Nagtataka ang Kasambahay kung Bakit Napakabuti sa Kanya ng Among Lalaki, Kakaiba Pala ang Nakikita Nito sa Kanya

Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Marianne, dati-rati’y wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, na kahit anong hilingin niya ay agad-agad na nasusunod.Pero dumating ang pagkakataong nagkasakit ang kanyang ama na ngayo’yhindi na makalakaddahil sa ‘di agad naagapang karamdaman, ito lang ang bumubuhay sa kanila.

Dumagdag pa ang pagkasara ng pinapasukan ng kanyang inay. Wala silang magawa ng kanyang kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit sana na niya ang diplomang dapat ay mukukuha na niya ng kasalukuyang taon.

Naaalala niyaang mga masasayang araw na gusto niyang maging abogada ngunit ang pangarap ay tila ang hirap nang maabot ngayon.

Panganay siya sa dalawa niyang kapatid at mula ng magkasakit ang kanyang tatay ay siya na angnag-aalagasa mga itodahil wala ng panahon ang kanyang nanay para mag asikaso pa. Simula noon ay tumutulong pa siya sa pagtitinda ng kakanin sa lansangan.

“Inay makakapagtapos pa kaya ako?” tanong niya sa kanyang inay.

“Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung itoy iyong malalagpasan,” tugon ng kanyang Inay sa kanya.

“Ano na lang kaya kung mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito sa bahay at sa pambili ng gamot ni Itay.”

“Salamat anak! Pero bata ka pa para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako magpuno ng pangangailangan natin.”

Advertisement

Isang araw, “Inay… Inay si itay!” Pabulyaw at humahagulgol na sabi.

Hikbi ni Marianne habang nakaratay ang kanyang Itay na wala ng buhay. Iyon na marahil ang pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanyang Pamilya—ang mawalan ng Padre de Pamilya sa kanilang bahay.

Tulala at malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang pamilya Dela Cruz, pagkatapos ng pagluluksang yaon ay lalong humirap ang kanilang buhay.

Kung dati-rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan, ngayon aynamasukan siya bilang kasambahay. Samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang kapatid. Simula noon ay nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran.

Natuto siyang makisama sa mura niyangedad at doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Minsan na rin siyang natuksong magbenta na lang ng katawan dahil syempre, madali ang pera roon pero naisip niyang hindi iyon ang buhay na gustong ibigay ng kanyang ama sa kanya.

Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan na sa kanyang pagtatrabaho’y inalok ng kanyang amo.

“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” tanong nito sa dalaga.

Biglang napatingin si Marianne sa among matanda.

Advertisement

“Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?” ulit nitong sambit nang hindi siya sumasagot.

Dumaloy ang tuwa sa kanyang katawan, agad siyang napasigaw.

“Oho…!” tugon niya dito.

“Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo, gabi ka na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,”sabi pa ng matanda.

“Maraming Salamat po.”

Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito na lamang ang ipinapakita sa kanya nito. At doon na niya nalaman na may anak na pala ang kanyang amo. Na dapat sanay katulad nang gulang niya pero binawian ito ng buhay sa murang edad dahil sa isang aksidente.

Nakikita ni Sir Franco ang anak nito sa kanya, kaya pala magaan ang loob nito sa dalaga.

“Eh Sir asan po si Maam?”tanong niya rito, ang tinutukoy ay ang asawa nito.

Advertisement

“Simula nong namatay ang aming anak, sinisisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang paalam.” malungkot na sabi nito.

Lumipas ang panahon at naka-graduate si Marianne.

Sa pagkakataong iyon ay inaalay niya ang diploma’t medal sa kanyang mga mahal sa buhay, maging kay Sir Franco na nagbigay sa kanya ng pagkakataon.

Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam. Ang makapagtapos sa pag-aaral. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na di niya inaasahan. Ang pagkamatay ng kanyang itay ay natuto siyang kumilos para lamang mabuhay ang kanyang pamilya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!