Nayamot sa Buhay ang Lalakeng Ito Dahil sa Biglaang Pagpanaw ng Ama; Isang Milagro ang Kaniyang Nasaksihan na Nagpalapit sa Kaniya Muli sa Panginoon

Sariwa pa sa memorya ng binata ang lahat ng ala-ala ng masasayang araw kasama ang ama niya. Sobrang dikit si Arman sa amang si Jaime, nasubaybayan nito ang paglaki mula pagkabata hanggang mag-binata. Kaya napakalaking impluwensiya ang naidulot nito sa pag-uugali ng anak.

“Anak masayang-masaya ako at binigay ka sa akin ng Panginoon, wala na ‘kong iba pang mahihiling sa kaniya simula nang dumating ka sa buhay ko kaya lahat ng tinuro at mabuting pangaral ko sa iyo ay dalhin mo hanggang paglaki mo. Huwag na huwag kang tatalikod sa kaniya.” Wika ni Jaime sa anak.

“Yes, Dad! Mahal na mahal kita.” Sabay yakap ng mahigpit sa ama.

Ngunit isang kabig ng tadhana ang tatapos ng relasyong masaya at puno ng pagmamahalang samahan ng mag-ama.

Biglang pumanaw si Jaime sa sakit sa puso. Lahat ay hindi makapaniwala dahil napaka-aktibo ng pamumuhay nito at wala itong bisyo.

Kaya’t lubos ang pagdadalamhati ng mga mahal nito sa buhay sa maagang pagpanaw nito lalong-lalo na ang nag-iisang anak na si Arman.

(Photo for illustration purposes only)

“Dad, bakit ganun? Bakit ka niya kinuha agad? Ang daya mo!!!” Umiiyak ito at tinuturo ang imahe ni Hesus na nakapako sa krus habang nakahawak sa ataul ng ama.

Simula ng mailibing ang tatay niya ay biglang nagbago ang pananaw at ugali ng binata sa buhay. Nagsimula ito mahumaling sa mga masasamang bisyo at dumistansya sa Diyos.

Advertisement (Photo for illustration purposes only)

“Si Hesus ang tagapagligtas, Siya ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.”

“Hindi totoo ‘yang pinagsasabi mo, isang malaking kalokohan ang Diyos niyo!” Kantyaw nito sa pari nang magsimba sila ng kanyang ina.

Minsan pa ay inabutan ito ng nanay niya na may mga kasamang nagiinuman at may palara pa sa loob ng kwarto ng anak. “Diyos ko anak kailan mo pa natutunan mag bisyo?” Gulat na gulat si Martha.

“Ma, malaki na ‘ko, tsaka tigilan mo na nga ang pagbanggit sa pangalan na ‘yan. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito! Sige, shot pa!” Langong-lango na ang binata sa alak.

Nagpatuloy ang ganoong klaseng buhay ng binata, tuluyan niyang napabayaan ang trabaho pati ang pag-aaruga nito sa sariling kalusugan.

Lubos itong ikinabahala ng ina niya, pawang pagdadasal at panalangin na lamang ang pinanghahawakan ng babae sa Diyos upang manumbalik ang anak na napariwa ng landas.

(Photo for illustration purposes only)

Pagpasok nito sa magulo at maduming kwarto ng anak ay bigla itong napasigaw habang nakatitig sa binata. Halos buto’t balat na ang katawan nito at ang dugyot pa ng hitsura. “Anak! anung nangyayari sa’yo Diyos ko po, bitawan mo ‘yang baril.” Pagmamakaawa ng babae.

“Shhh, ma… Walang Diyos, hindi totoo yan, hehe..” Saad ng binata habang tinatakpan ng isang daliri ang bibig ng ina.

Advertisement

“Arman, ‘wag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa hindi mo matanggap ang pagkamatay ng daddy mo, walang kasalanan ang Diyos.”

“MALI KA MA! Si daddy ang walang kasalanan sa kanya pero kinuha pa rin siya, naawa ba ang Diyos sa akin? Kaya siguro mas magandang magkita na kami ng Diyos na yan para magkaharap na kami, pagod na pagod na ‘ko ang sakit sakit pa rin, ma.” Saad nito habang nakatutok ang baril sa ulo.

