Nagpanggap na Naglo-Load ang Dalaga Para Makuha ang Number ng Crush Niya, Di Niya Inakalang May Diskarte rin Palang Itinatago ang Binata

Nasa ikatlong taon na ng kolehiyo si Anishka, ang mga magulang niya ay kapwa nasa probinsya dahil naroon ang kanilang kabuhayan, ang pagsasaka. Habang siya naman, para makatipid ay nagboarding house na lamang dito sa Maynila. Iyong ipapamasahe niya pauwi ay idinaragdag niya na lamang sa baon niya.

“Eros was the Greek god of Love, in some stories he first appears as a primordial god, born from Chaos and in others he is the son of Aphrodite.” sabi ni Lionel sa unahan. Nakanganga naman siyang nakatitig rito habang nagkukwento ito tungkol sa ginawang research sa topic nilang Mythology.

“God of Love..” bulong niya. Siniko naman siya ng kaibigang si Odette.

“Huy girl, matunaw yan.” natatawang kantsaw nito.

Hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan niya na matagal niya nang crush si Lionel. Gwapo kasi ito, matalino at mabait. Magkaklase sila pero maliit naman ang chance na mapansin siya ng lalaki. Lalo pa at napapaligiran ito ng mga dalagang pang-beauty contest ang ganda.

Pag-ring ng bell, takda na uwian na ay nagmamadali nang lumabas si Odette. May kikitain raw kasi ito kaya naiwan siyang mag-isang nagliligpit ng gamit.

“H-Hi,” napalingon siya nang makita ang nakatayo sa kanyang unahan.

Ang puso niya..si Lionel.

Advertisement

“Yes?” sabi niya, nahigit ang kanyang hininga. Tila kasi nag-aalangan rin ang lalaki. Napakamot ito sa ulo habang hawak ang cellphone.

Diyos ko, kukunin na ba nito ang number niya?

Binalot na sana ng kilig ang buo niyang pagkatao pero nawala ang ngiti niya sa kasunod na sinabi nito.

“Naglo-load ka ba?”

“Ha?” nagulat na tanong niya.

“K-kasi emergency lang. May nakapagsabi sa akin na naglo-load ka raw,” sabi nito.

Gusto niya sanang i-correct ito, si Odette ang naglo-load. Hindi siya. Pero may pilyang bahagi ng puso niya ang nagbulong na pagkakataon niya na ito para makuha ang number ng binata.

“Oo, globe ba o smart?” natatawa siya sa sarili niya.

Advertisement

“Globe.” napangiti ang binata at idinikta sa kanya ang number. Inabutan siya nito ng 200 pesos.

“Wait mo na lang mga 10 minutes ha. Mahina kasi ang signal rito,” sabi niya. Itinext niya naman si Odette.

Girl pasahan mo nga ako load 250 babayaran ko sau later

Buti nalang ay mabilis ang babae at pinasahan agad siya, isinend niya naman iyon agad sa number ni Lionel.

Thanks, reply ng binata.

Ang ganda ng ngiti niya at sinagot ito ng welcome, anytime.

Akala niya ay magtutuloy-tuloy na iyon, kaya lang isang araw na pumasok siya ay ang hapdi ng kanyang nadatnan. Ang dalawang taong mahalaga sa kanya ay masayang nag uusap, magkatabi pa. Si Odette at Lionel.

“H-Hi! Andyan ka na pala girl,” tila nagulat na sabi ni Odette, halatang-halata sa mga mata nito na may inililihim.

Advertisement

“Sige girls. D-Dito na muna ako ha.” agad namang tayo ni Lionel. Ngumiti lang siya sa dalawa, sakto naman din kasing dumating na ang professor nila.

Tahimik na nakikiramdam si Anishka, alam naman ng bestfriend niyang gusto niya si Lionel. Sa dinami-rami naman ng lalaki, nakakatampo naman. Pero hindi niya naman rin aawayin ang kaibigan para roon.

