Pinilit Ipaglaban ng Magkasintahan ang Pag-Ibig Nila Kahit Pa Magkalayo Sila, Ito ang Naging Ending

Nagkakilala lamang si Patrick at Bea sa facebook. Nagsimula sa isang friend request, hanggang sa lumalim nang lumalim ang kanilang pagkakaibigan sa chat. Isang OFW si Patrick at kasalukuyang nagtatrabaho sa Alaska. Si Bea naman ay nasa Pilipinas, at dito rin nagtatrabaho.

Mas naging malapit pa ang dalawa noong pumanaw ang lolo ni Bea. Palagi siyang tinatawagan at pinapadalhan ng mensahe ng lalaki, na ikinaluwag naman ng pakiramdam ng dalaga.

“Sana nandyan ako para yakapin ka. Alam kong malungkot ka ngayon, pero nasa magandang lugar na ang lolo mo, kaya wag ka na masyadong malungkot,” saad ng lalaki sa telepono.

“Salamat Patrick ah. Sobrang pinapahalagahan ko ang pagmamalasakit mo. Gumagaan ang pakiramdam dahil nandyan ka,” tugon naman ng babae.

Disyembre ng taon na iyon ng nagbakasyon si Bea sa Alaska kung saan nagtatrabaho ang ilang kamag-anak at kaibigan. Regalo niya ito sa sarili dahil sa pagsisipag niya sa trabaho, at makasama ang lalaking matagal nang nakakausap. Gustong-gusto din kasi ng babae na makita ang Northern lights doon.

Iyon din ang unang pagkakataon na nagkita si Bea at Patrick. Kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan na kakilala din ni Patrick, ay lumabas sila upang magdiwang. Hindi naman matanggal ang mga mata ni Patrick sa dalaga.

“Parang nananaginip ako,” bulong ng lalaki kay Bea, “dati sa camera lang kita nakikita, ngayon ay personal na.”

“O baka mahulog ka niyan ha?” biro naman ng dalaga.

Advertisement

“Matagal nang nahulog, at mas lalo pa atang nahuhulog habang minamasdan ang kagandahan mo,” seryosong tugon naman ni Patrick.

Namula ng bahagya ang mukha ng dalaga sa narinig, “Ikaw napakabolero mo talaga!” hinapas ni Bea ang braso ng lalaki saka tumawa.

“Baka pwede sa susunod, tayong dalawa naman ang lumabas. Yung tayong dalawa lang, lakas kumain ng mga kaibigan natin eh,” mahinang biro ng binata.

“Huy! Baka marinig ka niyan sige.Pero bahala ka, malakas din akong kumain no!” natatawang sagot naman ng dalaga.

Sa unang pagkakataon ay naganap nga ang naisin ng binata. Lumabas sila ng dalaga, ng silang dalawa lamang. Ito rin ang unang pagkakataon ng masasaksihan ni Bea ang northen lights sa Alaska.

“Napakaganda…” saad ni Bea habang nakatingin sa mga kulay na lumulutang sa kalangitan.

“Mas lalo silang gumanda, ngayong kasama kita,” matamis na pagkakasabi ni Patrick.

“Pangarap ko lang talaga noon na makita ito, pero ngayon abot kamay ko lang sila,” nakangiting wika ng dalaga habang ngiting-ngiti na nakatingin sa aurora.

Advertisement

“Parang ikaw lang Bea, pangarap ko lang na makasama noon, pero nandito ka na sa tabi ko,” kinuha ng lalaki ang kamay ng babae at saka ito hinila palapit sa kanya.

Nagtama ang kanilang dibdib at saka nagkapalitan ng mga titig. Sa ilalim ng magagandang kulay ng kalangitan, at malamig na hangin ay tumitibok at dalawang puso na iisa lamang ang sinasabi, kaligayahan.

“Sana palagi na lamang ganito, sana nasa tabi na lamang kita palagi,” matamis na wika ni Patrick. Pumikit siya at saka hinalikan ang noo ng dalaga.

Ilang araw pang nasundan ang kanilang pagtatagpo, hanggang sa dumating ang huling araw ng bakasyon ni Bea sa Alaska. Gabi noon bago muling lumipad muli si Bea sa Pilipinas ay taimtim na nag-usap ang dalawa.

