Nakuha ng Lalaki ang mga Hinahangad Niya nang Mapasakanya ang Anting-Anting, Malaki Pala ang Kapalit Noon

Gabi-gabi ay inaabangan ni Dudong ang pagbuka ng puso ng saging dahil sabi ng mga matatanda sa kanilang nayon, ang sinumang makakuha ng anting-ating mula dito ay magkakaroon ng kakaibang lakas at kakayahan. Hindi siya nabigo at naaktuhan niya ang pagbuka ng naturang bunga. Itinapat niya ang kanyang bibig at saktong pumatak sa loob noon ang mala-gintong likido.

Mula noon, nagsimula na siyang suwertehin. Umani ng maraming pananim ang kanyang munting sakahan, kaya naman mula sa maliiit na taniman ay lumaki ito.

Nagkaroon nga siya ng kakaibang lakas na parang sa kabayo. Kahit gaano kabigat ang isang bagay, kaya niyang buhatin sa kanyang mga balikat. Kayang-kaya rin niyang pasanin ang 5 sako ng bigas.

Napasagot rin niya ang pinakamagandang dalaga sa kanilang lugar na si Gilda . Kasabay naman noon ay ang pagkakakilala sa kanya bilang isa sa pinakamagaling na manghihilot sa kanilang lugar. Katulong niya sa paghihilot ang nakababatang kapatid na si Kardo. Gaya niya, si Kardo ay isang matipuno at guwapong lalaki kaya naman hindi maiwasang pagpantasyahan rin ito ng mga babae sa kanilang lugar.

Isang araw, dumalaw si Gilda sa bahay ni Dudong ngunit wala roon ang lalaki. Ang naroon lang ay si Kardo na naglilinis ng bakuran.

“Si Dudong?”

“O, ikaw pala. Wala si kuya, e.”

Napasimangot ang dalaga sa narinig. “Pulos na lang panghihilot ang inaatupag niya!” Nagpapadyak at nagdabog ito.

Advertisement

“Huwag ka nang magalit kay kuya. Ganoon talaga ang trabaho niya, e.”

“Paano naman ako? Hindi niya ba alam na napapabayaan na niya ako?” Himutok ng dalaga.

Napansin ni Gilda na iba kung makatitig sa kanya si Kardo. Bigla tuloy siyang naasiwa.

“B-bakit?”

“Narito naman ako.”

Nanuyo ang lalamunan ng dalaga sa sinabi ng lalaki. Kinabahan siya lalo na nang ikulong nito ang kanyang katawan sa mga bisig nito.

“Napakaganda mo talaga. Sayang at hindi ka naaasikaso at naaalagaan ng husto ni kuya kaya hayaan mong asikasuhin kita at alagaan. Hinding-hindi ka magisisi sa piling ko.”

Siniil siya nito ng matinding halik sa labi. Mapusok. Maalab. Napapikit si Gilda sa sarap ng halik ng lalaki kaya’t nakalimutan na niyang tumutol dahil na rin sa ligayang hatid sa kanya ng halik na iyon. Hanggang sa humantong na sa hindi dapat mangyari. Pinagsaluhan ng dalawa ang ikapitong langit.

Advertisement

Walang kamalay-malay si Dudong sa namagitan sa kanyang nobya at sa kapatid dahil abala naman ito kay Sol.

“Ituloy na natin ‘to. Tara sa motel?” bulong ni Dudong sa dalaga.

“Ayoko!”

“Bakit ayaw mo?”

“H-hindi pa ako handa.”

“Kung hindi ka pa handa ay hindi kita pipilitin.” Aniya.

Nakilala naman nito si Sol sa palengke. Natipuhan niya ito kaya dinidigahan niya ng palihim para hindi malaman ng nobya ang ginagawa niyang pagtataksil.

Isang araw ay pumunta ang dalaga sa bahay ni Dudong.

Advertisement

“O, anong nangyari sa iyo at bakit may mga dala kang bag?” Tanong niya.

“E, kasi pinalayas ako ni inay. Lagi na lang nila akong pinapagalitan at sinasaktan ng wala namang dahilan. Baka naman pwedeng makituloy muna dito?”

Kinabahan siya sa gustong mangyari ni Sol. Baka kasi malaman ni Gilda ang tungkol sa kanila ni Sol. Pero ayaw naman nitong paalisin ang dalaga. Gusto rin kasi niyang mapalapit ng husto rito kaya nag-isip siya ng malalim. Nagkaroon siya ng mas malaking pag-asa na tuluyang maangkin ito.

Samantala ng mga oras na iyon ay nasa isang maliit na kubol sa kabilang ibayo sina Kardo at Gilda.

“Buntis ako, Kardo.”

“Kanino?”

“Kanino pa ba ,e di sa iyo.” Mabilis na sagot ng dalaga.

“Sigurado ka?”

Advertisement

“Galing ako sa doktor kanina at kinumpirma niyang mag-dadalawang buwan na ang dinadala ko. Dalawang buwan na kaming hindi nagtatalik ni Dudong dahil masyado siyang abala sa panghihilot niya. Nang huli nga kaming nagtalik ay nagkaroon pa ako ng buwanang dalaw.

“Kung ganoon ay magkaka-anak na pala tayo.”

“Oo. Bakit, may reklamo?”

“Wala. Masaya nga ako dahil malapit na tayong magka-baby. Ano’ng sasabihin mo sa kapatid ko?’’

