Wala sa Edad ang Pag-ibig

Naka-shades na lumabas ng kanyang bahay si Paz, 42 taong gulang, biyuda, mayaman, at successful sa kanyang career. Wala na siyang iniintindi sa buhay.

Maayos ang takbo ng kanyang kompanya na iniwan sa kanya ng yumaong asawa, matagumpay na rin ang kanyang mga anak na nasa iba’t ibang bansa. Siya na lamang ang naiwan sa Pilipinas, kaya nalulungkot siya dahil pakiramdam niya, mag-isa na lamang siya.

Ngayong umaga, magpapakasaya siya. Makikipagkita siya sa kanyang mga amiga. Subalit ayaw niyang ipahalata sa kanyang mga amiga ang kalungkutang nararamdaman. Ayaw niyang ipakita ang kanyang kahinaan. Gusto niyang ipakitang malakas siya, at hindi niya kailangan ng panibagong lalaki sa buhay niya para sumaya.

Dumating si Paz sa coffee shop. Sinalubong siya ng beso-beso ng kanyang mga amigang sina Dolor, Rowena, at Cielo. Gaya niya’y mayaman din ang mga ito at matagumpay sa negosyo. Si Dolor ay may boyfriend na gym instructor, habang sina Rowena at Cielo naman ay happily married.

“Paz! Kumusta ka naman ngayon? Parang hindi ka blooming today?” tanong sa kanya ni Rowena. Ito ang may pinakamatabil ang bibig sa kanilang magkakaibigan.

“Excuse me, Weng, I just had my facial yesterday. Can’t you see it?”

“Masyado ka namang pikon! Binibiro lang kita eh. I think kailangan mo ng someone na magdidilig sa iyo,” pang-aalaska ni Rowena.

Sumabat naman si Dolor. “Guys, that’s enough, baka kayo magkapikunan! Ang wrinkles! Anyways, Paz, ready ka na ba?”

Advertisement

“Ready saan? Well, I’m always ready kahit ano pa iyan,” tinitigan niya nang medyo matalim si Rowena. Bahagya siyang nasaling sa biro nito sa kanya na mukha na siyang “tuyot”.

“Well, mamaya…”

Naputol ang sasabihin ni Dolor nang may pumasok na isang napakagwapong lalaki. Matangkad, matipuno, maputi. Malakas ang sex appeal. Mukhang nasa 20’s lamang.

“He’s here. Paz, I’d like you to meet Gilbert. Gilbert, she’s Paz,” pagpapakilala ni Dolor sa isa’t isa. Malagkit ang mga sulyap ni Gilbert kay Paz.

Napakunot-noo si Paz. Kakaiba ang tingin sa kanya ng tatlong mahaderang kaibigan. Palihim niyang tinext si Dolor. “What’s this?”

Nagreply ito: “A blind date. Alay namin sa iyo. Enjoy!”

Walang nagawa si Paz kundi makipag-usap kay Gilbert. Gwapo talaga ito. Kaya lang, nag-aalangan siya dahil halos kalahati ang edad niya rito. Halatang-halatang malayo ang kanilang edad sa isa’t isa. Ayaw niyang isipin ng lahat na “May-December Affair” sila.

Umalis na ang tatlo niyang amiga, at naiwan sila ni Gilbert sa coffee shop. Hindi niya alam kung bakit sila pinagtitinginan ng mga tao at barista. Dahil siguro sobrang gwapo ni Gilbert, o kaya naman, iba na ang tumatakbo sa isipan ng mga tao.

Advertisement

“Pwede ba tayong magkita ulit, Paz?”

“Why?”

“Because I like you…”

“I’m older than you, obviously.”

“I’m into older women. I mean, older than me.”

Napatingin si Paz sa mapupungay na mga mata ni Gilbert. Matanda na siya, at alam niyang mangilatis ng mga tao. Sa tagal niya sa negosyo, alam na niya ang karakas ng mga taong nanggagamit lang. Pero sa mga mata ni Gilbert, hindi niya mabasa ito.

Let’s give it a try, naisip ni Paz. Wala naman sigurong mawawala. Lumabas sila ni Gilbert. Kahit kaya naman niyang magbayad, nakikihati ito sa mga paglabas nila. Sinasamahan siya nito sa madyongan, sa casino, at sa iba pang mga social gatherings na pinupuntahan niya. Napagkakamalan tuloy itong escort.

Marami ang nagdududa sa sinseridad ni Gilbert kay Paz dahil sa agwat ng kanilang edad. Nabalitaan na rin ng kanyang mga anak ang paglabas nilang dalawa. Nilinaw naman ni Paz na magkaibigan lamang sila ni Gilbert. “Taga-dilig” lang daw, sabi nga ng kanyang mga amiga.

Advertisement

Hanggang sa isang araw, malubhang nagkasakit si Paz. Naospital siya. Tatlong araw siyang na – confine sa ospital. At walang ibang nag-asikaso sa kanya kundi si Gilbert. Lumiban pa ito sa kanyang trabaho upang alagaan lamang siya. Iyon ang naging hudyat para mapagtanto ni Paz na gusto niya si Gilbert, at mabibigyan siya ng pagkakataong magpakasal ulit, gagawin niya.

“Gilbert, magpakasal na tayo.”

Nagulat si Glibert. “Anong sabi mo?”

“Ang sabi ko, pakasal na tayo. Ako na ang bahala sa kasal.”

At kinasal nga sina Paz at Gilbert sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga anak. Masaya silang nagsama, at walang naging problema, kahit na sabihing “May – December Affair” sila. Napagtanto nilang wala naman talaga sa agwat ng edad ang tunay na pagmamahalan.

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.