mo,” sabi niya sa bodyguard.

Bumulong itong muli sa headset. Ilang sandali pa ay mas maraming kalalakihang katulad nito ang pumasok, mga bodyguard rin. Aba, mukhang mayaman talaga itong susunod na pasyente.

“Hindi nakakapagsalita si Sir ng tagalog pero marunong siyang mag-English. Magbabayad ito ng malaki kaya galingan mo,” bulong sa kanya ng isa.

Hindi niya alam pero tila nagtagal sa pinto ang pinagkukumpulan ng mga ito, lalo tuloy siyang nagtaka.

“Ayan, hindi kasya. Itagilid mo, yan..dahan-dahan.” sabi ng mga ito.

Matapos iyon ay tumambad sa kanya ang isang matanda at matabang Arabong naka-wheelchair. Halos di na ito makakilos dahil sa bigat nito.

“I want you to help me,” wika nito.

“Yes Sir, I will do my best,” sabi niya naman, nag iisip pa kung tama ba ang ingles niya.

“My bodyguard Ben told me that the fastest way to cure my disease is for you to lick the infected part,” hirap na hirap na wika nito.

“H-Ha?” napatingin siya sa bodyguard.

Nagsalita naman ang lalaki, “Diba sabi mo sa dalaga kanina? Yung iba ay dinuduraan mo lang, tapos dinadasalan mo ng Latin. Pero mas mabilis kung didilaan mo mismo diba? Ang gusto ng amo ko ay pinakamabilis na gamutan kaya gawin mo na,”

Napalingon siya sa buong paligid at lahat ng bodyguard ay masama ang tingin sa kanya.

“A-Ano ho ba ang sakit niya?” tanong niya.

“May bukol siya sa singit, sa sobrang laki ay umabot na sa itlog niya.”

Diyos ko po, mahabaging Panginoong Hesus!

“When are we going to start?” tanong ng Arabo.

Nangangatog si Jun, lalo pa nang senyasan na ng matanda ang mga bodyguard na buksan ang zipper ng pantalon nito. Tumalima naman ang mga lalaki.

Napatayo si Jun at tumakbo sa labas.

“Peke ako! Hindi ako totoo! Manloloko ako, ibabalik ko nalang ang pera nyo! Kasuhan nyo na ho ako! Patawad!” pag amin niya.

Napuno ng sigawan at galit na sumbat ang buong paligid, may dumampot rin sa kanyang mga pulis dahil sa panloloko niya sa kapwa. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad at nangakong ibabalik nalang ang perang nagastos niya na.

Iyon rin ang sinabi niya sa matandang Arabo.

Kung iisipin, naging blessing pa ang matanda dahil natakot si Jun na ituloy ang panloloko sa kapwa. Kung inaakala niyang naisahan niya ang Diyos ay mali siya.

Singit lang pala ang katapat ng manlolokong tulad niya.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.