Ikinaiinis ng Babae na Kahit Anong Pilit ay Hindi Niya Mapasakay ng Jeep ang Boyfriend Niya, Hanggang sa Malaman Niyang May Masakit Pala Itong Pinagdaanan Dito

Dalawang taon nang magkasintahan si Robert at Rose, nagkakilala sila sa opisina at agad na nahulog ang loob sa isa’t isa. Walang masasabi si Rose sa nobyo, mabait ang lalaki, responsable at masikap sa buhay. Nakilala niya na rin ang nanay nito pero sa video call lang iyon, nasa abroad kasi ang matanda. Alam ni Rose na tapat sa kanya ang lalaki, kahit kailan ay hindi ito nagsinungaling sa kanya, maliban sa isang bagay. Hindi alam ni Rose kung ano ang dahilan at ayaw na ayaw sumakay ng nobyo sa jeep, kilala niya ito na hindi maarte at praktikal pero kapag jeep na ay mas pinipili nitong magtaxi nalang.

“Love, bakit ba kasi? Ang lapit lang o, sayang kung ita-taxi natin, sa jeep 8 pesos lang.” sabi ni Rose dito.

“Malapit lang pala edi maglakad tayo.” sabi ng lalaki, naiinis na siguro ito dahil kanina niya pa pinipilit. Inirapan ito ni Rose at ngumuso siya, aktong nagtatampo.

Tila natauhan naman si Robert at nilapitan ang babae.

“Sorry. Ayaw ko lang talagang magjeep.” sabi ng lalaki sabay akbay sa nobya.

Pinalagpas ni Rose ang pagkakataong iyon pero habang tumatagal ay nanggigigil ang babae na malaman kung bakit ayaw nitong sumakay sa jeep.

Bumisita ang nanay ni Robert sa Pilipinas, syempre masaya si Rose dahil for the first time ay makikilala niya ang ina ng mahal na boyfriend, mabait ang ginang at mahigpit siyang niyakap nito pagkakita nila sa airport. Pagkatapos kumain sa isang restaurant ay agad silang dumiretso sa bahay ng mga ito para makapagkwentuhan pa. Mabilis silang nagkagaanan ng loob, manugang na nga ang tawag sa kanya nito na ikinakilig naman ni Rose dahil sinabayan iyon ng kindat ni Robert.

“Noong bata yan ay lahat ng madampot kinakain! Kahit nga panty kong marumi, naiwanan ko sa kama, paglingon ko ay nasa bibig na niya,” tawa ng tawang sabi ng nanay ni Robert, humahalakhak rin si Rose.

Advertisement

“Ma, wag mo naman akong pahiyain. Saglit lang ang sakit ng tyan ko,” bagamat gusto pang makipagkwentuhan ay kailangan pumunta ng banyo ang lalaki kaya tumayo ito at tumungo roon.

“Ayun pa, noong lumaki laki, siguro ay mga 4 years old, palaging bitbit ng ama niya yan mamasada sa jeep, nako! hindi humihiwalay iyan sa papa niya kahit gabi na gumagarahe.” nakangiti ang matandang babae sa pagkwento, tila ba nakikita nito ang nakaraan.

Bigla namang naalala ni Rose ang jeep, kaya naisip niyang baka alam ng ginang kung bakit ayaw ng lalaki sumakay sa jeep samantalang jeepney driver pala ang ama nito dati.

“T-tita, kung jeepney driver po ang dad ni Rob, bakit kaya ngayon ay ayaw niyang sumakay sa jee-” hindi pa man tapos magsalita si Rose ay pinutol na siya ng matanda. Nawasak ang puso niya sa narinig.

“5 years old si Robert ko, naholdap ang jeep nila ng papa niya, nagmakaawa ang papa niya na wag silang sasaktan at kunin na lang ang pera. Pero hinablot ng mga holdaper si Robert at doon nanlaban ang papa niya, kaya binaril ito, sa harap niya mismo..Pagkatapos non ay ilang linggong hindi nagsalita ang anak ko, napakasakit sa kanya ang nangyari..” naluluha na ang ginang. Niyakap niya ito, saktong dating naman ni Robert mula sa banyo.

“Anong nangyayari dito, bakit may drama na?” biro nito sa kanila, agad tumakbo si Rose papunta sa nobyo at niyakap ito.

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit pilit niyang inaalam ang dahilan ng hindi pagsakay nito sa jeep ngunit pilit din nitong iniiwasan na mapag-usapan ang bagay na iyon. Napakasakit pala ng nakaraan ng kanyang nobyon.

Ipinangako ni Rose sa sarili na kailanman ay hindi muling makakaranas ng ganoon kasakit na karanasan ang nobyo. Siya ang makakalaban ng mundo kapag may nanakit dito.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!