Mabilis lumipas ang panahon, araw na ng graduation nila kinabukasan. Hindi niya na nireplyan si Lionel sa mga text messages nito mula nang mapalapit ito kay Odette. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan, kahit pa may sariling sakit rin siyang iniinda.

“Girl congrats,” masayang yakap ni Odette sa kanya. Ngiting ngiti ito.

“I can’t believe na ito na talaga girl. Wag na tayong mag-iyakan baka humulas ang make up natin,” sabi niya habang hinihimas ang likod nito.

Nang matapos ang ceremony at naging abala ang lahat sa pagpi-picture taking. Akbay ni Anishka ang kanyang mama at papa nang biglang lumapit si Lionel.

“H-Hi. Hello po, tito..tita. Pwede ko po bang makausap si Anishka?” sabi ng binata.

Pumayag naman ang kanyang mga magulang, inakay siya ni Lionel sa isang gilid. Si Anishka naman ay lingon nang lingon. Baka kasi makita sila ni Odette at hindi maganda ang isipin. Ayaw niyang masaktan ang bestfriend.

Advertisement

“Ano iyon? Nagmamadali ako, kakain pa kasi kami nina mama at papa,” sabi niya. Ang totoo kasi, bukod kay Odette, ayaw niya ring makausap ito ng sarilinan dahil hindi niya mapigilang lalong mahulog. Tapos ganito pa kung makatitig.

“Ano kasi..y-yung..”

“Anishka? Lionel?” nanlaki ang mata ni Anishka nang marinig ang boses. Pagtingin niya sa likod ng binata ay naroon si Odette. Dahan-dahang lumapit ito sa kanilang dalawa.

“My God!Kayong dalawa..” sabi nito nang kaharap na sila.

“Odette it’s not what you think.. nag uusap lang kami-” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang magsalita ang babae. At nagulat siya sa sinabi nito.

“Dapat lang! Mag-usap kayo talaga! Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa, naiipit ako! Ikaw Anishka puro pangangarap lang, lihim na kilig.” sabi nito, namula ang pisngi niya at nang masulyapan niya si Lionel ay tila pinipigil nito ang mangiti. “At ikaw naman Lionel, puro ka hingi ng tips sa akin kung paano manligaw sa kaibigan ko. Hindi mo naman magawa! Nuknukan ng torpe!” ito naman ang namula ngayon.

Hindi magawang tumingin ng dalawa sa isa’t isa. Kaya nagtuloy sa pagsasalita si Odette habang hinihimas ang sentido. “Tignan nyo? Ilang taon na kayong nagpapakiramdaman! Pwede ba ya, puro bwelo! Saan ka naman nakakita, itong magaling na lalaking ito nagkunwaring magpapa-load daw siya sayo. Oo kasabwat niya ako non, bigyan raw kita ng load para ma-loadan mo siya, ang gulo diba?

Akala ko tuloy tuloy na ang diskarte nyo pero hanggang ngayon di pa rin kayo makapagtapat sa isa’t isa! Pag mahal mo, sabihin mo!Go!” sabi ni Odette bago ito nagmartsa palayo.

Advertisement

Naiwan silang dalawa na parehong parang kamatis ang mga mukha sa sobrang pamumula.

“Nasabi na pala ni Odette lahat-” halos sabay pa nilang sinabi. Nagkatawanan nalang sila ng binata.

“S-So..pwede ka bang ligawan?” tila nahihiyang sabi ni Lionel. Ngiti lang naman ang isinagot ni Anishka.

Hindi siya minadali ng binata, alam nito na kailangan niya munang itaguyod ang kanyang pamilya kaya ma-tyaga itong nanligaw at naghintay sa kanya.

Di nagtagal ay sinagot niya ito, makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal na rin sila. Maganda ang nakuhang trabaho ni Lionel, malaki ang sahod kaya bukod sa bahay nila ay napagawaan na rin nila ng bahay ang magulang ni Anishka.

Sobrang saya ng babae, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na binigyan siya ng pagkakataon na makatuluyan ang lalaking pinapangarap niya lang noon. Swerte niya rin sa bestfriend niyang nagsilbing tulay para sa kanilang dalawa.