Akala ng Lalaking Ito na Swerte na Siya sa Buhay dahil sa Kayamanang Mayroon Siya, Hanggang sa May Tumambad sa Kanyang Isang Bagay na Nakapagpabago ng Paniniwala Niya

Nagtatrabaho sa isang opisina sa Quezon City si Harold. Isa siya sa mga taong ipinanganak nang mayaman, hindi niya naranasan ang magsimula sa ibaba upang makamit ang pangarap, may posisyon na siya kaagad sa kumpanya dahil isa ang tatay niya sa mga boss doon. Mayroon siyang sariling kotse at bahay.

Palagi siyang napapadaan sa mga construction site at nakikita niya ang mga workers doon, kung gaanong hirap na hirap ang mga ito sa pagbuhat at paghalo ng semento.

“Siguro ay naiinggit sila sa buhay ko, kasi look at me, I have everything.” sabi ni Harold sa sarili habang nakangisi at tahimik na nagmamasid sa mga workers.

Pagdating sa opisina at tambak na agad ang trabaho niya, pipirmahan dito, pipirmahan doon. Meeting dito, meeting doon. Pagod na pagod ang utak ng lalaki at ni wala siyang oras para kumain. Maghapon lang din siyang nakatutok sa laptop niya, walang oras para magpahinga. Ganito siya araw araw, pag uwi sa bahay ay sinusundan pa rin ng trabaho.

Isang hapon, habang papunta sa business meeting na gaganapin sa di kalayuang hotel, napagmasdan muli ni Harold ang mga construction worker, tila ba breaktime nila. Traffic naman kaya nagkaroon siya ng oras na aralin ang mga ito.

Ang isa ay payapang nakahiga sa gilid, ang dalawa at masayang nagkukwentuhan. Ang iba naman ay nagtatawanan, iba iba ang ginagawa ng mga ito pero lahat sila ay nakangiti. Biglang napaisip si Harold.

Nasa kanya na lahat pero ni hindi siya makangiti. Ang mga ito, pag uwi galing sa trabaho ay matutulog na pero siya, kahit nakahiga sa kama at nag iisip pa rin. Ang mga ito, masaya na sa maliliit na bagay, pero siya, hindi marunong makuntento.

“Mali, ako pala ang naiinggit sa kanila.” wika niya sa sarili.

Advertisement

Anong aral ang napulot mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.