Malaki ang Tiwala ng Babae sa Bestfriend Niyang Lalaki Kaya Sumama Siya sa Inuman, Pinagsisihan Niya sa Huli ang Kanyang Desisyon

“Ano, Jean? Tara mamaya kina Vince. Birthday ko naman eh. Minsan lang ‘to. Bespren mo naman ako, diba?” ang pangangantiyaw ni Paul sa kaibigang si Jean. Alam niyang matutuwa ang mga kabarkada kapag nadala niya si Jean sa inuman dahil sa marami sa kanila ang may gusto sa dalaga.

“Baka ‘di ako payagan ni Mama e, lalo na kapag nalaman niya na may inuman.” sagot ni Jean.

“Ano ka ba, Jean. Pa’no n’ya malalaman na may inuman, kung di mo sasabihin?” nakatawang tugon ni Paul.

“Hay nako. Sige na nga. Basta, konti lang iinumin ko ha.” pilit na sagot ni Jean. Wala siyang kaalam-alam sa mga susunod na pangyayari sa kaniya na ikakawasak ng pagkatao niya.

“Yes! ‘Yan naman ang gusto ko sa’yo Jean. Madaling kausap. Mamaya ah! Kita na lang sa may tindahan ni Aling Gracia.” nakangising sagot ni Paul, na tila nanalo sa lotto nang makumbinsi ang kaibigang sumama sa kanila.

Agad-agad namang nagchat si Paul sa kaniyang mga kaibigan. 

Paul: “O pre, maghanda kayo mamaya ah! May chicks akong kasama. Regalo ko sa inyo tutal birthday ko. Hehe!”

Vince: “Iba talaga ‘tong tropa ko! Lakas sa chicks!”

Advertisement

JC: “Kaso ‘tol isa lang? Paano naman kami? Lima tayo ah baka nakakalimot ka! Hehe.”

Paul: “Sige nga mamili ka, isa o wala? Eto talaga di makuntento! Saka lahat naman tayo sasaya mamaya! O maghanda kayo ah!”

Christian: “Oy sali ako d’yan ah!”

Biglang nagreply naman ang kaisa-isang may matinong pag-iisip sa magkakaibigan, si Miguel.

Miguel: “Mga pre, parang ‘di ata tama ‘yan ah. Mukhang mabait pa naman yun. Mga loko talaga kayo.”

JC: “Nakupo nand’yan na si Father! Ano ka ba pre? Biyaya na tatanggihan mo pa.”

Vince: “Wag kang KJ pare. Punta ka mamaya sa’min ah!”

Nagpaalam na si Jean sa kaniyang Mama. “Ma, niyayaya po ako ni Paul sa birthday mamaya. Ihahatid naman daw po ako pauwi.”

Advertisement

“O sige, ingat ka. ‘Wag masyadong papagabi.” mabilis na tugon ng kanyang ina, na hindi na nagtanong ng mga detalye dahil abalang-abala sa ginagawang online tutor job.

Nakarating na sa bahay ni Vince si Jean at si Paul, maraming ibang bisita kaya’t nagsimula namang mag-enjoy si Jean. Matapos ang kainan, nagsimula na rin ang inuman. Inilabas na ni JC ang tatlong litro ng Emperador at limang bote ng Gin. 

“Simulan na ang tunay na selebrasyon. Happy birthday, Paul! Inuman na!” nakangiting sigaw ni JC.

Matapos makainom ng ilang baso ng alak, unti-unti nang nakaramdam ng hilo si Jean. Nagsimula na ring magsipag-uwian ang  iba pang dalagang bisita kahit pa pinigilan ito ng magkakaibigang lalaki.

“Jean, shot pa! Para sa pagkakaibigan natin!” pangungulit ni Paul.

“Uhm, nahihilo na ako eh. Pero sige dahil birthday mo naman, last na ha?” hilong sagot ni Jean.

Hindi na namalayan ni Jean ang sunod-sunod na pag-abot sa kanya ng baso ng alak, at lalong di n’ya na napansin na siya na lamang ang natitirang nag-iisang babae sa inuman. Pasuray-suray na ang lakad ni Jean, at hindi na makakilos ng maayos. Maya-maya ay nakatulog na ang dalaga sa kinauupuan niya. At nang mapansin na ito ng magkakaibigan…

DITO NA NAGSIMULA ANG LAHAT NG KADEMONYOHAN.

Advertisement

Vince: “Sa wakas! Nalasing din! Akala ko ‘di na tatamaan ‘yan e.”

Paul: “O mga tol, eto na yung pabirthday ko ah! Enjoy! Pero syempre, ako muna ang mauuna. Virgin pa ‘to e!”

JC: “Bilis! Bilisan mo ‘tol. Kanina ko pa gustong-gustong tikman ‘yan e. ‘Yan napapala ng uto-uto!”

Christian: “O sige na, ako na lang huling gagalaw diyan. Para unli! Kahit ilan! Hahaha!”

At nagsalitan na nga ang apat na binata babuyin ang dalagang himbing na himbing sa kalasingan.

Kinabukasan, tumunog ang alarm ng ina ni Jean. Nagising ito na parang may mabigat siyang dinadala. Napabalikwas ito ng kama nang maalala na di pa umuuwi ang dalagang anak.

“Nako! Nakalimutan ko nang tawagan si Jean bago ako matulog.” nalimutan niya ito nang dahil sa labis na pagtatrabaho.

Agad na kinuha ng ina ang kanyang cellphone upang tawagan si Jean ngunit matapos ang ilang ring ay di ito sumasagot. Nag-alala na ng labis ang kanyang ina, kaya’ tinawagan na nito si Paul na labis niyang pinagkatiwalaan. Ngunit wala ring sagot ang binata. Nang bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa numerong di niya kilala. 

Advertisement

“Tita, si Jean po… Si Jean nagahasa po ng apat na lalaki!” si Miguel pala ito, na kaibigan ng apat na lalaki.

“Ha??? Diyos Ko! Anong nangyari?” Halos himatayin ang Ginang sa takot.

Ipinaliwanag lahat ni Miguel lahat ng nabasa niya sa group chat nilang magkakaibigan. Pumunta agad sila sa pulisya upang puntahan ang bahay ni Vince. At doon naabutan ng lahat ang tulog pa rin si Jean at apat na lalaking mahimbing ang tulog sa sarap na kanilang naramdaman mula sa pambababoy sa dalaga.

Walang pag-aatubili ay inaresto ang apat na lalaki. 

Walang ibang nagawa ang ina ni Jean kundi yakapin ang anak. Nagising si Jean na walang kamalay-malay sa mga nangyari.

Nang mahimasmasan si Jean sa kalasingan ay unti-unti niyang naalala ang mga pangyayari sa kanya. Halos mabaliw ang dalaga sa pandidiri at hinagpis sa sinapit nya sa pagsama sa inuman. 

Pero sa tulong ng ilang doktor at ilang session ng counselling, matapos ang ilang buwan ay nakarecover ang biktima.

Nakamit ang hustisya ng dalaga nang mapatunayang guilty sa kasong rape ang apat na kalalakihan. Ngunit ang sugat sa puso at pagkatao ng dalaga ay dadalhin niya hanggang kamatayan.

Advertisement

Natutunan ni Jean na huwag basta basta magtitiwala, at huwag iinom ng sobra sa iyong limitasyon. At para sa magulang naman niya, maglaan ng oras na kilalanin at pilian munang mabuti ang sinasamahan ng kanilang anak upang maiwasan ang masamang mga pangyayari.