Halos Mabaliw ang Nanay nang Malamang Di na Magtatagal ang Sanggol Niyang Kapapanganak Lang, Isang Himala ang Nangyari sa Ospital

Limang taon nang nagsasama sina Ivy at Dane bago nabuntis ang babae, kaya naman ganoon na lang ang kaligayahan nila lalo pa nang malamang kambal ang laman ng kanyang tiyan.

Sobra ang ingat ni Dane sa misis, may sakit kasi sa puso si Ivy at sensitive ang pagbubuntis.

“Ang hirap naman nito, aray ko!” nakangiting sabi ni Dane, kasalukuyan nilang ginagaya ang exercise para sa buntis. Sabi ng doktor ni Ivy, mabuti raw ito. Sinamahan niya ang misis para mawili ito sa pag-eehersisyo.

“Kaya mo yan,” humahagikgik na sabi ni Ivy, hinihimas pa ang siyam na buwang tiyan. Sobrang laki noon dahil dalawa ang laman.

“Buti ka pa, ang laki na ng tyan mo pero ang galing mong kumembot misis.” masuyong sabi ng lalaki sa asawa. Hinalikan ito sa noo.

Namula naman ang pisngi ng babae, lalong naging mas malapit sa isa’t isa ang dalawa ngayong nagkaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

“H-Hon, ano..parang..” hirap na sabi ni Ivy.

“Oo sssh, pagod kana. Papahinga tayo mamaya. 5 minutes nalang okay? Kailangan mo ito sabi ng doktor.”

Advertisement

“Hindi iyon. P-Parang..”

“Ay sus nagpapa-cute pa. O sige na nga umupo kana, ikukuha kitang water-“

“Parang manganganak na ako!”

“Ha?!” biglang nataranta si Dane. Hindi niya malaman kung ano ang unang gagawin. Bubuhatin ang misis papunta sa kotse, kukunin ang hospital bag na inihanda nila, isasara ang tugtog ng exercise.

“Huy!” tawag ni Ivy sa kanya kaya nagising ang lalaki, binuhat niya ang misis habang bitbit rin ang bag. Dumiretso na sila sa hospital.

Dahil may sakit sa puso ang misis niya ay napag-usapan na nilang mag-cesarean section ito. Baka hindi kayanin kung normal, mas mabuti na kay Dane na magbayad ng malaki kaysa isugal ang buhay ng asawa.

Ilang oras rin ang hinintay niya sa hallway ng ospital, taimtim na nagdarasal bago lumabas ang doktor.

“Stable na ang misis mo.” panimula nito.

Advertisement

Nakahinga ng maluwag si Dane, “Ang kambal po? Kumusta po ang mga baby namin?”

Biglang lumungkot ang ekspresyon sa mukha ng doktor kaya bumalik ang kaba ng lalaki, “Baby number 1 is healthy, pero baby number 2 is weak. I am sorry.. baka ilang oras lang ang itagal niya dahil tulad sa misis mo, sobrang hina ng bata.”

Napaupo si Dane, akala niya pa naman ay tapos na ang mga pagsubok.

Pagdilat ni Ivy ay agad nitong hinanap ang kambal, sakto namang binitbit ng nurse ang isang sanggol upang maka-dede ng breastmilk mula sa ina.

“M-miss nasaan ang kakambal niya? Hon? Nasaan ang isang anak natin?” baling sa kanya ni Ivy.

Diyos ko po, paano niya ba sasabihing nasa ICU ang isang anak nila at naghihintay na lang na mawala? Baka hindi kayanin ng puso ng misis niya,maging siya kasing walang sakit ay sobrang hapdi ang nararamdaman ngayon.

“B-Baka isa isa lang nilang dinadala. Baka mamaya naman si bunso natin. D-Diba miss?” tiningnan niya ng makahulugan ang nurse, umaasang makuha nito ang mensahe niyang huwag munang ipaalam sa misis niya.

Tumango naman ng nurse tapos ay lumabas na.

Advertisement

Ilang sandali pa ang nakalipas ay hindi talaga mapakali si Ivy, iba ang pakiramdam ng isang ina. Pilit nitong kinukulit ang mister na nais niyang makita ang kanilang bunso.

Mahirap man para kay Dane ay ipinagtapat niya na rin ang totoo, lalo at kinausap siya ng doktor kani-kanina lang. Baka raw ngayong araw ay mawala na ang kanilang anak.

Lumuluha si Ivy habang tulak-tulak ni Dane ang wheelchair nito.

“S-Sigurado ka bang kaya mo na mahal?” sabi ng lalaki.

“Nanay ako. Wala akong hindi kaya para sa anak ko.” tigib ng luhang sagot ng misis.

Pagpasok nila sa kwarto ay tumambad ang napakaliit na katawan ng sanggol na puro aparato. Hirap itong habulin ang hininga at ayon sa doktor ay pahina nang pahina ang tibok ng puso.

Suminghap ito ng malakas at nag-diretso na ang linya, ibig sabihin ay wala na itong buhay.

“Hindi!” sigaw ni Ivy. Hawak hawak siya ni Dane sa balikat.

Advertisement

Nagdatingan ang mga nurse at sinubukang i-revive ang baby pero wala na talaga.

Halos mabaliw ang asawa ni Danem yakap niya lang ito ng mahigpit. Nang mailigpit na ang mga tubong nakakabit sa bata at tatalukbungan na ito ng kumot ay nakiusap si Ivy sa huling sandali.

“D-Doc, pwede ko ho ba siyang maihele man lang?”

“Hon..” awang awang sabi ni Dane.

“Hayaan mo na ako, ito na ang huli. Gusto kong maihele man lang ang bunso ko..”

Itinulak ni Dane ang wheelchair papalapit sa kama, kung saan dahan-dahang kinarga ni Ivy ang walang buhay na anak.

Inilapit niya ito sa kanyang dibdib.

“Anak, naririnig mo ba ang tibok ng puso ni Mommy? Diba yan ang una mong narinig sa tyan? Kayo lang ni Kuya mo ang ititibok niyan habangbuhay.Mahal na mahal kita..” bulong niya.

Advertisement

Tapos noon ay humimig siya ng mahina, kinantahan niya ang sanggol na parang natutulog lang ito. Tinatapik tapik niya pa ng marahan habang patuloy siya sa pag-iyak.

Hindi niya alam kung ano’ng himala ang nangyari pero biglang kumislot ang bata. Tapos noon ay pumalahaw ito ng iyak.

“Salamat anak, laban lang. Lumaban ka para kay Mommy! Hindi mo ako iniwan!” masayang masayang sabi ni Ivy.

Maging ang doktor ay di maipaliwanag kung ano ang nangyari. Umiiyak maging ang mga nurse na nakapaligid.

Isang himala ang kanilang nasaksihan. Dininig ng Diyos ang piping dalangin ng isang inang nagmamakaawa.

Tuloy-tuloy ang naging paggaling ng sanggol hanggang makalabas sila sa ospital.

Hindi sinayang ni Ivy ang pagkakataon, naging mabuti siyang nanay sa kambal na ngayon ay kapwa malusog at papasok na sa kinder sa susunod na pasukan.