Sumugod ang Misis sa Opisina ni Mister Dahil sa Nababalitang Kabit ng Lalaki, Ngunit Mas Mapapahiya ang Misis sa Matutuklasan

Sa unang taon ng pagsasama nila Jean at Arvin ay agad na nasubukan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Nahuli kasi ng babae na may iba ang kaniyang mister at kapag nag-aaway ang dalawa ay palaging pinamumukha ng lalaki sa babae na hindi naman daw sila kasal. Kaya tinanggap na lang ito ng babae at pinatawad si Arvin sa pangakong magbabago na siya.

Lumipas ang limang taon at nagkaroon sila ng anak na naging tulay sa kanilang mas maayos na pagsasama. Nakita ni Jean ang malaking pagbabago ni Arvin at naging isang mabuting asawa’t ama ito.

Ngunit muling sinubok ng tadhana ang dalawa.

“Patawarin mo ako Arvin hindi ko sinasadya na mawala ang anak natin,” saad ni Jean sa lalaki.

Image courtesy of www.google.com

“Binigay ko naman ang lahat sa’yo pero hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin kaya ayan ang nangyari, nawala ang anak natin Jean!” galit na bulyaw ni Arvin.

Image courtesy of www.google.com

“Nang dahil sa’yo kaya nawala ang prinsesa ko!” baling pang muli ng lalaki.

Anim na buwan nang buntis si Jean sa kanilang pangalawang anak na babae at nalaglag ito dahil sinundan ni Jean ang isang taxi na pumasok sa motel, sinugod ang lalaki sa pag-aakalang si Arvin ito at nadulas siya na naging sanhi ng pagkawala ng bata.

Nagising na lang siyang kinakausap na ng doktor at sinasabing wala na daw ang bata, hindi nabuhay.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

Simula noon ay naging malamig ang pagsasama nila na lalo pang kinapraning ni Jean.

“Uy, Nicole mare, baka naman pwedeng ikaw yung maging mata ko diyan kay Arvin,” wika ni Jean sa kaibigang babae na katrabaho rin ni Arvin.

“Alam mo naman na loyal ako sa’yo, syempre naman pwedeng-pwede. Pero mare, ano bang gagawin mo kapag nalaman mong may babae na naman si kumpare?” tanong ni Nicole.

“Ire-report ko na siya kahit hindi kami kasal dahil may anak naman kami,” sagot namag ni Jean rito.

“E ito nga mare, lahat kami napapansin na dito na sobrang close sila nung receptionist na bago! Laging magkasabay na umuwi at pati mag-lunch, ayoko nang mangialam pa Jean, pero yun ang nakikit ko,” pahayag naman ni Nicole dito.

“Sabi ko na e, hindi naman manglalamig lang ‘yan dahil sa nalaglag ang anak namin. May babae na naman ang hayop!” wika naman ni Jean saka binaba ang telepono.

Image courtesy of www.google.com

Dahil mabagal ang proseso ng korte ay naisipan ni Jean na sa opisina na lang ni Arvin siya magreklamo, alam kasi ng babae na bawal ang mga ganoong relasyon lalo na kung pamilyado na ang tao.

Kinaumagahan ay agad na sumugod si Jean sa opisina at dumiretso ito sa kanilang HR, hinanap din muna niya ang bagong receptionist at tinignan ito mula ulo hangang paa.

Advertisement

“Batang-bata pero kumakabit sa may asawa. Mga kababaihan talaga ngayon, mga higad!” isip-isip ni Jean.

“Mrs. Perez, sigurado ho ba talaga kayong may babae ang asawa niyo dito sa aming opisina? Maituturo niyo ho ba ang sinasabi niyong kabit?” tanong ni Medra, ang HR head sa opisina na pinapasukan ni Arvin.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi ko na ho kailangan pang ituro dahil alam na alam na dito sa inyo. Kaya nga nakarating sa akin itong balitang ito dahil palagi silang nakikitang magkasama. Babaero ho ang mister ko kaya alam kong babae niya yung bagong receptionist niyo,” lumuluhang wika ni Jean sa babae.

“Si Nina ho ba yung tinutukoy niyo? Hindi niyo ba siya kilala, Mrs. Reyes? Hindi ba nabanggit sa inyo ni Arvin amg relasyon nila?” tanong naman ni Medra.

“Ha, relasyon? May relasyon sila at alam niyo?” gulat na baling ni Jean rito.

“Mas mabuti pa hong ipatawag natin ang dalawa dahil kailangan yatang sila ang magsabi sa inyo ng totoo nilang relasyon,” saad namang muli ng babae.

Agad na pinatawag ang dalawa sa opisina ni Medrea at halatang gulat na gulat si Arvin nang makita ang kaniyang asawa na naroon at mugto pa ang mata.

“Mr. Perez, pumunta ho kasi ang misis niyo sa akin at sinasabing babae niyo raw ho si Nina. Sa tingin ko’y kayo ang dapat na magsabi sa kaniya,” pahayag ng babae at isinara ang pintuan saka siya lumabas. Naiwan ang tatlo sa loob.

Advertisement

“Pati ba naman sa opisina ko, Jean? Pati si Nina dinamay mo pa sa kabaliwan mo?” bulalas ni Arvin sa babae.

“E bakit kasi hindi mo pa aminin kung ano’ng meron sa inyong dalawa? Marami nang nagsasabi na palagi kayong nakikitang magkasama!” sigaw naman ni Jean sa dalawa.

“Ate Jean, hindi ko po lalaki si Arvin, kuya ko ho siya,” pahayag ng babae na labis na ikinagulat ni Jean.

Image courtesy of www.google.com

“Oo Jean, magkapatid kami. Matagal nang sikreto sa amin ang ibang pamilya ni tatay at tanging ako lang ang nakakaalam. Ngayon alam na ng HR namin dahil nakita nilang iisa ang tatay namin pero sinabi ko na huwag nang ipaalam sa ibang tao dahil ayoko ng chismis! Pero ito ka ngayon, nandito ka dahil wala kang tiwala sa akin!” saad ni Arvin.

“Kung gusto kitang lokohin, matagal ko nang ginawa pero hindi, sana nakikita mo ‘yon lalo na nang nagka-anak na tayo,” dagdag pa ng lalaki.

Hindi na nakapagsalita si Jean at umuwi ito kaagad. Humingi siya ng paumanhin kay Nina at pati na rin kay Medra.

Gumawa rin siya ng paraan na mapatawad na siya ni Arvin sa kaniyang mga akusasyon sa asawa, mabuti na nga lang at pag-ibig pa rin ang umiral sa kanila.

Ngayon ay mas pinili ni Jean na magtiwala ulit sa asawa at kalimutan ang mapait nilang alaala.