Kinulong ng Babaeng Ito ang Kaniyang mga Anak sa Loob ng Bahay Dahil sa Bwiset Niya Dito, Sa Huli’y Pagsisisihan Niya ang Ginawa

Sa edad na 19 anyos ay may dalawa nang anak si Mindy. Walang tatay ang mga ito dahil naging bunga ang mga bata ng kanyang pagtratrabaho, ang trabahong walang sinumang magnanais dahil sarili mo ang pain sa mundo. Ilang beses niyang sinubukang ipalaglag ang mga anak noon ngunit malakas ang kapit ng mga bata, laking pasasalamat na lang niyang naging normal ang mga ito.

Image courtesy of www.google.com

Nakatira ang tatlo sa isang squatters area at sa pinagtagpi-tagping kahoy lamang gawa ang bahay ng babae. Sa malapit lang nakatira ang magulang ni Mindy, nangangalakal naman ang mga ito upang mabuhay.

Image courtesy of www.google.com

“Jojo, bantayan mo ang kapatid mo ha? Wag kayong lalabas ng bahay!” bilin ni Mindy sa kanyang panganay na pitong taong gulang lamang.

“Magtratrabaho muna ang nanay niyo, bukas pag-uwi ko ay may pansit na akong dala,” dagdag pa ng babae. Hindi pa rin siya nagbabago ng trabaho, nagbebenta ng laman sa gabi at nagbebenta ng mga sigarilyo sa umaga.

“Sawang-sawa na ako sa buhay ko, kailan ba ako aasenso?” tanong niya sa kaibigang si Lizel.

“Kung hindi ka lang nagka-anak malamang hindi ka nahihirapan ngayon, tanga ka kasi girl,” baling naman ng babae.

“Wala na akong magagawa, kung hindi lang krimen na kumitil ng anak e di sana dati ko pa ginawa. May kaluluwa pa rin naman ako Lizel, pero minsan hinihiling ko na lang na mawala na sila sa buhay ko!” inis na sagot ni Mindy sabay hithit ng sigarilyo.

Image courtesy of www.google.com

“May kaluluwa ka nga pero ngayon pa lang e sinangla mo na sa demonyo. Hayaan mo at matatapos rin ang mga paghihirap natin, lalaki din ‘yang mga anak mo,” wika naman ni Lizel.

Advertisement

Alas otso na ng umaga nakabalik si Mindy sa kanilang bahay at nakita niyang kumakain ang kaniyang anak na si Jojo at Jacob sa lugawan ni Aling Dina.

Image courtesy of www.google.com

“Anong ginagawa niyo dyan, may pangbayad ba kayo niyan ha?” galit na tanong ng bababe sa mga bata.

“Hoy ikaw, kanina pa yang mga anak mo nakatitig dito sa lugaw ko kaya pinakain ko na. Parati na lang mukhang kawawa ‘yang dalawang iyan, napakapabaya mo talaga!” sigaw sa kaniya ng ale.

Agad niyang pinatayo ang mga anak at pinagpapalo sa puwet, “Sinabi ko ho bang pakainin niyo ang mga anak ko? Hindi kami pulubi!” sigaw niya kay Aling Dina at naglapag ng singkwenta pesos sa mesa.

Halos kaladkarin niya ang dalawang bata pauwi sa kanilang bahay, hatak-hatak niya sa tenga si Jojo at kinakaladkad niya ang bunsong si Jacob na tatlong taong gulang lang.

“Puro perwisyo ang dala niyo sa akin! Diba sinabi ko na sa’yo Jojo na huwag kayong lalabas ng bahay at antayin niyo palagi ang pag-uwi ko?” galit na galit na saad ni Mindy sa mga bata.

“Mama, kagabi pa kasi kami nagugutom. Palagi naman kaming pinapakain ng mga kapitbahay natin kaya lumabas na kami. Si Jacob din masakit na daw ang tiyan,” umiiyak na sagot ni Jojo sa ina.