“Ano pa e, di sasabihin kong sa kanya ‘tong bata. Alangan namang umamin ako na may relasyon tayo at ikaw ang ama nitong nasa sinapupunan ko. Malaking gulo kapag nagkataon! At sa inyong dalawa, siya ang may pera dahil siya ang kumikita. Ikaw, wala ka namang trabaho ‘di ba? Huwag kang mag-alala, hindi rin naman mapapalayo ang bata sa iyo kung sakali.”

Sa bahay naman ni Dudong, nakaidlip si Sol. Namalayan niya na wala sa tabi niya ang lalaki. Dahil ramdam pa rin niya ang matinding pagod dahil sa ginawa nilang pagtatalik. Oo. Nagpagalaw na siya kay Dudong kapalit ng pansamantala niyang pagtira sa bahay nito.

Mayamaya’y naalimpungatan siya nang marinig niyang bumukas ang pinto sa kuwarto. Wala sa tabi niya si Dudong, mag-isa lamang siyang naroon. Hindi siya dumilat maging nang lumapit sa kanyang hinihigaan ang pangahas na tumabi sa kanya.

“O, nandito ka pala.” Bulong sa kanya ng lalaki bago dumampi ang mga labi nito sa kanyang balikat.

Advertisement

Nagulat si Sol dahil hindi iyon ang boses ni Dudong. Pero ipinasiya niyang magtulug-tulugan na lang.

Maski na nga may gumapang na tila bolta-boltaheng kuryente sa buo niyang katawan ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya nakuhang imulat ang mga mata.

Naamoy niyang amoy alak ang hininga ng lalaki. Naka-inom ito.

Itinaas nito ang kamison na suot niya bago nito marahang hinubad. Walang suot na bra no’n si Sol kaya agad na tumambad sa lalaki ang pinagpala niyang dibdib. Mabilis iyong inulaol ng halik ng lalaki habang pinaglalaruan nito ng daliri ang isa pa. Hindi nagtagal ay gumapang pababa ang nag-aalab nitong halik patungo sa puson niya. Walang nagawa ang dalaga kundi magpaubaya sa lalaki dahil aminin man niya o sa hindi ay nasasarapan din siya sa ginagawa nito sa kanya.

“Ohhh, sino ka ba?!”

“Gilddaa…” Tumitig sa kanya ang lalaki na tila nagmamakaawa ang mga mata.

“H-hindi ako si Gilda! Teka, ikaw ba ang kapatid ni Dudong?”

Hindi nga siya nagkamali. Ang mapanagahas na lalaking iyon ay si Kardo.

Advertisement

Makalipas ang dalawang linggo ay nalaman ni Dudong na nagdadalang tao si Gilda. Napapaniwala siya ng babae na sa kanya ang ipinagbubuntis nito. Kaya walang nagawa ang lalaki kundi ang mamanhikan sa pamilya nito.

Samantala, walang kaalam-alam si Sol na nakatakda nang ikasal si Dudong. Wala ring kaalam-alam si Gilda na nakikituloy si Sol sa bahay ng nobyo. Hindi rin alam ng lalaki na may namagitan sa kanya at sa kapatid nitong si Kardo.

Kapag wala ang lalaki at sinasamahan si Gilda sa doktor para magpa-check up ay gumagawa naman ng milagro sa loob ang kapatid at si Sol.

“Ano ka ba, Kardo?”

“Wala naman si kuya kaya anong problema?”

“Wala nga siya, pero ang sabi ng kapatid mo ay mamayang gabi ang balik niya.”

“Mamaya pa iyon kaya pagbigyan mo na ako sa gusto ko.”

“Ayoko sabi, e.”

Advertisement

“Bakit ba ayaw mo? Ilang beses naman nating ginagawa ito di ba? Huwag mong sabihing nagsisisi ka sa nangyari sa atin?”

“Hindi ko naman talaga ginusto ito! Nadarang lang ako at alam mo ‘yon!”

“Oo, aaminin kong napagkamalan kita na ikaw si Gilda pero hindi na natin maibabalik ‘yon. Nangyari na ang nangyari. At isa pa, ginusto mo rin naman di ba?”

“Oo. Ang laki ng kasalanan ko kay Dudong. Pinagtaksilan ko siya sa sarili niyang bahay at sa mismong kapatid pa niya!”

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Isang pangyayari ang sumalubong kay Dudong at kay Sol.

Malaki ang ipinagbago ng buhay ng lalaki nang makuha niya ang anting-anting na nagmula sa puso ng saging. Ang hindi niya alam ay may kapalit na karma ang lahat ng iyon. https://cms.indaytrending.com/stories/luck-karma-adult/

Laking gulat ng lalaki nang sabihin ni Sol sa kanya na nagdadalantao rin ito. Paano’ng nangyari iyon, hindi kaya nagkamali ang doktor na tumingin sa kanya at nagsabing baog siya? Kasi’y nagkaanak sila ni Gilda at iniisip niya na isa iyong himala ng Maykapal. Pero ngayong si Sol naman ang nabuntis niya’y mas malaki ito’ng himala.

Hindi alam ni Dudong na iyon ang KARMA niya. Tinuhog niya’t pinagsabay sina Gilda at Sol. Wala siyang kamalay-malay na sabay ding nagtaksil ang mga ito sa kanya at kasabwat pa ang ahas niyang kapatid. May kapalit ang biyayang hatid sa kanya ng anting-anting. Ang kapalit pala nito ay ang pagiging marupok ng kanyang pagkatao at kataksilang dulot ng mga taong malapit sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!