Napilitang Magbenta ng Katawan ang Dalagang Tindera ng Daing, Hindi Niya Akalain na Ubod ng Gwapo ang Una Niyang Customer

Lumuluhang naglakad si Kristine papunta sa dalampasigan, bitbit niya ang litratong patunay na niloloko siya ng nobyong si Matthew at bestfriend niyang si Shane. Diyos ko po, sa dinami-rami ng babaeng ipagpapalit sa kanya ng nobyo, bakit ito pa?

Akala nya pa naman ay maganda ang relasyon nila dahil dumarayo pa talaga ang lalaki mula sa Maynila para lang makita siya, langit at lupa ang pagitan nila.

Minsang nanirahan ang pamilya ng binata sa probinsya at dito na sila nagkakilala, 2nd year high school lamang siya noon. Di nagtagal ay umibig sila sa isa’t isa pero kinailangan na lumipat na si Matthew at mag aral ng kolehiyo sa Maynila, mayaman naman kasi ito.

Habang siya ay naiwan at tumutulong sa nanay niya. Dinadalaw dalaw siya ng binata kung wala itong pasok. Akala niya talaga ay fairytale na pero ang litratong ito ang bumasag sa mga pangarap niya.

Napatunayan niyang ang mahirap ay para sa mahirap at ang mayaman ay para lang talaga sa mayaman.

“Kristine, wag mo namang gawin ito. Hayaan mo naman ako’ng magpaliwanag. Diyos ko po naman!” nagmamakaawang sabi ni Matthew, nasabunutan na nito ang sarili dahil hindi na malaman kung paanong paliwanag pa ang gagawin sa nobya.

“Ano pang ipapaliwanag mo, malinaw na lahat dito. Tama na Matt. Naiintindihan ko naman eh, bagay talaga kayo ni Shane. Sana maging masaya kayo,” matigas na sabi niya. Iniabot niya ang larawan kung saan makikitang naghahalikan ang dalawa.

“Tin! tumingin ka sa mata ko, alam kong naniniwala ka sa akin. Alam kong mananaig ang pagmamahal mo. Tumingin ka sa mata ko Tin saka mo sabihin na hindi mo na ako mah-“

Advertisement

“Hindi na kita mahal.” diretso niyang sabi. Dahil na rin siguro sa galit at panibugho kaya nagawa niyang magsinungaling.

Laglag naman ang balikat ng binata, luhaan ito na napaluhod na lamang habang naglakad na palayo si Kristine.

“Kristine? Kristine!” napapitlag ang dalaga sa kalabit ng tiyong niya, ang ikalawang asawa ng kanyang ina.

“H-ho? Kumusta raw ho ang nanay?” nag aalalang sabi niya. Ilang taon na rin ang nakakalipas..dalawa, tatlo? Siguro ay tapos na si Matthew sa pag aaral at matagumpay na, siguro ay nagpaplano nang magpakasal. Iwinaksi ni Kristine sa isipan ang binata dahil mas kailangan siya ng kanyang ina ngayon, isinugod ito sa ospital dahil nawalan ito ng malay sa sobrang sakit ng dibdib.

“May baradong ugat raw sa puso. Neng, kahit pa hulihin ko lahat ng isda sa dagat eh hindi ko matutustusan ang pampaopera ng nanay mo. Susubukan kong mag-solicit sa mga opisyal,” malungkot na sabi nito.

Dali dali siyang pumasok sa kwartong kinalalagyan ng ina at naabutan ang matanda na hinang hina.

“Nay, sabi sa commercial eh may omega raw ang isda na mabuti sa puso. Aba eh puro isda na nga ang kinakain natin nagbara pa ang ugat mo,” biro niya pero ang totoo ay naiiyak siya.

Saan naman sila kukuha ng pera? Ang tiyong niya ay mangingisda habang sila naman ng nanay niya ay naglalako noon. Siya ang taga-tanggal ng buto ng bangus at taga-timpla rin para gawin iyong daing.

Advertisement

Pinilit namang ngumiti ng nanghihina pa ring ginang.

“W-wag kang mag alala nanay, gagawa ako ng paraan.” pangako niya.

Umuwi siya sandali, pilit nag-iisip ng pagkakakitaan. Pabalik balik siyang naglakad sa labas ng bahay nila dahil mainit sa loob.

