Parehong Nagtataguan ng Lihim na Pagtingin ang Dalawang Nag-Iibigan, Kaya Nanghimasok na ang Bestfriend ng Babae Para Matapos na ang Hirap Nila

Mag iisang taon pa lamang na nagtatrabaho si Ivy sa isang opisina sa Pasay, sa sandaling panahon na iyon ay nagpakitang gilas talaga siya at lumutang ang kanyang galing kaya naman agad siyang na-promote bilang team leader sa kanilang department. Ang saya saya niya at tinawagan niya kaagad ang kanyang bestfriend,si Carlyn. Gamit niya ang telepono ng opisina at sa landline niya ito sinubukang contact-in, baka kasi magkaaway ito ang ang nobyo nito dahil nakapatay nanaman ang cellphone ng bestfriend niya. Pero sa halip na si Carlyn ay si Charles ang sumagot ng telepono, ang mas nakababatang kapatid nito.

“Hello?” Sabi ng baritonong boses ng lalaki.

“Si Carlyn?” sabi niya rito.

“Ay, wala po ate Ivy.” nai-imagine niyang nakangisi ito sa kabilang linya.

“G*go, ate ka dyan sapakin pa kita eh.Silipin mo yung kapatid mo baka nagmumukmok sa kwarto, nakasara na naman ang cellphone eh.” sabi niya rito. Naiinis talaga siya pag tinatawag siyang ‘ate’ ng binata, halos ka-edad niya lang kasi ito. Ilang buwan lang ang tanda ni Carlyn sa kanila, sadyang nahuli lang ang lalaki ng pasok sa eskwela dahil makulit ito noon. Pareho lamang silang 24 years old.

Ang totoo niyan, may gusto siya kay Charles. Kaya lang ay parang imposible naman na mapansin siya nito dahil lahat ng dinadala nitong girlfriend sa bahay ng mga ito ay mga tisay at sopistikada, lahat ng kabaliktaran niya. Simple lang kasi siya, para sa kanya ay hindi siya pansinin kung ihahalo siya sa maraming tao. Lalo pang nawala ang pag asa niyang magugustuhan nito nang simulan na siyang tawagin nitong ‘ate’.

Hindi niya malilimutan ang unang beses na nakita niya si Charles, magkaibigan na sila ni Carlyn noon pero di niya alam na may kapatid pala itong lalaki. Hindi kasi pala-labas ng bahay si Charles at may sariling mundo palagi, puro insekto nga lang yata ang gusto nitong kausapin. Natatandaan niya pa, nahuli niya ito minsan na sumisilip sa garahe ng bahay nila para manghuli ng gagamba.

Noon pa man, alam niya nang gwapo ito. Lalo na nang mag-binata, diyos ko, kulang na lang ay malaglag ang panty niya tuwing nakikita ito. Kaya lang, hinding hindi yata siya makikita ng lalaki bilang magandang dilag, para kasing barkadang paltukin kung ituring siya nito. Walang ibang ginawa kung hindi asarin siya.

Advertisement

“Punta ka dito mamaya, may handaan dito sa bahay,” sabi nito sa kabilang linya tapos ay ibinaba na iyon. Ang damuho, ni hindi man lang siya talaga hinintay makasalita!

Naiinis man ay kinikilig si Ivy sa isiping ito mismo ang nag imbita sa kanya. Ang hirap kasing hulaan ng ugali ng lalaki, minsan ay nakatingin ito sa kanya pero biglang ngingisi at aasarin na siya. Pagka-uwian ay dumiretso si Ivy sa isang parlor, nagpa-manicure at pedicure siya.

Ilang buwan na kasing hindi nakakaranas ng linis ang kuko niya, pang maton na. Pagdating niya sa bahay ng mga ito ay bagong retouch pa ang make up niya, dire-diretso na siyang pumasok dahil halos dito na rin siya lumaki at di na siya naiilang sa mga magulang nina Carlyn.

Narinig niyang nagtatawanan ang mga ito sa kusina, kaya pumunta siya roon at ginulat ang mga ito, “Surprise! Ano’ng ganap?!” sigaw niya. Pero siya ang napanganga nang makitang may katabing babae si Charles.

Mabuti na lang at mabilis siyang nakabawi sa pagkagulat kaya hindi nahalata ng mga ito. “Haha! Ang sarap ng niluto nyo ah!” sabi niya na pilit pinasasaya ang boses.

Tinitigan naman siya ni Carlyn at parang nawiwirdohan sa ikinikilos niya, maging si Charles ay nakatitig lang. Pinanindigan na ni Ivy ang pagiging masaya kaya biniro nya pa ang lalaki, “Uy ikaw ha, kaya mo pala ako pinapunta.” sabi niya, sana hindi pumiyok ang boses niya.

“This is Frida,” si Carlyn na ang nagpakilala sa babae.

Hindi alam ni Ivy kung ano na ang nagaganap at pinag uusapan ng mga tao, basta parang lutang siya at halos di niya na naririnig pa ang paligid. Grabe, umaasa pa rin pala siya sa kanila ni Charles.

Advertisement

“Huy? Sabi ko are you okay? Ni hindi mo nagagalaw ang food mo,” sabi ni Carlyn sa kanya, kanina pa pala ito nagtatanong.

“H-ha? Busog kasi ako. K-kumain kami ng boyfriend ko sa labas kanina.” ewan niya ba kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya, ayos na rin para hindi siya mukhang kawawa.