“Bea, bukas babalik ka na ng Pilipinas. Panigurado, mamimiss kita ng sobra-sobra,” wika ni Patrick.

“Patrick, pwede ba akong magtanong sayo?” tanong ng babae.

“A-ano yun?”

“Matagal na tayong nag-uusap sa telepono, nagkita at nagkasama na tayo. Ano bang ibig sabihin ng lahat ng ito sa’yo? Seryoso ka ba sa kung anong meron sa atin ngayon?” muling tanong ng dalaga.

Advertisement

“Ang totoo niyan Bea, hindi ko alam. Ang alam ko lang eh masaya ako sayo. Masaya ako pag kasama kita, masaya ako sa kung anong mayroon tayo ngayon,” tugon naman ng binata.

Magdamag hindi nakatulog si Patrick, sa kakaisip sa sinagot niya sa dalaga at sa kung anung mayroon sila. Nagmuni-muni siya ng matagal at saka tinawagan ang dalaga.

“Bea, maaari mo ba akong hintayin bukas sa airport bago ka umalis? Kailangan-kailangan lamang kitang makita,” sabi ng lalaki.

“Sure. Hihintayin kita.” sagot naman ng dalaga.

Kinabukasan ay maagang pumunta si Patrick sa airport upang hanapin ang dalaga. Kung saan-saan siya tumingin at naghanap. Labis ang kabang kanyang naramdaman nang hindi ito makita.

Maya-maya lamang ay may tumapik sa kanyang likuran.

“Huy, Patrick! Para kang nawawalang bata diyan! O eto mainit na kape,” bati ni Bea habang inaabot ang mainit na kape sa lalaki, “so, gusto mo pala akong makausap at makita, bakit?” tanong nito.

“Tungkol sa tanong mo sa akin kagabi, kung seryoso ba ako sa kung anong meron tayo?” wika ng lalaki.

Advertisement

“Y-Yes, what about it?” tanong naman muli ng babae.

“Gusto ko lang na malaman mo na seryoso ako sayo, seryoso ako sa kung anong mayroon sa’tin. Gusto kong ikaw ang makasama ko habangbuhay, Bea,” saad ng lalaki habang kumikislap ang mata sa nag-aalab na damdaming nadarama.

Napangiti naman ang babae sa naririnig. Dahan-dahang lumapit si Patrick papunta sa babae at saka ito hinalikan sa noo, pababa sa ilong, hanggang sa makarating sa matatamis na labi ng dalaga.

At sa pagkakataong iyon, ay nagkaroon ng linaw ang lahat sa dalawa. Doon din nagsimula ang kanilang magandang ugnayan. Umuwi ng Pilipinas si Bea, na baon ang ngiting pinadala ni Patrick sa kanya.

Magkabilang mundo man ay pinilit ng dalawa na panatalihing buhay ang pag-ibig na nag-aalab sa kanilang puso. Hindi na alintana ang layo at distansya, dahil alam nilang konektado ang puso nila sa isa’t isa.

Makalipas ang isang taon ay tinuldukan na ni Patrick ang lahat ng alinlangan nang kaniyang yayain magpakasal si Bea. Ang relasyong nagsimula sa distansya, na naging tunay pag-iibigan, ay nakarating na sa kasalan.

“Ngayon ay puputulin ko na ang takot at alinlangan mo sa ating relasyon, distansya lamang ang layo natin, pero patuloy pa rin tayong pinaglalapit ng ating mga puso. Mahal na mahal kita Bea,” saad ni Patrick.

“Pinatunayan mo lamang sa akin na walang katumbas na halaga at sulit na sulit ang pag-iintay ko sa’yo. Milya man ang naging layo natin sa isa’t isa, pero sa puso ko, parati kitang kasama. Mahal na mahal din kita, Patrick,” tugon naman ni Bea.

Advertisement

“Ngayong kasama na kita, hinding-hindi na kita papakawalan pa.”

Pareho nilang tinuldukan at pinatunayan na ang relasyong magkalayo at magkabilaang mundo ay kaya pa rin magwakas sa habangbuhay at magpakailanman.

Gaano man kalayo ang distansya ng dalawang taong nagmamahalan, ay patuloy pa rin silang paglalapitin ng kanilang mga puso.