Naging Trabaho ng Babae ang Pagbebenta ng Katawan, Ngunit Isang Tao Pala ang Darating Para Baguhin Siya

Tinanggap na lamang ni Ruby ang mapait na katotohanang tatanda siyang dalaga at papanaw ng mag-isa. Wala naman daw kasing lalaki ang seseryso sa kanya dahil sa trabahong kanyang ginagawa.

Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid, at tanging ang nanay lamang niya ang bumubuhay sa kanila, matagal na kasi silang iniwan ng kanilang ama. Pagkatapos mag-aral ng hayskul noon ay pinili niyang magtigil na lamang sa pag-aaral.

“Eh nay, tanggap ko naman na, na maganda ako, sexy, tapos maganda ulit, alam ko naman yun sa sarili ko, pero kasi ma, hindi ako kasing talino ni ate at ni Grace, kaya payagan mo na lang ako mag trabaho,” pakiusap ni Ruby sa ina.

“Oo na, ikaw na ang pinakamaganda sa tatlo,” natatawang sagot ng ina, “eh paano ang pag-aaral mo, anak?”

“Si ate na muna ang pagtapusin mo, ma. Ako, magtatrabaho na lang muna, tapos tutulungan kita na paaralin si ate at saka si Grace,” nakangiting saad ng babae.

“Kung iyan ang gusto mo, sige susuportahan kita. Pero anak, pag nakatapos na ang ate mo ay pilitin mo rin mag-aral ha?”

“Oo naman ma, sa ngayon, tutulungan muna kita,” nakangiting sagot ng anak.

Natural na komedyante si Ruby. Totoo ngang maganda siya at maganda ang hubog ng katawan, pero kinapos lamang talaga siya sa isang bagay, at iyon ay ang talino. Ang mga kapatid niya ay palaging nagkakamit ng mataas na parangal sa eskwela, samantalang siya ay laging palakol ang mga grado.

Advertisement

Sinubukan niyang mag apply ng mga trabaho, ngunit wala ang interesadong kumuha ng hindi tapos kolehiyo, kaya pinasok niya ang trabahong may malaking kita sa madaling paraan, ang pagbebenta ng katawan.

Kinausap niya ang kakilala na ang trabaho ay katulad din ng nais niyang pasukan, at hindi naman siya nagkamali sa nilapitan.

Sinimulan ni Ruby ang pagtatrabaho sa club, minsan naman ay nakatambay sa kalsada at nag-iintay ng mga kostumer. Walang alam ang pamilya niya sa ganoong gawain niya.

“Sa susunod, mas galingan mo Ruby ah? Igiling mo pa dapat ng todo,” sabi ng lalaki habang inaabutan ng isang libo ang dalaga.

“Tse! Akala mo naman kalakihan ng nota, parang lipstick lang naman. Demanding pa ‘to,” sagot ni Ruby habang isinusuot ang damit.

Naging ganoon lamang ang buhay niya, iba’t ibang lalaki kada araw. Mayroon ibang sinusubukan na gawin siyang nobya, pero habol lang ng mga iyon ang kanyang katawan, kaya kadalasan, naiiwanan si Ruby na luhaan.

“Mukhang wala naman ng talaga magmamahal ng totoo sakin,” wika niya sa sarili. Nagkibit balikat na lamang siya at nagpatuloy sa gawain.

Sinubukan niyang pumasok bilang sales lady ngunit agad din niyang itinigil dahil ang manager niya ay halos araw-araw siyang ginagamit, kapalit ng maliit na salapi at bonus kada buwan.

Advertisement

Isang araw habang nakatambay sa labas ng mall, may nakita siyang isang gwapong lalaki na naglalakad.

“Ay bongga, mukhang foreigner ‘to ah,” nagmadali siya upang sundan ang lalaki, “pssst!”

Lumingon sa kanya ang lalaki, ngunit tumalikod ito at naglakad muli.

“Pssst! Hey! You!” napakamot pa siya ng ulo dahil wala siya masyadong alam na ingles.

“Me?” tanong ng lalaki.

“Yes, you! Ano, ah. Wait,” hindi niya alam kung paano bubuo ng salita sa ingles, “where ano, where are you going?”

“Why? Do I know you?” tanong ng lalaki.

“I’m your future wife,” pabirong niyang sagot, “charot!”

Advertisement

Natawa naman ang lalaki sa sinabi niya, “What is it that you want?” tanong muli ng lalaki.

