Minaltrato ng Mayamang Pamilya ang Dalagang Anak sa Labas, Bumaligtad ang Mundo Nila nang Nailantad ang Tunay na Pagkatao Nito

Dismayadong umuwi ang pamilya Rosales. Hindi nila maunawaan kung bakit hindi pwedeng ganapin ang pagbasa ng last will and testament kung wala ang presensya ni Tanya gayong hindi naman ito miyembro ng pamilya.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang makatanggap sila ng imbitasyon para sa pagbasa ng huling habilin ng isang yumaong kamag-anak. Hindi nila lubos na kakilala ang nasabing kamag-anak. Wala nang natitirang buhay na kamag-anak si Mrs. Rosales kaya ang suspetsa nila ay baka sa panig ito ni Mr. Rosales. Matagal ng walang komunikasyon si Mr. Rosales sa kaniyang pamilya. Hindi boto ang mga magulang niya sa napili niyang kabiyak kaya tinakwil nila ito.

Nawalay si Mr. Rosales sa kaniyang pamilya noon nung nadestino siya sa Cebu. Dahil sa sobrang pangungulila niya sa kaniyang pamilya ay hindi niya naiwasang lumayo sa tukso. Si Tanya ang naging bunga ng kaniyang pagtataksil. Nang mamatay ang ina ni Tanya sa panganganak ay iniuwi niya ang bagong silang na sanggol sa kaniyang pamilya.

Bilang bastarda, kailanman ay hindi itinuring si Tanya na bahagi ng pamilya. Siya ang tinaguriang dakilang kasambahay ng buong pamilya. Pati ang sariling ama ay hindi siya itinuturing na anak. May kota ang rasyon niya ng tubig at pagkain. Hindi siya pinapayagang gumamit ng kuryente maliban na lang kung para sa pagluluto, paglilinis, paglalaba at pamamalantsa. Bawal siyang gumamit ng telepono. Ang tanging kabaitan lang na ipinakita nila kay Tanya ay ang patirahin siya sa kanilang tirahan at pag-aralin sa mababang paaralan.

Hindi iniinda ni Tanya ang trato sa kaniya ng mga Rosales dahil alam niya kung saan siya lulugar pero hindi ibig sabihin nito ay maninilbihan siya sa pamilya habang buhay. Kumakayod si Tanya at gumagawa siya ng paraan para makapag-ipon ng pera nang makaalis na siya sa kanilang poder.

Isang iskolar si Tanya sa kaniyang paaralan. Hindi ito alam ng pamilya. Ang perang ibinibigay sa kaniya para sa kaniyang matrikula ay ginagamit niyang puhunan sa maliit niyang negosyo. Mahilig siyang gumawa ng accessories at ang hilig niyang ito ang isa sa kaniyang pinagkakakitaan. Nagkakalkal din siya ng basura at anumang sirang bagay na magagamit ay binibigyan niya ng panibagong buhay para maibenta.

Isang araw ay inabangan ng buong pamilya si Tanya sa sala kasama ang mga pinatawag nilang pulis para dakpin ang dalaga.

“Magnanakaw! Matapos ka naming kupkupin ay aahasin mo kami!” Sigaw ni Mrs. Rosales.

Advertisement

“Pwede mo namang hingin sa akin ang mga alahas ko. Bakit kailangan mo pang nakawin.” Dagdag ng panganay na babae ni Mrs. Rosales.

Kahit anong paliwanag ni Tanya sa mga pulis ay hindi siya pinakinggan ng mga ito.

Walang nagawa ang pamilya Rosales kung hindi humingi ng pahintulot sa korte para maisama si Tanya sa pagbabasa ng last will and testament.

“Bakit may kasama pa kayong mga pulis?” Nagtatakang tanong ni Atty. Peterson, ang abugadang nagpatawag sa pamilya.

Matapos mapaliwanagan ang abugada ay hiniling niyang makausap ng mag-isa si Tanya.

Anim na oras ang lumipas bago muling ipinatawag ang pamilya sa opisina ng abugada. Ang buong akala ng pamilya ay pamamanahan sila ng malaking halaga pero pagkapasok nila sa opisina ay agad silang dinakip ng mga pulis.

“Hindi man kita pwedeng kasuhan ng kidnapping at pakikiapid sa iba dahil matagal nang patay ang una at lehitimo mong asawa, Mr. Rosales, ay maaari ko pa ring ipakulong ang buo mong pamilya sa salang pagnanakaw, pagbibintang at pagpapakulong niyo sa aking pamangkin. Magkita na lang tayo sa korte.”

Si Atty. Peterson ang nakababatang kapatid ng ina ni Tanya. Ipinaliwanag niya sa kaniyang pamangkin ang katotohanang matagal nang inilihim ng pamilya Rosales.

Advertisement

Menor de edad pa lamang ang ina ni Tanya nung nagtanan ito at nagpakasal kay Mr. Rosales. Ang buong akala ng kaniyang ina ay nagtratrabaho ang kaniyang asawa sa ibang bansa. Lingid sa kaniyang kaalaman ay mayroon pala itong pangalawang pamilya. Nang mamatay ang kaniyang ina ay itinakas siya ng kaniyang ama dala ang lahat ng ipon at alahas ng kaniyang ina.

Matagal na nilang hinahanap si Tanya. Matagal nang patay ang ina nito bago nila nalaman na nagkaanak pala ito sa kaniyang asawa kaya hindi nila agad natunton ang dalagita. Alam ng pamilya na ganid sa pera ang mga Rosales. Hindi totoong may magaganap na pagbabasa ng huling habilin. Ginamit lang itong taktika ng pamilya para ilantad nila si Tanya.

Hindi magkanda umapaw ang sayang nararamdaman ni Tanya sa kaniyang nalaman. May matatawag na siyang pamilya. Bagama’t masama ang loob niya sa kaniyang tunay na ama ay natabunan naman ito ng kasabikang makilala ang pamilya ng kaniyang ina. Kung dati ay masama ang tingin sa kaniya ng lipunan, ngayon ay wala na silang karapatang maliitin siya at tawaging isang bastarda.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!