Pinagmamalupitan ng Panganay ang Bunsong Kapatid na may Diperensiya sa Pag-iisip, Mabuti na Lamang ay May Dumating Upang Maisalba Ito Bago Pa Mahuli ang Lahat

Sa biglaang pagpanaw ng mga magulang ng tatlong magkakapatid ay naiwan sa kanila ang mga kayamanan at ari-arian ng kanilang pamilya. Kay Roan, Craig at sa bunsong si Agnes na may diperensiya sa pag-iisip.

“Ate Roan, drawing tayo, tara help mo ko,” wika ni Agnes

“Busy ako, dun ka nga sa labas,” sagot niya naman.

Nakita ni Agnes ang kaniyang kuya sa labas na siya namang kinulit niya.

“Kuya Craig, drawing tayo.”

Ngunit tila walang narinig si Craig at hindi man lang sinagot ang kapatid.

Isang araw ay dumating ang abogado ng kanilang mga magulang upang pormal na isalin sa kanilang mga pangalan ang mga mamanahing ari-arian.

“Agnes will be under your custody Miss Roan, since alam naman natin na wala siyang kakayanan na hawakan ang kaniyang mga ari-arian ay ikaw bilang guardian ang mangagasiwa nito para sa kaniya.”

Advertisement

“Sure, wala namang problema doon, mahal na mahal ko ‘tong kapatid ko kaya wala kayong dapat ikabahala,” sagot niya.

Matapos maisalin sa kanilang mga pangalan ang mga dokumento ay umalis na ang abogado, at doon na nagsimula ang delubyo ng buhay ni Agnes.

“Ate, gutom na ako. ‘Di ba tayo kain?” tanong nito.

“Ano? Eh di magluto ka, mukha ba akong katulong mo?”

“Ate di ako runong, paluto ako kay yaya.”

“Wala na ang yaya mo pinalayas ko na, dagdag gastos lang ang pasahod doon.”

Ipinagkibit-balikat ni Roan ang hinaing ng kapatid kaya’t napilitan si Agnes na subukang iluto ang noodles na nakita sa kusina. Pagkabukas niya ng kalan ay nagtungo siya sa kaniyang kwarto upang ituloy ang pagdo-drawing, dahilan upang tuluyan niya nang makalimutan ang noodles na niluluto.

“Agnes!!! Ikaw talagang bobo ka, balak mo bang sunugin ‘tong bahay?” biglang sigaw ni Roan nang makitang puno na ng usok ang kusina dahil sa napabayaang kalan.

Advertisement

“Ate sorry, sorry po ‘di ko sadya. Gutom lang.”

Piningot ni Roan si Agnes sa tenga at hinila sa kanilang basement, wala namang pakialam si Craig sa ginagawa ng kaniyang ate sa bunsong kapatid. Bilang parusa ay ikinulong niya roon ang kapatid at hindi pinakain magdamag.

“Mabulok ka d’yan, Agnes! Simula ngayon diyan na ang kwarto mo! Hindi ka na babalik sa taas,” sigaw ni Roan sa kapatid.

“Ate, ayoko! Please, takot ako dito, wag mo ‘ko iwan ate,” pakiusap ni Agnes.

Hindi pinansin ni Roan si Agnes at lumipas ang mga buwan na pinabayaan niyang nanlilimahid at napakarumi ng kalagayan ng kaniyang kapatid, dahil siya na rin ang nangasiwa sa mga minana nitong pera ay nilustay niya ito sa mga walang kabuluhang bagay. Samantala, isang ‘di inaasahang bisita naman ang biglang dumating sa kanilang tahanan.

“Surprise! Hello Roan, kamusta ang mga pamangkin ko? Pasensya na kayo hindi ako nakauwi noong libing nina kuya ha, alam mo naman andami ko kasing trabaho sa US, ‘di ako pwedeng basta umalis,” wika ng kanilang Auntie Shony.