“You know, ano,” at saka muling nagkamot ng ulo, “let’s go to the motel. Your c*ck and my cat, let’s make them sabong, you know, like that,” at saka siya tumingin na para bang nang-aakit.

“Alam mo miss, magtagalog ka na lang, nasa Pilipinas naman tayo eh,” sagot ng lalaki sa diretsong tagalog.

“Walang hiyang ‘to, marunong ka naman palang mag tagalog, pinahirapan mo pa ako,” hinawi niya ang buhok at sinubukang akitin ang lalaki, “baka gusto mong magpakaligaya muna, pwede kita tulungan, may motel naman dyan sa malapit ohh.”

Natawa ang lalaki sa narinig, “type mo ako?” tanong nito.

“Pwede na rin, pero ikaw ang sasagot sa kwarto ha?” nagmamadali niyang sagot.

Ngumiti ang lalaki at saka ito tumango. Malaking ngiti rin naman ang kumurba sa labi ni Ruby nang marinig ito. Pumunta sila sa isang malapit na Motel, at tulad nga ng sabi ng babae, ang lalaki ang sumagot ng bayad sa kwarto.

“Oh ano game na?” tanong ni Ruby.

Advertisement

“Saan?”

“Anu bang tingin mong ginagawa natin dito? Magpapatintero?” pamimilosopo ng babae.

“Ahm, hindi,” lumapit ang lalaki sa kanyang mukha at ngumiti, “ang ganda mo pala pag malapitan ‘no?”

“Ay nako. Alam ko na yang ganyang mga banat, tapos pag nakuha na yung gusto wala nang pakialam,” sagot naman ng babae habang umiirap-irap.

“Higa dito!” tawag ng lalaki sa kanya habang itinuturo ang pwesto sa kama tabi niya.

“O, ‘di ba? Pakipot ka pa kanina!” iniangat niya ang damit upang hubarin, ngunit tumakbo ang lalaki papalapit sa kanya at pinigilan siya. “Oh bakit? Ayaw mo ba?” gulat niyang tanong.

Pinaupo siya ng lalaki sa kanyang tabi, at saka ngumiti. Sa lumipas na tatlong oras ay nagkwentuhan lamang ang dalawa. Tawa lamang ng tawa ang lalaki dahil sa mga kwelang kwento ni Ruby.

At sa unang pagkakataon, tumama sa puso ni Ruby ang katotohanang sa lahat ng lalaking kanyang inaya sa ganitong lugar, ay ang lalaking ito lang hindi nanamantala sa kanyang pagkababae at sitwasyon.

Advertisement

Hindi niya makalimutan ang mga salitang binitawan ng lalaki bago sila lumabas noon.

“Bakit mo ba ginagawa ito?” tanong ng lalaki.

“Ito lang yung alam kong trabaho eh. Hindi naman ako matalino para makakuha ng magandang trabaho, lalo sa sitwasyon na ‘to sa Pilipinas,” sagot ni Ruby.

“Hindi mo naman kailangan maging matalino para makakuha ng maayos na trabaho. Minsan kailangan mo lang maging matiyaga at maging madiskarte. Maganda ka at alam kong mabait ka, wag mong hayaang samantalahin ng iba ang sitwasyon mo. Wag mong sayangin ang sarili mo sa bagay na hindi naman talaga ikaliligaya ng puso mo. Hindi pa huli ang lahat sa buhay mo, madami ka pang kayang baguhin,” wika ng lalaki.

Lumabas sila ng lugar at nagpaalam ang lalaki na aalis na. Hindi man lang natanong ni Ruby ang pangalan nito. Umuwi si Ruby at lumapit sa kanyang ina. Niyakap lang niya ito ng sobrang higpit, dahil hindi niya maintindihan ang kanyang puso ngayon.

Hindi maipalawinag ni Ruby ang naramdaman ng mga panahong kasama ang lalaki. Di niya inaasahang may ganoon pa palang lalaki. Napapangiti na lamang siya pag naaalala ang eksena habang kausap ang lalaki.

Kinabukasan muli siyang pumunta sa lugar kung saan niya nakita ang lalaki, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na maikling palda at tube na pang itaas ang kanyang suot. Nakapantalon na siya at magandang blusa.

Inintay niya ang lalaki at hindi naman siya nabigo, nakita niya itong dumaan muli. Kaya tinawag niya ito, “Psssst!”

Advertisement

“Ikaw na naman?” natatawang sagot ng lalaki.