“Psst,alam ko yang ganyang mukha,” sabi ni Aling Nimfa. Kilala itong bugaw sa lugar nila.

“H-ho?”

“Problemang pera yan, alam na alam ko. Baka makatulong ako,” pahaging nito at hinagod siya mula ulo hanggang paa.

“Paano po? Kailangan ko ng 150,000 para operahan ho ang nanay,”

“P*tangna, ang laki pala. Pero kung masipag ka malay mo makaipon ka ng ganoon. Alam mo ba yung walker?” tanong nito sa kanya.

Advertisement

Litong napailing naman ang dalaga.

“Ay gaga. Ang walker ay ang modernong pokpok ngayon. Hindi na kinakagat ng mga customer yung nakatambay sa gilid. Online na ngayon eh, magpo-post ka ng picture sa computer tapos doon na mangyayari ang transaction. Gusto mo maging walker? Tiyak ko mabenta ka,”

Saglit na nag isip si Kristine, masisira ang buhay niya. Pero ganoon rin naman ang mangyayari kapag nawala ang nanay niya.

Napabuntong hininga siya sabay nakapikit na tumango, “Sige po.”

Napangiti ang matrona dahil tiyak na malaki ang kikitain niya, inakay niya si Kristine at dinala sa bahay niya. “Ayan, chestnut brown. Ganyan ang maganda hindi iyong plain black lang. Masyadong manang,” sabi nito habang kinukulayan ang buhok ng dalaga.

Maya maya pa ay pinagsuot siya nito ng hapit na hapit na sando at maiksing short tapos ay pina-pose. Habang pini-picturan ay ngiting ngiti pa ang matrona, “Yan! Ganyan mo pa, iusli mo yang dibdib mo. Naku gustong gusto nila yan, malusog ang dibdib.Ang puti!” sabi nito.

Nagbihis lamang si Kristine tapos umuwi na.

Kinagabihan ay masayang masayang kumatok si Aling Nimfa, tagaktak ang pawis nito at may dalang envelope.

Advertisement

“Ne! Maligo kang mabuti bukas ha, kuskusin mo yang pechay mo. May customer ka na! Ay ka-swerte mo Inday! Ang gwapo, tsaka..hay Diyos ko po kinikilabutan ako. Nagtanung tanong tungkol sa iyo at sinabi ko ang sitwasyon mo, sabi ko nga eh berdyin ka pa, napilitan lang. Akalain mong nag abot ng 200k. Sa iyo raw ang 150k, sa akin ang tira!” hindi magkamayaw na sabi nito.

“T-talaga ho?!” hindi makapaniwalang sabi ni Kristine. May pampaopera na ang nanay niya!

“Oo! Kaya siguruhin mong bibitbitin mo sa langit ang binatang ito ha, para umulit! Ito pa o, dinalhan kita ng feminine wash, nako Diyos ko po swerte!” sabi nito at nahalikan pa siya sa pisngi.

Sobrang saya ng dalaga, panatag ang loob niyang nakatulog ng gabing iyon. Pero kinabukasan ay doon lang siya binalot ng kaba, magkikita na kasi sila ng customer. Hindi na siya makakaatras dahil nakuha niya na ang bayad nito, isinuot niya ang damit na ibinigay ni Aling Nimfa.

Ang bilin ng matrona, susunduin raw siya ng driver ng customer mula sa bahay nila. Naghihintay siya sa labas nang matigilan siya dahil isang pamilyar na mukha, si Shane.

Lumuluha itong lumapit sa kanya. “Kristine..” mahinang sabi nito.

Hindi siya kumikibo, masakit pa rin sa kanya ang ginawa nito. Nagsalita ang babae, “Kristine alam kong nasaktan kita. Sinayang ko ang tiwala at pagmamahal mo, kahit kailan hindi na ako makakahanap ng kaibigan na tulad mo. Inggit na inggit ako sayo kasi maraming nagmamahal sayo, lalo na si Matthew. Mahal na mahal ka niya Tin, di ka niya niloko. Pakana ko lang iyon, hinalikan ko siya tapos pinakuhanan ko ng litrato sa kaibigan ko.

Maniwala ka, kumalas siya agad sa pagkakahalik ko. Diyos ko Tin, akala ko tagumpay na ako pero ayaw niya pa rin sa akin. Hindi kaya ng konsensya ko na pareho kayong miserable, wala siyang ginawang masama.” nakatungong sabi nito.

