Maliit na Sandata ni Ricardo

Bata pa lamang si Ricardo ay kinakatakutan na ito dahil laking kalsada siya at may natural na tigas ng katawan. Kaya naman paglaki niya ay marami ang naging sunud-sunuran sa kanya. Sa kanya rin lumalapit ang ilan kapag may gusto silang pagtripan.

“Ricardo, may grupo dun malapit sa simbahan. Parang ang sama mga makatingin nung dumaan ako sa harap nila,” sabi ng isa nitong tauhan habang naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo.

“Sino ‘yang mga ‘yan? Bago ba ‘yan? Baka ‘di pa ako kilala ng mga ‘yan kaya nag-aangas ‘yang mga ‘yan,” malalim na sinabi ni Ricardo dito. Agad itong tumayo sa upuan nito, nagsuot ng sando at nagmadaling umalis kasama ang mga bata nito.

Pagkarating agad ng grupo nito ay agad nilang pinagtaasan ng boses ang mga bagong dayo.

“Hoy! Sino kayo para sindakin yung tropa ko?” galit na tanong nito habang hawak-hawak sa balikat ang kausap. Agad itong inalis ng lalake at sinagot ang galit na si Ricardo.

“Anong pinagsasabi mo? E hindi nga namin kayo kilala! Tsaka naparaan lang kami dito,” inis na sabi ng binata habang inaayos gusot na parte ng damit nito.

“Sabi nitong si Makoy sinamaan niyo raw siya ng tingin nung dumaan siya sa harapan niyo kanina ah,” sagot naman ng maangas na si Ricardo.

“Ah ayan ba? E pano namin hindi yan titingnan ng masama. Pinagtripan niya kanina ‘tong kasama namin. Kita niya naman na nananahimik lang kami dito kanina tapos bigla niyang babanggain ng malakas,” singit ng isa pang lalaki habang tinuturo ang kaibigan nilang binabae.

Advertisement

“Oo, siya yung nagsimula nito ‘no! Pwede naman makiusap nalang bago dumaan para hindi makatama ng mga taong nanahimik sa labas ng simbahan,” singit rin ng binabae nilang kasama.

“Ano naman kung banggain kayo nito?! Hindi niyo ba ako kilala?” pagaamok nito at naghahanda ng manuntok.

“Oo, kilala kita. Ikaw si Johnny Bravo, gwapo, macho pero bobo tsaka maliit ang ari!” natatawang sagot naman ng binababae. Agad na nagtawanan ang mga kaaway nila Ricardo. Imbis na magalit ito ay nahiya ito sa inasar sa kanya ng kaaway niya.

Nanatili itong tahimik at tuluyan ng umalis kasama ang mga tauhan pabalik ng kanilang teritoryo. Naiwan naman ang mga kaaway nila na nagtawanan sa sinabi ng kanilang kaibigan.

Kinagabihan ay nagkayayaan uminom ng mga kaibigan ni Ricardo sa tapat ng bahay nito. Nang malapit ng maubos ang alak nila, inutusan agad ni Ricardo ang isa nitong tauhan para bumili ng alak sa tindahan.

“Jose, bumili ka pa nga ng alak natin. Yung sukli naman pambili mo ng sigarilyo at pulutan,” sabi nito habang iniinom ang bote ng alak na nasa kanyang harapan.

Agad na umalis ang kaibigan nito subalit makalipas ang ilang minuto ay naririnig nila Ricardo at ng ibang kasamahan nito na sumisigaw ang kanilang kaibigan habang tumatakbo ng mabilis pabalik sa kanila.

“Nandyan na naman sila! Yung siraulo kanina! May mga dala silang tubo!” natatarantang sigaw nito habang naghahabol ng hininga. Agad na nawala sa pagkalasing ang grupo ni Ricardo, nagsitayuan ang mga ito at hinanda ang mga sarili sa papalapit na kaaway.

Advertisement

Malayo pa lang ay natatanaw na nila ang mga kaaway nito kaya naman agad na nila itong nilapitan.

“Ang lakad na mga loob niyong sumugod dito sa teritoryo namin ah! ‘Di namin kayo papalabasin ng kumpleto dito!” mayabang na sigaw ng lider ng grupo. Natawa naman ang mga kalalakihan dahil sa kabobohan na ipinakita ng grupo ni Ricardo.

“Kaya ba kayo nag-aamok ng away kasi akala niyo mga tubo itong dala namin?” natatawang tanong ng lalaki.

“Para lang madagdagan ang mga alam niyo, staedler ito! Ginagamit namin ito dahil may mga pangarap kami sa buhay. Hindi tulad niyo na puro tambay na lang at inom. Akala niyo naman ang lalakas niyo sa inuman,” singit ng kasamahan nito. Halos mapahiya ang grupo ni Ricardo dahil kahit na ipinaliwanag na sa kanila ang dala ng mga ito, hindi pa rin nila ito magawang intindihin. Kaya naman nagyaya nalang ito ng paligsahan sa pag-inom.

“Ang dami niyong sinasabi! Subukan niyo na lang kami sa patagalan malasing!” pagmamayabang nito. Agad naman siyang sinang-ayunan ng nga lalake kaya bumalik ang grupo nito sa inuman kasama ang kabilang grupo.

Makalipas ang tatlong oras at labing limang case ng alak ay nalasing na si Ricardo at ang grupo nito habang ang kabila naman ay nasa wisyo pa rin at nagawa pa ring magkwentuhan at magsigarilyo.

“Guys, dalin niyo nga dun sa gilid yung mayabang na lider ng grupo nila,” natatawang utos ng binabae sa nga kasamahan nito. Alam na agad nila ang balak ng kaibigan nila subalit hindi na nila ito tinanggihan. Dinala nila si Ricardo papunta sa eskinita kasama ang kaibigan nila at pagkatapos ay iniwan nila ito.

Pagkalipas ng limang minuto ay nagulat na lamang ang dalawang grupo sa napakalakas na tawa ng binabae.

Advertisement

“HAHAHAHAHAHAHA! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NITONG LIDER NIYO MAG-AMOK NG AWAY! AKALA MO NAMAN MALAKI ANG PAGKALALAKI!” bulalas ng binabae.

“Heto! Katibayan! Nakuhanan ko ng litrato ang pagkalalaki niyang lider niyo nang mabawasan ang kayabangan. Mas mahaba pa ang hintuturo ko kaysa sa alaga niya!” natatawang dagdag pa nito.

Nagising si Ricardo sa lakas ng tawa ng mga tao. Napansin din nito na wala na siyang suot na pang-ibaba. Ang mga kaibigan at tauhan niya ngayon ay nakikita niyang nakaikot sa kanya habang tumatawa kaya labis itong napahiya. At kahit na lasing ito, pinilit niya ang kanyang sarili para tumayo at umuwi dahil sa kahihiyan.

Simula noon ay hindi na muling nagyabang ang gwapo, macho ngunit may maliit na sandata na si Ricardo.