Babae sa Pulang Mansyon

Sa isang baryo sa probinsya ng Capiz matatagpuan ang isang misteryosong kulay bughaw na mansyon. Matagal nang walang nakatira dito. Halos matabunan na nga ito ng mga ligaw na halaman. Ngunit tila ba iba ang nakikita ng mga kalalakihan sa mansyong ito.

Minsan napadaan dito ang mga dayong sila Martin at Diego, kasama ang mga kasintahan nila.

“Pre, akala ko ba sabi ng pinsan mo abandonado na ang mansion?” sabi ni Diego, parang namamalikmata pa sa ganda ng bahay.

“Oo bakit, gusto mong tumira dyan?” biro ni Martin.

“Hindi, gago. Tingnan mo o, may babae sa bintana.” seryosong sabi nito, nakatitig pa sa lumang bintana na halatang ilang taon nang napabayaan.

Ibinaling ni Martin ang paningin sa direksyong tinititigan ng kanyang kaibigan at maging siya ay napanganga, “Oo nga no! Aba napakaganda!” dagdag niya pa, agad naman siyang tinampal ng kasintahan.

“Ano ba kayo? Namamalikmata lang kayo panigurado! Ni hindi ko nga makita ang mga bintana dahil sa mga ligaw na halaman eh. Tapos kayo nakakakita pa ng babae? Aba naman!” sagot ng dalaga.

“Totoo naman eh, ayun o, parang nangyayakag pa!” ani ni Martin habang nakatulala sa bahay, natakot na ang kasintahan nito kaya naman hinila na niya ang binata.

Advertisement

Laging laman ng usap-usapan ang nasabing mansyon na ito. Tila may babaeng naninirahan daw dito na nangunguha ng mga lalaking napapatitig sa bahay. Bughaw raw ang kulay nito pero ayon sa mga matatanda, nagiging pula raw sa paningin ng mga binatang nais nitong akiting pumasok.

“Alam mo pre, parang nahingi ng tulong yung babaeng nakita doon kanina. Iba yung pakiramdam ko eh.” ani ni Diego habang nakain sila ng hapunan.

“Hindi ko napansin eh, natakot kasi ako noong makita kong kulay pulang-pula ang bahay, umiwas agad ako ng tingin.” sabi ni Martin.

“Alam niyo, huwag niyo nang isipin pa yon. Mamaya kayo talaga ang puntirya noong namamahay doon, dayo pa naman tayo dito.” pananakot ng kasintahan ni Martin.

“Hindi eh, parang wala naman siyang balak na manakit.” pangongontra ni Diego.

“Hay naku bahala ka! Doon kana tumira!” inis na sabi ng nobya nito.

Kinumbinsi naman ni Diego si Martin na pumunta ulit sa nasabing mansyon. Hindi talaga kasi siya mapanatag sa nakita niyang babaeng parang nagmamakaawa. Iba sa mga kwento-kwentong nang iirap daw ito at kapag tinangka mo nang umalis ay kukunin ka nito.

“Pre, ito ang teknik natin ha, huwag kang titingin sa mata noong dalaga kapag nakita mo, o kapag napatitig ka naman at inirapan ka, huwag kang tatakbo ha. Susubukan natin siyang kausapin.” paliwanag ni Diego kay Martin.

Advertisement

Dahan-dahang naglakad palapot ang dalawa, iba ang kilabot na kanilang naramdaman pagtungtong palang nila sa terasa. Pagbukas ng pinto, nagulat sila sa mga nakita. Maraming lalaking ang nagsasayawan dito, may mga nag-iinuman at may mga nakain nang masasarap na pagkain.

Nakita nila Martin at Diego ang babaeng tinutukoy sa kwento, sobrang ganda nga nito at mestiza. Biglang tumigil ang lahat ng kalalakihan saka nagsiluhod. Nag-iba ang awra sa buong mansyon, nagtaka ang dalawang binata kung bakit tila naging kulay abo ang buong paligid.

Napatingin sila sa mga mata ng babae, inirapan sila nito at doon sila simulang nakaramdam ng takot.

“Pre, ayoko na. Aalis na ako dito.” bulong ni Martin habang paatras nang paatras.

“Martin! Pigilan mo. Makukulong ka dito kapag hinayaan mo yang takot mo!” paalala ni Diego.

Biglang may naglitawang mga litrato. May isang babaeng pinagsasamantalahan ng tatlong lalaki. Tila nagpupumiglas ang babae ngunit wala siyang magawa. Kamukhang-kamukha ito ng dalaga sa kanilang harapan.

“Oo, tama ka nang iniisip. Pinagsamantalahan nila ako at pin*tay. Hindi ko ito matanggap kaya naman lahat ng lalaki sa baryong ito ay kinukuha ko kapag ayaw nila akong tulungan.” paliwanag ng dalaga habang hinahaplos ang dalawa.

“Ngayong nasa teritoryo ko na kayo, mamili kayo. Tatakbo ba kayo sa takot at mam*matay o tutulungan niyo ako?” pananakot ng babae, agad namang tumango ang dalawa.

Advertisement

“Dito nila ako sa mansyon pinagsamantalahan, at doon sa likod bahay nila itinapon ang b*ngkay ko. Hanapin niyo iyon at ibaon sa lupa. Panigurado mga buto na lang iyon.” ani ng dalaga, maluha-luha ito.

Sinunod naman ng dalawa ang bilin ng babae. Agad silang nagtungo sa likod bahay at doon nila nakita ang hiwa-hiwalay na buto ng dalaga. Inipon nila ito, saka sila naghukay. Bago nila tabunan ang mga buto, dinasalan muna nila ito nang sa gayo’y manahimik na ang kaluluwa ng babae.

Pagkabaon nila ay biglang naging kulay bughaw ang mansyon. Nagsilabasan ang mga ligaw na halaman at doon nalaman nila na ang babae palang laman ng kwento-kwento ay isang biktima ng r*pe, kaya hindi matahimik.

Napagpasyahan rin ng dalawa na ibigay sa mga pulis ang mga litratong nakita nila. Simula noon, natigil na ang pagkawala ng mga lalaki sa baryo, tila nanahimik na ang pulang masyon.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only)

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino