Hindi Sinipot ang Dalaga ng Lalaking Mapapangasawa sa Araw ng Kasal, Ang Tadhana Pala ang Magdadala ng Lalaking Nakatakda sa Kanya

Ang araw ng kasal ang pinakamasayang araw na ginugunita ng mga nagmamahalan at nais bumuo ng sariling pamilya.

Pero para kay Tabitha ito ang araw kung kailan hindi siya sinipot ng kaniyang mapapangasawa. Ang araw kung kailan pinahiya siya sa harap ng maraming tao. Kung kailan nilipad ng hangin ang kanilang pagmamahalan. Mali nga pala. Siya lang ang nagmahal.

“Hindi kita minahal. Akala ko magagamit ko ang reputasyon mo para umangat pero wala pala akong mapapala sa iyo.” Iyan ang text na natanggap niya sa lalaki nung hindi siya sinipot sa simbahan.

Gumuho ang mundo ni Tabitha. Dahil sa labis na dalamhating nararamdaman ay nagpakalayu-layo muna siya sa lahat nang nakapagpapaalala ng nakaraan nila ng kaniyang dating kasintahan. Imbes na lalong pahirapan ang kaniyang sarili ay naisipan na lang niyang maglibang.

Nagustuhan ni Tabitha ang unang bar na napasukan niya. Maganda ang mga pinapatugtog ng DJ. Hindi niya napigilan na pumunta sa dancefloor at sumayaw. Nung mapagod ay pumunta siya sa bar para bumili ng maiinom. Dahil nasarapan sa kaniyang unang baso ay hindi niya namamalayan na napaparami na ang kaniyang iniinom at kung anu-ano na ang ginagawa niya.

Parang inuumpog sa pader ang ulo ni Tabitha nang nagising siya kinabukasan. Nilingon niya ng mabilis ang kaniyang kapaligiran. Hindi niya alam kung paano siya napadpad dito. Tulayan siyang nagising ng biglang may humigit sa kaniyang bewang.

“Ah! Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ang damit ko?” Sabay hablot sa kumot para takpan ang kaniyang katawan.

Matapos mag-ayos ng sarili ay ipinaliwanag ng lalaking nagngangalang Brent ang lahat kay Tabitha. Nag-gatecrash siya sa birthday party ng lolo nito sa restaurant malapit sa bar na pinuntahan niya. Kinantahan niya ng birthday song ang matanda at binigay ang pinakaaasam na regalo nito, ang makasal ang paboritong apo na si Brent. At dahil may huwes na kabilang sa mga panauhin ay hindi na ito pinatagal ng matanda.

Advertisement

Bilang patunay ay ipinanood pa nito kay Tabitha ang video ng selebrasyon kung saan siya mismo ang nagboluntaryong magpakasal sa kaniya. Ang kinalaki ng mga mata ni Tabitha ay nang marinig niya ang ipinangako niya sa lolo ni Brent.

“Para mas masaya ay dadagdagan ko ang aking regalo, bibigyan ko kayo ng apo sa tuhod!”

Hindi pabor ang mga magulang ni Tabitha sa annulment. Baka itakwil siya pag hiniwalayan niya si Brent. Maliban pa doon ay nalaman niyang may sakit sa puso ang matanda. Baka ikamatay nito kung babawiin niya ang mga pinagsasabi at ginawa niya sa kaarawan nito. Walang nagawa si Tabitha kung hindi ipagkibit balikat na lang ang lahat. Wala nang mawawala sa kaniya lalo’t may nangyari na sa kanila. Pero mas maganda sana kung mahal nila ang isa’t-isa.

Isang araw ay isinama si Tabitha ng asawa sa kompanya nito. Dahil sa lakas ng volume sa earphone habang naglalaro ng mga games sa computer ay hindi niya narinig ang pagpasok ng dati niyang nobyo. Nawala sa isip niya na dito pala ito nagtratrabaho. Kaya pala pamilyar sa kaniya ang mukha ni Brent ay dahil boss ito ng dating kasintahan.

“Anong ginagawa mo dito? Sisiraan mo ako sa boss ko? Gusto mong gumanti? Sinabi ko na sa iyo na hindi kita mahal! Ginamit lang kita!” Sigaw nito sa kaniya habang kinakaladkad siya palabas ng opisina.

Natahimik ang dating kasintahan ni Tabitha nang biglang bumukas ang elevator lulan si Brent at tinitigan ito ng masama.

Natahimik ang dalawa nang biglang bumukas ang elevator lulan ang kaniyang asawa.

“First of all, thank you. If not for what you’ve done I will not be given the chance to love her, more so, marry the girl of my dreams. Secondly, you are fired.”

Advertisement

Pagkatapos ay binuhat ni Brent si Tabitha pabalik sa opisina at aligagang ginamot ang kaniyang mga sugat.

Lingid sa kaalaman ni Tabitha ay matagal nang may pagtingin si Brent sa kaniya. Hindi niya lang ito sinusuyo dahil ang buong akala nito ay masaya siya sa piling ng nobyo. Ngayon na asawa na niya ang babae ay ipaparamdam niya dito kung gaano niya ito kamahal ng sa gayon ay hindi nito pagsisihan ang pagpapakasal sa kaniya at mahalin siya nito ng higit pa sa pamamahal nito sa dating nobyo.

Sa iyong palagay, matagal na kayang kilala si Tabitha ng kaniyang asawa? Paano kaya nahulog ang loob nito sa kaniya gayung hindi naman sila nagkakausap dati? Sinamantala ba ng asawa ni Tabitha ang kaniyang kalasingan para mapakasalan siya? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.