Praning ang Lalaki Kaya Hirap Siyang Makahanap ng Trabaho, Nang Makilala Niya ang Isang Manunulat ay Nagbago ang Lahat

“Diyos ko! Takot na takot akong bumiyahe. Paano ba nama’y may natanggap ako sa Facebook na message. May magaganap daw na pag-atake ng mga terorista. Hindi na lang siguro ako pupunta sa interbyu ko, Ma.” Saad ni Oliver sa kaniyang Mama Sandra. 

“Diyos ko, anak. Kung wala na tayong paiiralin kundi nerbiyos at takot ay talagang wala tayong mararating sa buhay.” Payo ng ina sa binata.”Nag-iingat lang naman, Ma. Tapos kapag sumabog ang mga laman ko habang nakasakay sa tren, hindi niyo man lang ako masisilayan sa huling pagkakataon. Nakupo kinikilabutan ako kaagad kahit nasa isip ko pa lang ang senaryo.”

Alalang-alala na ang ina sa pagiging praning ng anak. Ilang beses na niya itong dinala sa PGH ngunit wala namang nakitang mali sa utak nito.Hindi na mawari ng ina kung resulta ito ng kakapanood ng anak ng mga palabas na nakakatakot o sadyang ginagawa lamang nito iyon sa kaniyang isip.

Hirap na si Mama Fe sa anak. Ang mga kapatid nito’y nasa ibang bansa nang lahat. Pinasusunod siya ng panganay na kapatid sa Canada upang ipasok sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nito ngunit takot na takot itong sumakay ng eroplano.

“Paano kung mag emergency landing kami sa gitna ng dagat? Nakakapanginig. Kaya ayokong-ayokong sumasakay ng eroplano. Makakita pa lamang ako ng dagat eh nahihilo na ako.” Saad ng nerbiyosong binata.

“Nak, may dadaanan ako sa Makati. Baka gusto mong sumabay? Hindi ba’t mayroon kang puwedeng applyan doon?” Saad ng ina nito.

“Baka naman madaganan tayo ng cement mixer habang nasa maliit na sasakyan no? Wala akong tiwala sa pagmamaneho mo, mama. Napanood ko na yan sa balita e, kaya tuwing makakakita ako ng cement mixer eh para akong hihimatayin.” Wika ni Oliver.

Sa sobrang inis ay agad na lamang lumayas si Mama Fe at hindi na nagpaalam sa anak.

Advertisement

Habang nasa biyahe ay iyak ito ng iyak. Alalang-alala sa tila wala sa katinuan ng anak.

Kumakalam na ang sikmura ni Oliver. Takot na takot itong magutom sapagkat napanood niya kung paano operahan ang isang taong naputukan ng apendiks. Labis na naman ang panghihina nito.

Nang hindi na makatiis ay matulin itong lumabas upang bumili ng pagkain gamit ang bisikleta ng kaniyang namayapang ama. 

Dahil medyo gabi na’y ingat na ingat ito sa pagmaneho ng bisikleta at takot na takot na naman ito dahil baka makita ang ama sa gitna ng dilim habang binabawi nito ang kaniyang bisikleta.

Maya-maya’y tumindig ang mga balahibo sa katawan nito nang makita nga ang amang naglalakad sa gitna ng dilim.

“Papa, please! Tama na po!” Sumisigaw na si Oliver sa takot.

“Hijo, para ka namang bata. Mukhang may edad ka na, ha?” Saad ng lalake.

“Pasensiya na ho. Sakit ko na kasi talaga ito. Lagi akong nakakaisip ng mga nakakatakot o nakakapag-alalang mga bagay. Hindi maubos-ubos ang nerbiyos ko sa katawan!

Advertisement

“Ikaw lang pala kailangan ko, boy. Halika, sumama ka sa akin kung gusto mong magkatrabaho. Oh e baka matakot ka na naman. Baka napapanood o nababasa mo pa nga palagi ang mga likha kong istorya. Ako nga pala si Rico Matto, isang manunulat. May pagawaan din ako ng libro.

“Oho. Katunayan ay idol ko ho kayo.” Tila isang batang tuwang-tuwa si Oliver.

Hindi nito namalayang lumipas na pala ang magdamag. Matapos nilang magkuwentuhan ng lalakeng idolo ay agad nitong ipinasulat sa kaniya ang mga bagay na bumabagabag sa kaniyang isip.

Hangang-hanga ang manunulat na si Rico sa likha ng binata.

Napakadetalyado at ang galing ng pagkakalahad. Nagtayuan ang mga balahibo niya habang binabasa niya iyon.

Sa pagkamangha ay pinalakpakan pa nito ang binata.

Kinabukasa’y agad niya iyong ipinalathala sa dyaryo.Napakaraming tao ang naghahanap ng karugtong ng istorya. Nailathala din ito sa Facebook page ng naturang diyaryo.

Sa init ng pagtanggap ng mga tao’y malaking bonus ang ibinigay ni Rico Kay Oliver. Gulat na gulat ang binata sa natanggap. Tila unang beses lamang niyang nakahawak ng ganoong kalaking halaga. Tila nababawasan na rin ang nerbiyos niya sa araw-araw na pagsusulat sapagkat nailalabas niya ang lahat ng kaniyang takot.

Advertisement

Napansin naman ng isang TV network ang mga kuwento ni Oliver at inalok nila itong gagawan ng pelikula.

Agad-agad pumayag si Oliver at mula noon ay naging sunod-sunod na ang mga proyekto nito.

Abot langit ang pasasalamat ni Mama Fe sa narating ng nerbiyosong anak.

Minsan akala nati’y wala nang direksyon ang ating buhay ngunit kung anong inilaan ng Diyos para sa atin ay tiyak na makakamit natin sa tamang panahon. Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!