Pinagbantaan ng Babae ang Kanyang Kaibigan na Maling Tao ang Manliligaw Niya, Dahil Dito Nasira ang Kanilang Pagkakaibigan

Limang taon nang magkaibigan si Lorie at Miel. Ang totoo niyan, hindi nila parehas inaasahan na sila’y magiging magkaibigan dahil magkaibang-magkaiba ang ugali nila.

Nagsimula sila bilang magkaopisina lang, hanggang sa naging talagang magkalapit na sila. Wala atang sikreto si Miel na hindi alam ni Lorie, at ganun din naman si Lorie sa kanyang kaibigan.

Sa sobrang pagiging malapit nila, kahit ang mga manliligaw ni Lorie ay pinapakilala niya kay Miel para malaman niya kung aprubado ba ito ng kanyang kaibigan.

Ngunit si Miel, bilang isang mabuting kaibigan, hangga’t wala naman siyang nakikitang hindi maganda tungkol sa manliligaw ni Lorie ay suportado lang niya ang kanyang kaibigan. Mahalaga para kay Miel ang kasiyahan ng kaibigan.

Ang problema nga lang ay hindi tumatagal ang mga manliligaw ni Lorie. Kung minsan naiisip niyang may mali sa kanya pero palagi namang pinapalakas ni Miel ang loob ng kanyang kaibigan.

Isang araw ay may pinakilala si Lorie na bago niyang manliligaw sa kaibigan. Nagkita sila sa paborito nilang restawran. Nauna si Miel sa lugar kaya’t laking gulat niya nang makita si Lorie kasama ang ‘manliligaw’ niya – kilala ni Miel ang lalaking ito!

Agad siyang tinawag ng lalaki dahil nakilala rin pala siya nito.

“Miel??” sambit ng lalaki.

Advertisement

“Uy! Patrick!” sagot ng kunwaring nagulat na dalaga.

“Magkakilala pala kayo?” nakangiting sagot ni Lorie.

“Oo. Kasi schoolmates kami noong high school. Pero mas matanda ako ng isang taon,” sabi naman ng binata.

“Eh di okay naman pala. Maganda na magkakilala kayo,” nakangiting sagot ni Lorie.

Ngumiti na lang din si Miel pero halatang napipilitan ang dalaga. Pagkatapos nilang kumain at magkwentuhan ay agad na rin nagyaya pauwi ang mga dalaga, sa kadahilanang may pasok pa sila kinabukasan.

Nang makauwi ang lahat sa kani-kanilang bahay, agad na nag-text si Miel sa kanyang kaibigan.

“Usap tayo bukas.”

Nagtataka man si Lorie sa nabasang mensahe galing sa kaibigan ay hindi na lang niya ito sinagot, tutal naman ay mag-uusap na rin sila bukas, alam niya namang tungkol ito sa kanyang manliligaw.

Advertisement

“Hindi ko maintindihan,” sagot ni Lorie.

“Masyadong playboy itong manliligaw mo. Alam ko dahil kilala ko siya. High school pa lang kami, yun na ang bansag sa kanya. At hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya babae!” sagot ng dalaga.

“Hindi mo ba nakikita ang Facebook niya? Tignan mo yung mga dating babae na kasama niya noon. Parang kada buwan, iba-iba ang kasama niyang babae! Kaya please, makinig ka sakin, ayaw kong pati ikaw ang lokohin niya,” dagdag pa niya.

“Ano ka ba friend, syempre hindi ako magpapaloko no? Saka hindi ka ba naniniwala na nagbago na siya? Dahil iyon din ang sinabi niya sa akin. Na iba ako sa mga nakilala niyang babae,” sagot ni Lorie.

“Tingin mo ba ay hindi niya ‘yon sinabi sa mga dating naging nobya niya? Tapos niloko lang din niya?” sagot ni Miel.

“Alam mo friend, kung hindi ka happy sa lovelife mo, wag mo na lang akong idamay. Naiinis lang ako sayo kasi parang tingin mo sa akin ay talagang magpapakat*nga lang ako sa lalaki na ito,” sagot naman ni Lorie.

Pero bago pa man makapagsalita ang kanyang kaibigan ay nakaalis na siya.

Ilang araw ring hindi nag-usap ang magkaibigan. Sa tuwing sila’y magkakasalubong sa opisina ay magngingitian lamang sila pero ang kanilang pagkakaibigan ay unti-unti nang naging malabo.

Advertisement

Nabalitaan ni Miel na sinagot na pala ni Lorie si Patrick. Doon niya napagtanto na kaya siguro naging mailap ang kanyang kaibigan ay dahil magkarelasyon na sila ng binata.

Hanggang sa dumating sa punto na halos hindi na talaga naguusap at nagpapansinan ang magkaibigan.

Nabalitaan pa ni Miel na ibinabalita pa ni Lorie sa mga bago niyang ‘kaibigan’ na sinisiraan ni Miel ang nobyo niya sa karamihan kahit hindi naman ito totoo. Kaya’t sumama ang loob ng dalaga sa kanyang kaibigan. Hindi niya inaasahan na magagawa sa kanya ni Lorie ito.

Hanggang sa isang araw ay nakatanggap ng tawag si Miel galing sa kanyang kaibigan. Sinagot niya ito kahit masama pa rin ang loob niya rito.

“Miel… Pwede ba tayong magkita?” pakiusap ng umiiyak niyang kaibigan.

Lahat ng sama ng loob ni Miel ay nawala nang marinig ang sakit sa boses ng kanyang kaibigan.

“Oo naman.. Nasaan ka? Pupuntahan kita…” aniya.

“Nandito lang ako sa bahay… Salamat Miel ha..” sagot ni Lorie.

Advertisement Binalaan ng babae ang kanyang kaibigan na maling tao ang manliligaw niya, kilala niya kasi ito. Pero imbis na makinig ay nasira pa ang kanilang pagkakaibigan. Tama ba ang naging desisyon niya? https://cms.indaytrending.com/stories/lover-or-friend/

Agad siyang pinuntahan ng kanyang kaibigan. Ikinuwento agad ni Lorie na nalaman niyang matagal na siyang niloloko ni Patrick. Nagsisisi siya na hindi agad siya naniwala sa kanyang kaibigan kahit ilang beses siyang pinaalalahanan nito.

Nalulungkot siya dahil nag-aksaya siya ng oras kay Patrick, sa isang maling tao. Humingi rin ng tawad si Lorie dahil mas pinili niya ang kaniyang relasyon kaysa kay Miel na kaibigan niya.

Pinatawad naman ni Miel si Lorie at naging maayos muli ang kanilang pagkakaibigan.