“Pokpok lang ako pero hindi tayo pulubi. Mga punyemas kayo, nakakahiya kayo! Lagi niyo na lang akong binibigyan ng problema, baka iniisip nilang lahat na pinapalimos ko kayo sa mga kapitbahay. Ayan ang pansit, lamunin niyo!” baling ni Mindy sabay hagis ng pagkain sa dalawang bata at natapon pa ito sa kanilang mga mukha dahil napunit ang plastik na pinagbalutan sa lakas ng bato ni Mindy.

Advertisement

“Putragis na buhay to!” sigaw pang muli ng babae at pumasok sa banyo. Niligpit naman ni Jojo ang nagkalat na pagkain.

“Ligpitin na natin ito Jacob ha, para may pagkain tayo mamayang tanghali,” umiiyak na pahayag ng batang si Jojo sa kapatid.

“Sige kuya, sorry po. Galit na naman mama sa’yo kasi gutom ako lagi e,” baling ni Jacob at niyakap lang ito ni Jojo.

“Ma, san ka po pupunta?” tanong niya sa inang mabilis na nakaligo sa banyo at ngayon ay nakabihis na pang-alis pa.

“Magtratrabaho ako para may maipakain kayo sa mga bunganga niyong masisiba at ilolock ko ang pinto para hindi kayo makalabas, bwiset kayo sa buhay ko! Sana mawala na kayong lahat! ” wika ng babae sabay alis at kinandado nga ang pinto mula sa labas.

Image courtesy of www.google.com

“Ma, wag ma! Hindi na kami uulit, parang-awa mo na po,” sigaw ni Jojo sa ina ngunit wala siyang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Nagpunta ng bar si Mindy at nag-inom ito dahil sa sama ng loob sa mga anak, pinag-uusapan na nga siya sa kanilang lugar e dumagdag pa ang panglilimos ng kaniyang mga bulinggit.

Kakasalin pa lang ni Mindy ng alak sa baso ay nahimasmasan siya nang magkagulo ang mga tao sa kaniya paligid at sumisigaw ng sunog.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Saan ang sunog, kuya?” tanong niya sa isang lalaking tumatakbo.

“Doon sa squatters area daw,” baling naman ng lalaki at biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mindy dahil kinandado niya ang pintuan ng kanilang bahay.

Kumaripas ito ng takbo at halos bente minuto ang nakalipas bago siya nakarating sa kanilang bahay na tinutupok na ng apoy.

“Yung mga anak ko nasa loob!” sigaw ni Mindy sa mga bumbero.

“May bata ho sa loob?” tanong ng isang lalaki.

“Oo, andun ang dalawang anak ko. Parang awa niyo na iligtas niyo ang mga anak ko!” humagulgol si Mindy at napaluhod ito.

Hindi niya napansing may kumakalabit sa kaniya, “Ma, buhay ho kami,” wika ni Jojo sa likuran ni Mindy.

“Anak, anak! Paano kayo nakalabas? Anong nangyari?” mabilis na tanong ni Mindy sa dalawa sabay yakap dito.

Advertisement

“Sorry ma, hindi kami tinupok ng apoy kaya buhay pa rin kami. Di ba gusto mo na kaming mawala?” inosenteng sagot ni Jojo sa ina.

“Hindi anak, galit lang ang mama pero hindi ko kayo gustong mawala. Patawarin niyo ako, patawarin niyo si mama,” lumuluhang wika ni Mindy at hinawakan sa ulo ang dalawang bata saka niya hinalikan ang mga ito.

Doon siya nagising sa katotohanang mahal pala niya ang mga anak at walang kasalanan ang mga ito sa pagpapabaya niya sa buhay. Simula noon ay tinigilan na niya ang pagbebenta ng laman at nagtrabaho ito sa mga kainan na malapit sa kanila, minsan ay serbedora o di kaya naman ay tagahugas ng plato. Ayos lang sa kaniya ang ganoong trabaho dahil libre naman ng amo ang pagkain at nauuwian pa niya ang mga bata, hindi na rin niya kailanman kinulong at pinabayaan ang mga anak.