Advertisement

Gulat na gulat naman si Kristine kasabay ng pagtindi ng sakit sa dibdib niya, iniwan niya si Matthew, ang lalaking minamahal sa pag aakalang niloko siya nito. Pero inosente pala ang binata!

Sasagot pa sana siya pero tumigil na ang isang kotse sa harap niya.Marahil ay huli na ang lahat sa kanilang dalawa. Malungkot siyang sumakay at iniwan si Shane na umiiyak.

Iyak nang iyak si Kristine sa loob ng sasakyan, halu-halong emosyon na kasi ang nararamdaman niya. Pero nangibabaw ang kaba nang tumigil sila sa harapan ng isang bagong condominium.

Sinamahan siya ng driver na makababa at kinausap nito ang receptionist, “Penthouse siya, paki-assist nalang,” sabi nito.

Ang lakas ng tibok ng puso ng dalaga nang makababa na sila sa elevator at tumapat sa isang pinto. Iniwan na siya ng roomboy at siya na lamang ang kumatok roon. Maya maya pa ay may narinig siyang gumagalaw sa loob.

“Aba ginoong Maria napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at ipinagpala naman ang iyong anak na si Hesus,” nakapikit na dasal niya.

Pagbukas ng pinto ay napamura siya sa nabungaran kahit kadarasal niya lang.

Si Matthew.

Advertisement

Mas matipuno ito, may patubo palang na bigote at balbas na dumagdag sa lakas ng dating nito. Langhap niya rin ang lalaking lalaking amoy na parang kumikiliti sa kaibuturan niya.

Akma siyang tatalikod nang marinig ang baritono nitong boses. “Bayad na ako, wala nang atrasan,” sabi nito kaya napaharap siyang muli.

Umatras ang lalaki at sinenyasan siyang pumasok, na siya namang ginawa niya. Nanginginig siya sa kaba, nakukunsensya rin siya sa pang-iiwang ginawa niya rito.

Bahala na, para matapos na ang lahat ay mabilisan niyang hinubad ang sando at short, nanlaki naman ang mata ni Matthew at hinubad ang suot nitong T-shirt bago ay ipinatong sa kanya.

“Ano ba’ng ginagawa mo?!Ano ang ginagawa mo sa sarili mo?!” tiim bagang na sabi nito.

Napaluha si Kristine, “K-kung hindi ko ito gagawin ay mamamatay ang nanay ko. Alam mo naman siguro diba? Labag ito sa loob ko pero wala akong choice. Ikaw, bakit mo ito ginagawa? Pwede ka namang maghanap ng ibang babae diba? bakit ako pa? Para pamukhaan mo? Para makaganti sa akin? O ito na, bagsak na ako, talo na ako. Nakaganti kana, nagmukha na akong tanga!” tuloy tuloy na sabi niya.

Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sunggaban ng lalaki at siilin ng halik. Humihingal pa ito nang matapos.

“H-hindi ako naghahanap ng babae. Matagal na kitang tinatanaw mula sa malayo at sobrang kinabahan ako nang makita kitang kausap ang bugaw. Sa kanya ko nalaman na nasa peligro ang buhay ng nanay mo at kailangan mo ng pera. Baby..bakit mo ako tiniis? Kung nasa tabi mo lang ako hindi ko hahayaang mamroblema ka ng ganyan.

Advertisement

K-kaya nagpanggap akong customer dahil alam ko, pag nalaman mong sa akin nanggaling ang pera ay hindi mo tatanggapin. Diyos ko Tin, hindi ako tumigil magmahal sayo. Architect na ako o? Natupad ko na ang mga pangarap natin, sana bigyan mo ako ng pagkakataon ulit-” hindi na natapos pa ni Matthew ang sasabihin dahil hinalikan na siya ulit ni Kristine.

“Sorry, sorry kung hindi ako nagtiwala sayo at sa pag ibig mo sa akin.Sorry talaga..” bulong ng dalaga.

Hinintay lang ng dalawa na maka-recover sa opera ang nanay ni Kristine bago sila nagpakasal. Wala na silang balita kay Shane, ang huli nilang rinig ay nakapag asawa na ito at sa ibang bansa na nanirahan.

Muling nag aral si Kristine at sa araw ng kanyang graduation ay ang saya saya nila ni Matthew dahil natuklasan nilang buntis na siya sa kanilang panganay.