Biglang dinamba ng ina ang anak at pilit inaagaw ang baril sa binata, “Akin na yan anak!”

“Bitawan mo ko, ma!” At sa isang iglap, isang putok ang kumawala, biglang bumagsak ang isang katawan sa sahig na duguan.

“Aa-nak, walang siyang kasalanan!”

“Ma!!” Lumuluhang saad ni Arman habang niyayapos ang nakahalatang ina.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only)

Malubha ang tinamong sugat ng ina at hindi pa ligtas sa kapahamakan. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng isugod ito ni Arman sa ospital ngunit hindi pa rin ito dumidilat. Naupo ang binata sa tabi ng ina, hawak ang kamay habang tumatagas ang luha mula sa kanyang mga mata.

“Ma, gising! Kung naririnig mo ko, I am so sorry! Please, lumaban ka… Huwag mo akong iwan! Panginoon, alam ko ang laki ng kasalanan ko sa iyo simula ng kunin mo si daddy. Pinuno ko ng poot at galit ang puso ko at dahil dito pati ikaw ay nadamay. Pero kung nandiyan ka talaga at naririnig mo ‘ko hinihingi ko ang kapatawaran mo o Diyos ko, ako na lang ang mawala kahit alam kong hindi ako karapat-dapat sa kaharian mo buhayin mo lang siya! Tatanggapin ko ang kapalaran ko sa kabilang buhay, please!!!” Taimtim na dasal nito.

Advertisement (Photo for illustration purposes only)

Biglang may pumasok sa pinto at kinapitan siya sa balikat niya at biglang nagsalita. “Pagod ka na?”

“Oo, dok. Pagod na ‘kong dalhin itong galit sa puso ko. Gusto ko lang sanang mapatawad ako ng Diyos sa lahat ng nagawa ko.” Umiiyak na tugon ni Arman.

“Halika at hayaan mo akong magpasan ng bigat at magpahinga ka naman.”

“Di kita maintindihan, dok. Magiging okay ba ang mommy ko? Dok?!?…

“Sir, sir, ayos lang po ba kayo? Nanaginip po yata kayo. Bawal po ang maingay dito sa chapel sa ospital.” Sabi ng katabing lalake.

Gulat na gulat siya dahil ang huling ala-ala niya ay katabi nito ang ina habang hawak ang mga kamay nito. Dali-dali itong tumakbo kung nasaan ang ina, at saktong nakasalubong ang doktor. Bago pa ito makapagtanong ay inunahan na siya ng doctor.

“Oh Mr. Gabriel nandito ka na pala, umalis na ba ‘yong kasama mo?” Nagtatakang kumunot ang noo ni Arman.

“Sinong kasama dok, hindi ba’t ikaw ang kausap ko kanina?”

Advertisement

“Pinagsasabi mo diyan! Bata ka pa para maging ulyanin o pinapatawa mo lang ako? Yung kaibigan mo ang may akay sa iyo. Kinarga ka niya galing dito sa kwarto. Akala ko kung anong nangyari sa iyo. Tutulong pa sana ako pero sabi niya siya na daw ang bahala sa iyo kaya hinayaan ko na, wala kang naalala?”

Nagpanggap na lang ang binata na alam niya ang nangyari. “Ah, oo. Pasensiya na po, lumilipad lang po ang isip ko dahil kay mama. Ano na po ang balita sa kanya?

Pagpasok nila sa kwarto ay anong saya ang dumaloy sa katawan niya ng makitang nakadilat na ang ina nito. Nilapitan siya ng doktor at kinausap. “Miracles do happen, hijo.”

Hinaplos nito ang mukha ng ina at hinawi ang buhok at bakas sa mukha nilang dalawa ang kakaibang biyaya ng ligaya na magtagpo muli.

Nagbalik loob ang binata sa kanyang dating sarili, humingi ito ng dispensa sa paring sinigawan, tinigil na nito ang pagbibisyo, at mas napalapit ito sa nanay niya na hindi sumuko na magbalik loob siya.

Mas lalo niyang pinaigting ang kanyang pananalampataya dahil hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan ang milagrong nasaksihan sa ospital.