“Auntie, okay naman po, tara pasok po kayo, umalis si Craig eh, may lakad daw po siya,” sagot ni Roan.

“Eh si Agnes? Miss na miss ko na ang batang iyon, pakitawag mo naman.”

Advertisement

“Ah eh wala din po si Agnes, may swimming lessons po siya ngayon,” pagsisinungaling ni Roan sa takot na mabuking ng tiyahin ang pang-aalipusta niya sa nakababatang kapatid.

Ngunit tila narinig ni Agnes ang malakas na boses ng kaniyang paboritong tiyahin at nagsisigaw upang humingi rito ng tulong.

“Auntie! Auntie! Ikaw ba ‘yan? Help mo ko please!” palahaw ni Agnes.

“Teka, Roan, ano yong naririnig ko?”

“Wala yun auntie, baka nanonood ng TV ang kasambahay.”

Hindi tumigil si Agnes sa pagsigaw hanggang sa napilitan na si Shony na tumayo at sundan ang nagwawalang pagkalampag ni Agnes sa pintuan ng kaniyang kulungan. Kahit anong pagpipigil ni Roan ay hindi siya nagpatinag at nang mabuksan niya ang pinto ay tumambad sa kaniya ang kalunos-lunos na sinapit ni Agnes sa kamay ng kaniyang ate. Dali-daling tumakbo si Agnes at mahigpit na humawak sa kaniya.

“Auntie, ‘wag mo ako iwan dito, please sama ako sa’yo,” wika ng umiiyak na si Agnes.

“Roan, anong ginawa mo sa kapatid mo? Ginawa mo siyang parang baboy!”

Advertisement

“Auntie wag kang makialam dito! Problema naming pamilya ito,” sagot ni Roan.

“Hindi, Roan! Hindi makatarungan ang ginawa mo kay Agnes, sa ayaw at sa gusto mo isasama ko siya ngayon din! Halika na, Agnes,” sabay hila niya sa dalagita.

Nang makarating sa tahanan ni Shony ay ikinuwento ni Agnes ang lahat ng kalupitan na dinanas niya sa kamay ng kaniyang ate. Dahilan upang mapilitan si Shony na sampahan ng kaso si Roan. Umabot nga sila sa korte at doon ay muling inilahad ni Agnes ang kaniyang naging karanansan.

“Agnes, totoo ba na ikinulong ka sa basement ng ate mo?” tanong ng abogado.

“Opo, nikulong niya ako tapos ‘di niya po ako nipapakain.”

“Gaano katagal ka nang nakakulong doon bago ka kunin ng iyong Auntie?”

“Matagal na matagal na po. Nipapalo niya ako tsaka nisisigawan,” dagdag pa ng umiiyak na si Agnes.

Ilang hearing ang lumipas at tuluyang naakusahan at nakulong si Roan sa salang pananamantala at pang aabuso sa kaniyang kapatid na walang kakayahang dipensahan ang sarili, naparusahan rin siya sa paglulustay ng perang dapat ay para lamang sa bunsong kapatid. Inilipat ng husgado ang responsibilidad ng pag-aalaga kay Agnes sa kaniyang Auntie Shony, iniutos din nila na ilipat ang lahat ng ari-arian ni Agnes sa pangangalaga ng kanilang tiyahin ng buo at walang bawas.

Advertisement

Itinago ni Shony ang pera at ari-arian ni Agnes upang ito ay hindi na magalaw pa ni Roan, at magamit ni Agnes sa takdang panahon. Isinama na rin niya ang pamangkin sa pagbalik niya sa US at doon ay masayang namuhay ang magtiyahin ng magkasama.

“Auntie, thank you po. Kung hindi ka dumating baka nakakulong pa rin ako,” wika ni Agnes.

“Wala yun, alam mo namang paborito kita eh! Mula ngayon, wala nang mananakit sa iyo. Nandito na ako para proktektahan ka.”

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.