Nadudurog ang Puso ng Batang Ito sa Tuwing Nakikitang Nagpe-pedicab ang Kanyang Ina, Isang Sakripisyo ang Ginawa Niya Para Dito

Hindi malaman ni Gia kung bakit sa tuwing nakikita ang kanyang ina na nagtatrabaho ay tila dinudurog ang kanyang puso. Kahit kasi matanda na ito ay pilit pa rin nitong tinitiis ang pagpadyak ng pedicab kahit sa ilalim ng ulan at tirik ng araw.

“Paglaki ko, ibibili kita ng kotse Nay para di na po napapagod ang paa mo kakapadyak sa pedicab,” ani ng musmos na bata habang minamasahe ang mga binti ng ina.

Ngumiti naman sa maalalahaning anak si Aling Gina. “Huwag mo akong alalahanin anak, mag-aral ka lang mabuti at masaya na ako.”

Sa kabila ng sinasabi ng ina na okay lang ito ay palagi pa rin itong nasa isip ng bata. Iniisip niya kung sa anong paraan niya kaya matutulungan ang ina. Bilang isang bata ay nasasaktan siya dahil tila wala pa siyang magawang malaking bagay upang matulungan ito.

Hanggang sa isang araw ay nakaisip siya ng paraan. Ginagawa niya ang mga project at homework ng mga kapalit nang may bayad. Inipon niya ang mga kinikita doon upang mabilhan ng regalo ang ina. Ilang buwan ang lumipas at tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay nakaipon rin siya ng sapat na pera.

Agad siyang nagtungo sa palengke upang bilhin ang rubber shoes na madalas niyang pagmasdan noon para sa kanyang ina, “Siguradong bagay na bagay kay nanay ito.” Advertisement

Excited niya itong binigay dito.

“Anak paano ka nakabili nito?” nag-aalalang tanong ng ina.

Siya naman ang ngumiti dito, “Huwag mo na po isipin yun Nay, basta suotin niyo nalang po ang kauna-unahang regalo ko sa inyo. Gusto ko po kasi may proteksyon ang paa niyo sa init at lamig.”

Naluluhang nagpasalamat si Aling Gina sa kanyang anak. Kahit musmos pa ang edad ay tila matanda na itong mag-isaip pagdating sa kalagayan nila. Proud siya sa kanyang anak.

Ilang taon ang lumipas at mas lalong naging proud si Aling Gina kay Gia nang sa paglaki nito ay siya pa rin ang naging prayoridad nito. Tinupad nito ang pangako sa kanyang ibibili siya ng sasakyan. Nagkaroon kasi ng magandang trabaho ang kanyang anak. At dahil doon ay unti-unti siya nitong iniahon sa kahirapan.

“Anak salamat sa lahat. Hindi nauwi sa wala ang lahat ng paghihirap ko para sayo.”

Niyakap siya ng hanggang ngayon ay malambing niyang anak, “Wala po yun Nay. Kulang pa po ang lahat ng ito sa mga sakripisyo nyo sakin noon. Mahal na mahal po kita Nay.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.