Hindi na Makapaghintay ang Babaeng Makita sa Personal ang Kasintahang sa Internet Lamang Nakilala, Ngunit Iba ang Naramdaman Niya nang Makita Niya Ito

Excited si Miriam sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ang kanyang lupang-sinilangan. Bukod kasi sa makikita niya nang muli ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay magkikita na rin sila ng kanyang sinisinta sa loob ng tatlong taon, si Franco.

Namamangha siyang sa loob ng mahabang panahon na yun ay natiis nilang hindi magkita nang personal. Tanging sa socia media tulad ng Facebook, Skype , Viber at marami pang iba. Nagsimula silang magkakilala nang i-add siya nito sa Facebook. In-accept niya ito upang malaman kung paano siya nito nakilala.

“Sorry, Miss nagandahan kasi ako sa profile picture mo. Kaya parang magic na in-add ka ng mga kamay ko.”

Doon siya unang napatawa ng binata. At simula noo’y halos araw-araw na ‘ata siyang napapasaya nito. Binigyan nito ng kulay ang napakaboring na buhay niya. Nalaman niyang nagtatrabaho sa isang call center ang lalaki at kasalukuyang bread winner ng pamilya nitong nasa probinsya.

Sa araw-araw na pagchachat at pagvideo call nila ay nahulog na ang loob niya dito. Hindi naman siya nito binigo at niligawan rin siya. Naging sila tatlong taon nang nakakalipas.

“Saan mo gustong magkita tayo?” tanong sa kanya ng kasintahan.

Sinabi niya ang eksaktong lugar at oras ng kanilang pagkikita. Excited na siyang sa wakas ay magkikita na rin sila. Pinaghandaan niyang maigi iyon. Nag-ayos siya at siniguradong walang kapintasang makikita ito sa kanya.

“Ganito pala feeling nito. Parang blind date!” Advertisement

Nainis pa siya dahil natraffic siya malapit sa lugar ng kanilang pagkikitaan. Chinat niya ito na medyo male-late siya.

“Okay lang babe, take your time.”

Napangiti siya. Noon pa man ay napakaunderstanding at considerate nito. Hanggang sa wakas ay marating niya din ang lugar ng kanilang pagkikitaan, isa itong mall. Hinanap niya kung saan ito nakapwesto. Nilinga niya ang paligid pero hindi ito makita. Hanggang sa may isang kamay na tumakip sa mga mata niya.

“Ang bango naman ng kamay mo,” ika niya dahil alam niyang si Franco ito.

Narinig niya ang mahinang tawa nito, “Nahahawa ka na sa kakornihan ko ah.”

Nagtawanan sila pagkatapos. Binigyan siya nito ng isang kumpon ng paborito niyang bulaklak. Napagdesisyunan nilang kumain sa isang simpleng restaurant.

Masaya siya dahil sa wakas ay kaharap niya na ang lalaking minamahal pero ang ipinagtataka niya ay tila parang may kulang.

Hindi niya makapa sa puso niya kung ano pa ang kulang na hinahanap niya samantalang narito na sa harap niya ang lalaking pinakamamahal. Advertisement

“Okay ka lang, babe?” tila napansin siya nito.

Umiling siya, “Yes, okay lang ako.”

Hinatid siya nito sa kanilang tahanan. Nakilala rin ito ng mga magulang at mga kapatid niya. Lahat ito ay aprubado sa relasyon nila.

Dumating ang kinagabihan ay nag-isip si Miriam. Hindi niya malaman kung ano ang gumugulo sa isipan at puso niya.

“Ano ba ‘tong nararamdaman ko?”

Hanggang sa makita niyang tumatawag si Franco. Agad niyang sinagot iyon, “Hello?”

“There’s something wrong, right?”

Nagulat siya sa sinabi nito, “Paanong…” Advertisement

Huminga ito nang malalim, “Ramdam ko din, Miriam.”

May kirot sa puso niya sa sinabi nito.

“Siguro sa videocall at chat lang tayo may spark.”

“Spark?” naguguluhang-tanong niya.

“Masaya tayo noon diba? Pero noong nagkita na tayo napansin mo rin ba?”

Napatango siya, “Oo, tama ka. Wala tayong spark sa personal.”

Natawa sila pareho. Tinapos nila ang relasyon noong gabi ding iyon. Pero nanatili silang magkaibigan. Kahit sa pagbalik ni Miriam sa abroad ay nagcha-chat pa rin sila at nagka-kamustahan pero hindi na tulad ng dati na halos minu-minuto ay nag-uusap sila.

Nag-focus sila sa kani-kanilang career. Ilang taon ang lumipas ay nalaman niyang magpapakasal na si Franco. Natuwa siya para dito. Hindi niya akalaing ito ang kauna-unahang ex-boyfriend niyang natutuwa siyang magpapakasal na. Nailing siya. Advertisement

“Totoo nga talaga ang spark.”

Simula noon ay hindi na siya nakipag-boyfriend nang sa chat lang. Sinisigurado niyang magkikita muna sila nang personal bago niya ilaan ang oras at feelings niya dito.