“Oo, gusto sana kitang kausapin ulit.”

Nag-usap sila nang matagal-tagal. Naulit pa ito ng ilang beses, at sa hindi inaasahang pangyayari, ay nararadaman ni Ruby na unti-unti na siyang nahuhulog. Nalaman niyang Marky pala ang pangalan ng lalaki at propesor ito sa isang sikat na unibersidad.

Medyo nakaramdam siya ng kawalang pag-asa dahil sa propesyon ng lalaki, ngunit sa muli nilang pagkikita ay mayroon itong dalang bulaklak at teddy bear na lubos niyang ikinagulat.

Napaiyak na lamang siya sa ipinagtapat ng lalaki.

“Matagal na kitang nakikita, ang totoo niyan ay lagi kitang inaabangan tuwing hapon, para masilayan ang magaganda mong ngiti,” pagtatapat ng lalaki.

“Pero hindi mo ako maaring magustuhan, isang p*kpok lang ako, di tayo nabagagay,” naluluhang sagot ni Ruby.

“Wala akong pakialam sa nakaraan mo, wala akong pakialam sa kung ilan pa ang lalaki ang dumaan sa buhay mo, handa akong tanggapin lahat-lahat sa’yo, basta ipangako mo lamang na ako na ang magiging huli.”

Advertisement

“Handa akong pasayahin ka, handa akong gawin ang lahat para sayo, at ibigay ang respeto na nararapat para sayo,” seryosong wika ng lalaki.

“Naaawa ka lang sa’kin. Hindi tayo bagay, pasensiya na,” iniwan ni Ruby ang bulaklak at teddy bear at saka ito tumakbo paalis.

Gusto niya din ang lalaki, ngunit siya mismo sa sarili niya ang hindi matanggap kung ano siya. Kaya simula ng araw na yun ay hindi na muna siya bumalik doon.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, nakapagtapos na rin ang ate ni Ruby. Natulungan niya itong magtapos at ngayon, makakatulong na din ito sa pamilya.

Sa dating tambayan ay muling bumalik si Ruby. Natawa lamang siya habang inaalala ang dating mga gawain, ngunit tila isang kurot naman sa puso niya ang alaala ng lalaking iniwan at tinakbuhan niya doon.

“Ruby?” tawag ng isang lalaking pamilyar na pamilyar ang boses.

Lumingon siya at nakita ang lalaki, “Marky…” tumakbo ang lalaki at niyakap siya.

Manghang-mangha ang lalaki sa nakikita niya. Parang isang bagong Ruby ang kanyang nasa harapan ngayon. Nakalugay ang buhok nito at nakasuot ng uniporme na pang estudyante.

Advertisement

“Bumalik ka na pala sa eskwela?” tanong ni Marky.

“Oo, isang lalaki kasi ang nagsabi sa akin noon na hindi pa naman huli ang lahat sa buhay ko Kaya naisip ko na baka tama nga siya,” natatawang sagot naman ng babae.

“Masaya akong makita ka na ganyan, ipagpatuloy mo lang yan.”

“Pasensya ka na noon ha? Natakot lang naman ako kasi wala akong maipagmamalaki sayo, pero inaayos ko naman na ang buhay ko ngayon,” wika ni Ruby.

“Alam ko naman yun. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang naman ako lagi para sayo,” tugon naman ng lalaki.

“Kaya mo pa bang maintay na makatapos ako?” pabirong sabi ng dalaga.

“Kahit gaano pa katagal, handa akong mag-intay. Basta sa dulo ay tayong dalawa ang magkasama,” ngumiti si Marky at hinila papalit sa kanya si Ruby, at hinalikan ito sa noo.

Hindi inaasahan ni Ruby na ang kagaya niya ay may kakayanan pala na magmahal at magbago. Binigyan ng lalaki ng direksyon ang buhay niya. Tinanggap siya nito ng buong-buo kahit na alam ng lalaki ang kanyang nakaraan.

Advertisement

Ngayon ay nag-iintay na lamang ng konting panahon si Ruby upang makatapos sa kolehiyo. Tinutulungan siya ni Marky sa mga aralin sa eskwelahan at ibinigay nito ang buong suporta sa dalaga.

Mapalad si Ruby dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbago, at higit sa lahat, mapalad siyang matagpuan ang lalaking tulad ni Marky. Ang akala niya ay sa teleserye lamang ito nangyayari, ngunit dalawang mata niyang nasaksihan ang hiwaga ng tunay na pag-ibig.