Napansin niyang sumulyap sa kanya si Charles at seryoso ang mukha nito, hindi niya mabasa ang ekpresyong naroon.Maya-maya pa ay napalitan iyon ng ngisi, “May boyfriend ka?”

“Oo! Kanina ko lang siya sinagot,” sabi niya na hindi tumitingin rito ng diretso, nag-focus siya sa pagsandok ng kanin na walang ibang ginawa kundi malaglag, ano ba! Baka mahalatang natataranta sya!

Inaasahan niyang aasarin pa siya nito pero katahimikan na ang kasunod noon. Ah, baka dahil nakaharap ang girlfriend nito. Ouch!

Nang matapos ang dinner ay nagulat na lamang si Ivy nang hilahin siya ni Carlyn papasok sa isang kwarto.

“Huy ano ba bakla ka ng taon bakit mo ako kinakaladkad?”

Sa halip na sumagot ay lumabas ito ng kwarto, maya maya pa ay narinig niya na ang boses ni Charles, tulad niya ay nagtatanong rin ito. “Ano ba? Tigilan mo ko Carlyn what are you doing?” sabi ng lalaki. Itinulak nito ang kapatid sa loob.

Advertisement

“Ikaw Charles, matanda pa rin ako sayo ng ilang buwan. Bilang ate mo, susundin mo ako, you stay here.At ikaw Ivy, bilang bestfriend mo ay pinapayuhan kitang maging totoo. Pareho kayo! Mag usap nga kayo, napapagod na ako sa inyong dalawa. Ilang taon na kayong nagtataguan!” sabi ni Carlyn at lumabas na sa kwarto, narinig pa nilang ikinandado nito mula sa labas ang pintuan.

Ilang minuto silang walang kibuan, naramdaman ni Ivy na sumulyap sa kanya si Charles tapos ay bumuntong hininga ito. “Kumusta naman?”

“Kumusta ang ano?” maang niya.

“Kayo ng boyfriend mo,” namaos pa ang boses nito pagkasabi noon.

“Wala naman akong boyfriend.” pagtatapat niya, bahala na magmukhang tanga. Eto na rin lang eh.

“Bakit mo pala sinabing meron?” teka, pinipigil ba nito ang mangiti?

Bumuntong hininga siya, eto na.. pagkatapos nito ay baka di na siya makabalik sa bahay na ito dahil sa pagkapahiya.

“Kasi may girlfriend ka na ibinabalandra sa mukha ko. Gusto kita eh, mali-mahal kita dati pa pero syempre di mo naman ako mapapansin dahil sino ba naman ako kumpara sa mga mala-model mong ipinaparada tulad nalang niyang-” hindi na naituloy pa ni Ivy ang sasabihin dahil siniil na siya ng halik ni Charles, sinubukan niyang pigilan ito pero nadala na rin siya. Nang matapos sila sa halik ay habol pa nila pareho ang hininga.

Advertisement

“Wag kang maawa sa akin,” bulong niya. Alam niya namang imposible, may girlfriend itong naghihintay sa labas at baka sabunutan pa siya pag nalaman ang pinaggagawa niya ngayon.

“Mahal rin kita..noon pa. Torpe lang ako. Ewan ko ba, ang dali daling manligaw sa ibang babae pero pag sayo, ang hirap na. Ikaw yan eh.. iba ka sa kanila. Nakuntento na ako sa kakasulyap lang sayo, simula pa noong nahuli mo ako sa garahe nyo. Ikaw ang sinusulyapan ko noon, hindi gagamba. Gawa gawa ko lang yun, malay ko bang nasa likod na kita. Naalarma lang ako nung sinabi mong may boyfriend kana, natuliro ako kanina. Nahalata siguro ni Carly,” nakangiting sabi nito. Habang nagsasalita pa ito ay dinadampian nito ng maliliit na halik ang kanyang mukha.

Parang sasabog sa sobrang ligaya ang puso ni Ivy nang may bigla siyang maalala, “P-paano si Frida?”

Lalo namang lumaki ang ngiti ni Charles,”Tignan mo tong baby ko, sa sobrang selos mo ay nabingi ka na. Pinsan namin siya ni Carlyn.”

Noon din ay kumatok si Carlyn, “Okay na kayo? Parang naglalandian na kayo eh!” sabi nito sa labas. Natatawa pa silang dalawa at sabay na sumagot ng “oo.”

Nang buksan nila ang pinto ay hindi lang pala si Carlyn ang naroon, nakaabang din ang mga magulang ng mga ito, maging si Frida. Magkaakbay silang humarap at napapalakpak pa ang mommy nina Charles, “salamat at nagkaaminan rin! Hindi nasayang ang mga iniluto ko!”

Kaya pala nagluto ito ay hindi para sa pagdating ni Frida mula sa Amerika, pinaghandaan pala nito ang pagkulong sa kanilang dalawa sa kwarto.

Pagkatapos ng tatlong taon ay nagpakasal ang dalawa at ngayon ay nagdadalangtao na si Ivy sa kanilang mga anak. MGA, dahil kambal na babae at lalaki ang kanyang ipinagbubuntis, ganoon na lang ang tuwa ng bestfriend niyang si Carlyn. Hindi siya nagkamali ng desisyon na pag usapin ang dalawa. Alam niyang mahal na mahal ng kapatid niya ang kanyang bestfriend, at alam niya rin na aalagaan ng bestfriend niya ang kanyang kapatid. May mas sasaya pa ba roon?