Ikinairita ng Babae na Pinapabayaan Lamang Mag-ingay ng Ama ang Kanyang mga Anak, May Masakit Palang Dahilan ang Ama Kung Bakit Pinapabayaan ang mga Ito

Naghihintay sa terminal ng bus pa-Cavite si Sarah. Panggabi ang trabaho niya sa Quezon City, inis na inis na siya dahil naiwanan na siya ng punuang bus at kailangan niya na namang hintayin ang susunod na byahe. Wala pa siyang tulog at nakadagdag sa sakit ng ulo niya ang init ng paligid.

“Papa! Takbo kami ni Lorraine ah!” sabi ng isang bata na nasa 7 taong gulang.

“Sige anak laro lang kayo basta hindi lalayo, dyan lang kayo sa nakikita ko.” bilin naman ng ama ng mga ito.

Nagtatakbuhan at nagtatawanan ang mga bata sa unahan ni Sarah. Dahil na rin siguro sa kawalan ng tulog ay napairap siya dahil nakakarindi ang mga ito.

“Bwisit!” mahinang sabi niya.

“Sige lang anak,” sabi naman ulit ng tatay ng mga bata.

Ano bang klaseng tatay ito at pinapabayaang mag ingay at maglikot ang mga anak?!

“Papa o tinataas ko panyo ko!” sabi naman ulit ng isa pang bata na masayang ipinakita sa ama ang pag ikot ng makulay nitong panyo.

Advertisement

“Ganda nga, galing naman anak!” sabi ulit ng ama.

Hindi na nakatiis si Sarah at nilapitan ang ama.

“Sir, pwede po sawayin nyo naman na wag masyado pong malikot?” sabi niya sa lalaki.

“Sorry miss, nire-ready ko lang kasi ang mga bata.” malungkot na sabi ng lalaki.

Hindi naman sumagot si Sarah, pakialam niya ba kung saan nito inihahanda ang mga anak. Umirap lang sya at handa nang umalis nang magsalita ang lalaki.

“Sorry miss. Galing kasi kami sa PGH, tinapat na ako ng doktor na hindi na magtatagal ang mama nila. Hinahayaan ko na silang magsaya kasi pag uwi namin sasabihin kona sa kanila ang masamang balita..”

Napahiya si Sarah.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.