Isang Lalaki ang Nakakaistorbo sa Ibang Pasahero Dahil sa Sobrang Kaingayan, Ikinabigla ng Lahat nang Malaman Nila ang Katotohanan

Magkatabi ang mag amang Raphael at Marco sa isang bus patungong San Juan. Sa may bintana nakaupo ang 26 years old na si Marco at katabi niya ang amang 67 years old na si Raphael. Damang dama nila ang simoy ng hangin dahil walang aircon ang bus na sinasakyan.

Bakas sa mukha ng mag ama ang kasiyahan sa sandaling ito, nakaakbay pa ang matanda at tatangu tango lang habang nagsasalita ang anak.

“Tay o! Mga puno!” parang batang sigaw ni Marco, nanginginig pa ang boses nito at hinahawakan ang kamay ng ama paminsan minsan. Kadalasan nga ay hinahawakan niya ang pisngi ni Raphael para ibaling sa tanawin ang atensyon nito.

“Oo anak, mga puno.” nakangiting sabi naman ng matanda.

“Tay! kalapati! kulay puti? ang galing! lumilipad sila!” sabi muli ni Marco.

“Tama, puti nga anak.” sagot ng matanda.

“Mga damo, damo! ang gaganda! teka, basura ba iyon? hahaha! ang galing mga basura!” tuwangbtuwang saad ng binata.

Advertisement

Hindi naman maiwasang mainis ng ilang pasahero dahil maingay ang binata. Ang ilan sa kanila ay gustong matulog sa mahabang byahe.

At para namang mangmang ang binata, sa isip nila, na kahit basura ay ikinatutuwang makita. Ano ba naman?

Isang may edad na babae ang naglakas loob na kausapin ang dalawa at tanungin ang mga ito kung pinaglololoko na sila.

“Excuse me, manong?” sabi ni Elsie, ang babaeng nakaupo sa unahan nila.

“Bakit?” nakangiti naman na sagot ng matanda na parang walangnideya sa istorbong naidudulot nila sa ibang pasahero.

“Pwede wag kayong maingay? Pakisabihan na rin iyang anak ninyong may diperensya sa utak.” mataray na wika ni Elsie.

Image courtesy of google.com

“Pasensya kana, at walang diperensya sa utak ang anak ko..” mahinang sabi ng matanda.

Advertisement

“Eh ano ho pala yan? Normal ba sa binatang lagpas bente anyos ang mamangha sa basura?” pang uusig pa rin ng babae.

“Nabulag ang anak ko noong tatlong taong gulang pa lang siya, ngayon lang siya naoperahan at ngayon niya lang nakikita ang mundo..”

Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.