Nakapulot ng Sanggol sa Simbahan ang Mag-asawa, Ikinagulat Nila nang Lumabas ang Tunay Nitong Pagkatao

Hindi na malaman ni Melissa ang gagawin, maganda ang nakaabang na kinabukasan para sa kaniya. Nakatakda na siyang lumipad papuntang Japan sa loob ng isa’t kalahating taon kasama ng kaniyang mga ka-banda ngunit napag-alaman nitong nagdadalang tao na pala siya.

Nang manganak ito’y nag-iisa lamang siya sa ospital. Itinago niya ang pagbubuntis sa mga matalik na kaibigan at kamag-anak. Tatlong taon na rin mula ng lumayas siya sa poder ng kaniyang mga magulang. Ika niya, hindi siya kayang pag-aralin ng mga ito sa maayos na paaralan sapagkat nagsasaka lamang ang mga ito. Palibhasa’y magaling magtago at madiskarte ang dalaga, halos linggo-linggo kung siya ay lumipat ng tahanan upang hindi matunton ng mga magulang. Walang takot sa mundo si Melissa, kadalasan sa mga tinutuluyan niyang bahay ay hindi niya lubusang kilala ang mga tao.

Iwas na rin ang mga matatalik na kaibigan nito sa pakikialam sa buhay ng dalaga sapagkat ilang beses na sila nitong nilagay sa panganib. Nariyang nagnakaw ito ng pera ng mga magulang ng kaniyang ka-banda at sa isang pagkakataon naman ay itinakas nito ang kotse ng isang kabigan at nabangga.

( )

Sa isang public hospital ay nagmumuni-muni ang dalaga kung ano ang gagawin sa sanggol na iniluwal niya. Wala siyang maramdamang pagmamahal para dito at hindi rin niya sigurado kung sino ang ama nito.

Matapos ang dalawang araw ay kinailangan na niyang umuwi dahil napakarami nang bagong manganganak at wala nang puwesto ang mga ito. Tuliro at natataranta, bigla siyang naawa sa sanggol matapos niyang maramdaman ang unang haplos nito sa kaniyang mukha. Napakaganda nito at tila kamukhang-kamukha niya. Ilang beses siyang nagpabalik balik sa simbahan nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Ito pala ang band manager nila, nagtataka kung bakit nitong nakaraang anim na buwan ay hindi siya nagpapakita.

Nagdahilan na lamang siya na umuwi ng probinsya upang makatulong sa mga magulang. Ibinalita ng kanilang manager na sa loob ng isang lingo ay kailangan na pala nilang pumunta ng Japan sapagkat ang isang bandang nakatakdang umalis ay nagpasyang huwag na lamang tumuloy. Lalo namang natuliro si Melissa at dali daling inilagay sa isang kahon ang sanggol at pasimpleng iniwan sa tapat ng simbahan. Sapagkat hatinggabi na iyon ay wala ni isang nakahalata dito.

Habang nagsusuklay ay pinagmamadali na ni Aling Tessie ang asawang si Mang Jun. Tuwing madaling araw ng Huwebes sila nagsisimba sa Quiapo upang hindi makisabay sa madaming tao.

“Napakaaga natin, dinaig pa natin ang pari’t mga sakristan”. Pabirong sabi ni Mang Jun.

Advertisement

Natawa na lamang ang kabiyak nito. Nang papasok pa lamang sa simbahan ay tila may naririnig silang iyak ng sanggol. Tila wala na itong boses, malamang ay napakatagal na nitong umiiyak. Napahagulgol ang mag-asawa sa nakita. Napag-desisyonan nilang dalhin ito sa police station.

Nang titigan ng mag-asawa ang mukha ng bata ay hindi nito maalis sa isip ng mga ito ang pagkakahawig ng sanggol sa kaisa-isa nilang anak na si Melissa.

“Niloloko niyo po yata kami, Tita. Hindi ba’t apo niyo iyan? O baka naman anak niyo? Tignan niyo naman, carbon copy. Kamukhang kamukha nyo ho misis. At tignan nyo naman ang kutis, mana kay mister na moreno.”

Hindi maalis sa isip ni Aling Tessie ang kaniyang panaginip noong nakaraang lingo, nasa ospital daw si Melissa at humihingi ng tulong.

 ( )

Nagkagulo na ang lahat at inilapit nila ang sitwasyon sa isang ahensiya ng gobyerno. Agad namang pina-DNA test ang bata at mag-asawa. Windang ang lahat sa resulta nito. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang batang ito ay apo ng mag-asawang nakapulot dito. Pinangalanan nila itong Jessica. Di nagtagal ay lumabas sa diyaryo ang balita. Sapagkat abala si Melissa ay wala itong alam sa lahat ng pangyayari.

Iginapang ng mag-asawa ang pag-aaral ng apo at napalaki nila ito na mabait at masunuring bata, kabaligtaran ng kaniyang ina. Pagkaraan ng ilang taon ay unti-unting kinain ng lungkot si Melissa. Bagamat naging sikat itong singer sa Japan ay hindi pa rin kumpleto ang kaniyang pakiramdam.

Nagpasiya siyang magbakasyon muna at puntahan ang mga magulang. Pagdating ng kanilang bahay ay nanglaki ang mata nito sa nakita. Isang dalagang napakaganda ang bumungad sa kaniya.

Nakangiti ito at sinabing “Alam ko namang isang araw ay babalik ka. Alam kong balang araw ay makukumpleto tayo kasama nila Lolo at Lola.”

Advertisement

Walang sumbat, galit, o anumang negatibong salita. Bukas palad siyang tinanggap at pinatawad ng anak at mga magulang. Lalo siyang nangliit at nagsisi sa ipinakita ng mga ito. Ika ng mag-asawa, wala siyang dapat pasalamatan kung hindi ang Panginoon na nag-ayos ng kaniyang napakagulong buhay.

Bumawi ng husto si Melissa sa anak at mga magulang, pinagpatayo niya ito ng magandang bahay. Higit sa materyal na bagay, kitang kita din naman ang pagiging ulirang ina nito kay Jessica at butihing anak sa mga magulang.

Naniniwala ka ba sa laro ng tadhana? Sang-ayon ka ba sa agarang pagpapatawad ng mga magulang at anak ni Jessica sa kaniya? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.