Nagdududa ang Misis sa Pagmamahal ng Kanyang Mister, Matindi ang Isinakripisyo ng Lalaki Para Mapatunayang Tunay ang Pag-ibig Nito

Mag-iisang taon pa lamang na mag asawa si Helen at James, magaling sa negosyo si James kaya nag resign na siya bilang empleyado at nagfocus sa business nilang dalawa ng misis. Hindi masyadong malambing ang lalaki, sa totoo lang ay bibihira lang itong magsalita, minsan nga ay naiinis si Helen dahil akala niya ay di siya pinakikinggan ng asawa sa lahat ng kwento niya rito pero ang totoo ay mataman pala nitong tinatandaan bawat salitang sabihin niya.

Naiinggit rin si Helen sa mga kaibigan niyang malalambing ang mister, iyon bang tipong showy. Iyong ihoholding hands siya sa labas, sasabihan siya ng mga mabubulaklak na salita bilang patunay ng pag-ibig nito. Minsan lang maglambing ang asawa niya, paulit ulit pa ang sinasabi nito.

“Love, gaano mo ako kamahal?” naglalambing na tanong niya isang gabing nakahiga siya sa kama, ang mister niya ay abalang nagbabasa ng libro habang nakasandal sa headboard ng kutson.

“Ipapakita ko sa’yo ang mundo,” sabi ng lalaki.

Sus, yun na naman ang sagot niya! Ano ba yan, ni hindi man lang nag iisip ng iba, ‘kakairita, sabi ni Helen sa kanyang sarili. Di niya rin mapigilang umirap.

“O bakit? Bakit nakasimangot ka dyan?” natatawang tanong ng mister niya.

“Wala..aray ko,” sabi niya sabay kusot sa kanyang sentido.

“What’s wrong?” bigla namang napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ni James.

Advertisement

“Ang sakit sakit ng ulo ko, ikuha mo ako ng paracetamol please,” sabi niya. Siguro ay sa sobrang pagod ito, kung anu ano pa kasing inaatupag niyang pag-iinarte imbes na matulog na lang.

Matapos uminom ng gamot ay umigi nang kaunti ang pakiramdam ni Helen, bagamat may nararamdaman pa rin siyang tila ba tumitibok sa gilid ng dalawang mata niya.

Makalipas ang isang buwan, naglilinis ng bangus na uulamin nila si James habang si Helen naman ang naghihiwa sa mga rekadong ilalagay sa loob noon nang maisipan na naman ng babae na tanungin ang asawa, nagbabakasakali siyang maganda at bago ang isagot nito.

“James, honey, gaano mo ako kamahal?” tanong niya, nakangiti pa at naghihintay ng mahabang sagot, mala-Romeo at Juliet ba.

“Ipapakita ko sayo ang mundo,” simpleng sagot nito, tapos ay itinuloy na ang paglilinis sa bangus.

Napabuntong hininga na lang si Helen, ang mister niya talaga- man of few words.

Kinabukasan, nagising si James sa iyak ng kanyang asawa, hindi malaman ng lalaki kung ano ang gagawin.

“James! Oh my God! Bakit wala ako’ng makita?!” sigaw ni Helen, naghihisterikal na ito sa kama nila at pilit kinukusot ang dalawang mata.

Advertisement

Agad niyang binuhat ang misis at isinugod sa ospital, sa sobrang taranta niya ay hindi niya masyadong naintindihan ang mga salitang sinasabi ng doktor na tumingin dito.

Ang alam niya lang, na-damage na ang parehong mata ng misis niya at bulag na ito. Abala sila pareho sa negosyo kaya baka inisip ng babae na normal lang ang madalas na pagsakit ng ulo.

“James, ano raw ang sabi ng doktor?” naiiyak na sabi ni Helen.

“May aayusin lang daw sa’yo. Kailangang operahan, tapos babalik na ang paningin mo,” sabi ni James.

Inoperahan si Helen at kinailangang manatili sa ospital sa loob ng isang buwan. Buti na lang ay naroon din ang mga magulang nila upang umalalay sa dalawa, masyadong maraming kailangang asikasuhin.

“Ayan na, ready, dahan dahan lang ang dilat ha, open your eyes pagbilang ng tatlo..” sabi ng doktor. Inaalis na nito ang bendang nakatakip sa mga mata ni Helen.

Masaya ang babae, buti ay di siya tuluyang nabulag.

1…….2…….3…..

Advertisement

Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata, may mga anino siyang naaninag. Nag adjust pa ang mga mata niya sa liwanag ng silid na iyon, may kaunti siyang hapding nararamdaman pero kaya niya namang tiisin ang sakit.

“Ma! Mama!” agad na tawag niya sa matandang babae na lumuluha sa unahan niya, niyakap siya nito. Ganoon rin ang kanyang kapatid at mga biyenan.

“Congratulations honey..” sabi ng pamilyar na boses, ang mister niya. Aba, na-miss niyang makita ang gwapong mukha nito!

Hinanap ng paningin niya ang asawa, nagtaka siya dahil naroon lang ito sa isang gilid, nakangiti at.. nakaupo sa wheelchair?

“Hon? What happened? Naaksidente ka ba?” nag aalala niyang tanong, nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi dahil nasa ospital siya at di niya na naaalagaan ang asawa.

Inalalayan pa siya ng nurse na makalapit dito, umiiyak ang lahat ng nasa paligid nila.

Nagtangkang tumayo ang lalaki upang salubungin siya pero hirap ito, kumakapa kapa pa ng mahahawakan. Kumunot ang noo ni Helen, hindi siya nakikita ng asawa. Nahawakan niya ang dibdib nang magsalita ang doctor.

“Sir James, wag mo munang pwersahin, masasanay ka rin sa dilim. Buti nga at nailipat agad ang mata mo kay misis dahil pag nagtagal na walang donor ay baka maapektuhan na ang iba pang cells sa eye socket niya, at wala nang pag-asang makakita siya,” sabi nito.

Advertisement

Ano?!

“B-bakit.. ano’ng..” nanghihinang sabi ni Helen.

Ngumiti si James at nagsalita, “Ipapakita ko sa’yo ang mundo,”

Ganoon siya kamahal ng asawa. Ipapakita sa kanya ang mundo, kahit pa ang kapalit ay hindi na nito makita iyon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i- like lamang ang aming Facebook page.