Pilit na Binuksan ni Misis ang Telepono ni Mister Para Tignan Kung May Babae Ito, Sa Huli ay Isang Leksyon ang Kaniyang Makukuha

“Tandaan mo lahat ng lalaki ay babaero, nature na nila ang mambabae!” umiiyak na pahayag ni Camille.

“Huwag mo naman lahatin best, hindi naman ganun si Mark. Kaya ka niloko niyang jowa mo dahil hindi pa kayo kasal, wala pa kayong responsibilidad kaya buhay binata pa,” baling naman ni Shiela.

Image courtesy of www.google.com

“Hay naku, alam mo ba ang mga password ng social media accounts ni Mark? Kung hindi ay kabahan ka na! Doon mo makikita kung gaano kalandi ang mga lalaki!” saad namang muli ni Camille.

Niyakap na lang niya ang matalik na kaibigan at tinapik-tapik sa likod. Nahuli na naman kasi ni Camille na may ibang babae ang nobyo nito. Pang ilang kasintahan na ito ng kaibigan ngunit palagi na lang nahuhuli na may iba.

Image courtesy of www.google.com

“Hon, lahat ba talaga ng lalaki babaero?” tanong ni Shiela sa asawang kakauwi lamang galing sa trabaho.

“Kakarating ko lang yan agad tanong mo sa akin. Well, sabi nila men are naturally polygamous kaya baka totoo,” sagot naman ni Mark sa babae.

Image courtesy of www.google.com

“So may babae ka rin ba?” saad naman ni Shiela.

“Oh sabi ko na e, sa akin na naman balik niyang tanong mo. Nag-usap na naman kayo ni Camille kaya ka ganyan? Kung ano-ano na naman tumatakbo diyan sa isip mo,” wika naman ni Mark.

Advertisement

“E hindi mo naman sinagot ang tanong ko,” baling muli ni misis.

“Wala Shiela, wala akong babae at hindi ako mambabae,” pahayag ni Mark at umupo sa sofa.

“Kung wala, anong password mo sa Facebook?” hindi pa rin tumigil ang babae.

“Tigilan mo na nga ako Shiela, kung ano-ano na lang!” bulyaw naman ni Mark.

Natahimik si Shiela at naghanda na lang ng kanilang hapunan ngunit hindi niya maalis sa sarili na mag-isip.

“Hindi siya nagbigay ng password tapos siya pa galit, sh*t ka Shiela! May babae na si Mark nang wala kang kaalam-alam,” bulong niya sa sarili.

Nagsimulang maghinala ang babae, araw-araw na niyang inaamoy ang damit ni mister pati nga mga resibo na nakikita sa bag ay maiigi niyang tinitignan na hindi naman niya gawain noon.

Image courtesy of www.google.com

Pati ang sasakyan nila ay tinitignan niya kung may buhok ng babae sa passenger’s seat at kung ano-anong pangpupulis makasigurado lang talaga siyang walang babae ang mister.

Advertisement

Hindi sumuko si Shiela sa pag-alam ng password ng Facebook at messenger ng asawa. Kaya isang gabi habang tulog ito ay palihim niyang kinuha ang telepono ng mister at inilagay ang daliri nito upang mabuksan.

Halos mag-iisang oras na siyang nagtitingin ng mahuhuli sa asawa ngunit bigo siya dahil wala naman itong makita.

Image courtesy of www.google.com

“Wala namang kakaiba dito e bakit ayaw niya sabihin sa akin ang password?!” isip-isip ni Shiela habang hawak hawak ang telepono.

Image courtesy of www.google.com

Nagulat na lang siyang gising na si Mark at tinititigan lang siya habang hawak ang telepono nito.

“Oh ano may nakita ka ba?” tanong ng lalaki.

“Kanina ka pa ba gising? Sorry, wag ka magalit, please,” saad naman ni Shiela sa asawa.

“Gusto ko lang naman makasigurado na wala kang babae, lahat kasi ng mga kaibigan ko ay may babae ang asawa nila. E ayaw mo pang ibigay ang password mo so kaya naghinala ako, sorry hon,” dagdag pa ng babae at nakayuko ito.

“Shiela, hindi ibig sabihin na nangyayari sa mga kaibigan mo e mangyayari din sa atin. Kung nambababae yung mga asawa nila e hindi ibig sabihin na ganun rin ako. Tayo ang magdedesisyon sa magiging relasyon natin, kung bibigyan mo ako ng rason para maghanap ng iba e baka magkaroon nga ako ng other woman,” baling ni Mark at saka siya bumangon.

Advertisement

“Kaya hindi ko binibigay ang password ko sa’yo dahil privacy ko yan. Hindi ibig sabihin na mag-asawa na tayo ay hindi na natin igagalang ang space ng bawat isa. Asan na yung sinasabi mo dati na wag nating kalimutan yung mga sarili natin kahit mag-asawa na tayo? Wala na, kasi nalason na yung isip mo sa mga naririnig mo sa kaibigan mo,” dagdag pa ng lalaki at humarap siya sa asawa.

“Wala akong babae at wala akong iba. Kung wala kang tiwala sa akin, walang mangyayari sa relasyon natin. Mahal kita at sana wag mong bigyan ng lamat ang tiwala natin sa isa’t-isa, ‘wag mo akong sakalin. Asawa mo ako, hindi ako laruan o empleyado na pwede mong bantayan bawat oras at bawat galaw, hayaan mo akong makagalaw sa mundo ko. Pagkatiwalaan mo ako dahil ganoon rin ako sa’yo,” wika pang muli ng lalaki at hinawakan ang mukha ni Shiela.

“Patawarin mo ako hon, hindi na ako makikinig sa iba,” pahayag naman ng babae sabay yakap sa asawa.

Mula noon ay hindi na inulit ni Shiela ang pamumulis niya sa asawa lalo na’t nakikita naman niyang mahal na mahal siya nito.

Lagi nating tatandaan na ang kwento ng ibang tao ay hindi mo kuwento. May sariling tugtog at musika ang buhay natin, may sariling tamis at alat ang bawat relasyon kaya nasa atin rin kung paano ito titimplahin upang tumagal at hindi masira.