Recipe ng Nanay Ko

Bata pa lang ay kinagisnan na ni Annabel ang masasarap na luto ng kaniyang nanay. Kaya nga ngayon magkokolehiyo na siya ay nais din niyang pasukin ng industriya ng pagluluto.

“Ma, culinary arts ang kukuhanin ko. Kasi gusto kong maging kasing galing niyong magluto!” saad ni Annabel sa kanyang ina.

“Alam mo, wala naman sa mga eskwelahan ang pagiging magaling na pagluluto kasi nasa puso iyon. Kahit gaano pa ka-engrande ang mga ihahanda mo pero kung kulang sa puso ay hindi talaga magiging masarap,” saad ni Aling Mirasol habang nagluluto, ang nanay ng dalaga.

“Kaya ito, bilang magkokolehiyo ka na at alam kong mas marami kang matututunan doon ay uunahan ko na sila. Sana magustuhan mo iyan anak,” dagdag pa ng ale sabay abot sa isang itim na kuwaderno.

“Ano ito mama?” tanong ng dalaga.

“Lahat ng recipes na alam ko, lahat ng teknik, oras, sukat at maging mga sikretong sangkap ay inilagay ko diyan. Alam kong darating ang araw na magagamit mo iyan sa pagluluto kaya sana anak ingatan mong maiigi,” sagot ni Aling Mirasol.

Mabilis na niyakap ng dalaga ang kaniyang nanay, tuwang-tuwa si Annabel sa kaniyang natangap dahil ramdam na ramdam niya ang bawat pahina ay isinulat ng buong puso.

Sikat si Aling Mirasol sa kanilang lugar, napakagaling kasing magluto talaga ng ale. Siya ang kinukuha kapag may pistahan o malalaking okasyon, maging ang mga catering ay inaawitan din siya upang sa kanila na magluto. Kaya lamang ay tinangihan ito ng ale at mas inasikaso ang maliit niyang karinderya sa palengke.

Advertisement

“Aling Mirasol, pwede po bang makahingi ng agahan ulit sa inyo? Wala ho kasi kaming nabentang kalakal kagabi,” malungkot na sabi ni Birong, isa sa mga batang palaboy sa kanilang lugar na ang trabaho ay mangalakal ng basura, bote at diaryo.

“Naku naman itong si Birong nagpaalam pa, isama mo na yung kapatid mo dito. Kahit hindi na kayo magsabi sa akin, basta’t umupo lang kayo diyan ay bibigyan ko kayo ng pagkain,” sagot ng ale.

“Mabuti na lang talaga,nandito si Aling Mirasol sa palengke dahil kung sa mamahaling restawran siya nagtratrabaho ay malamang gutom na kami at hirap pa sa buhay,” singit naman ni Aling Alfred, isang traysikel drayber.

“Sus, binola-bola niyo pa ako. Magsikain na kayong lahat!” nakangiting sagot ng ale.

Mga palaboy, pulubi, matatanda at trisikel driber ang mga kumakain sa karinderya ng ale. Bukod sa napakamura lamang ng tindi niyang mga ulam ay napakabusilak din ng puso nito. Hindi nga raw siya yumaman nang dahil sa walang humpay na pagtulong niya sa mga tao. Sapat na kasi sa kaniyang may naitabi siya sa pag-aaral ni Annabel at yun ang konsepto niya ng pagkakaroon ng maayos na buhay.

Lumipas ang tatlong taon at malapit nang makapagtapos si Annabel kaya lamang kasabay din noon ang paghihina ng kanyang ina.

“Ma, isarado mo muna kaya ang karinderya? Wala ka ng pahinga e, tingnan mo nagkakasakit ka na,” pahayag ni Annabel sa ale.

“Anak, kapag sinarado ko ang karinderya ay maraming magugutom na bata,” saad naman ng ale.

Advertisement

“E paano naman ako? Baka ako naman ang mawalan ng nanay niyan sa ginawa mo. Hindi pwede, hindi ka na magbubukas ng karinderya. Dito ka na muna sa bahay hanggang sa gumaling ka,” baling ng dalaga.

“Anak, kapag ba nawala ako ay ipagpapatuloy mo ang karinderya natin?” tanong ng ale.

“Ma, seryoso? Ganyan agad ang mga tanungan mo, hindi ka pa mawawala!” balin muli ng ale.

“Hindi pa nga, pero gusto ko lang sana malaman kung ipagpapatuloy mo ba,” saad muli ni Aling Mirasol.

“Ma, tingnan mo ha. Nagculinary arts ako, halos magkakalahating milyon na yung nagagastos natin sa pag-aaral ko kung tutuusin, tapos gusto mong ipagpatuloy ko iyong karinderya? Alam kong doon mo ako binuhay, pero hindi ko kayang magpakain lang ng libre para sa tinapos ko,” paliwanag ng dalaga.

“Well, ipagpapatuloy ko pala siya pero hindi ako ang magluluto. Magha-hire na lang ako,” dagdag pa nito.

Hindi sumagot ang ale at tumango na lang ito sa kaniyang anak. Kinahapunan, nang umalis si Annabel ay pinilit na tumayo ng ale kahit pa napakasama ng pakiramdam nito. Nagpunta sa karinderya at balak sana niyang magluto, nang biglang bumagsak si Aling Mirasol.

Mabilis na isinugod ng mga traysikel drayber ang ale sa ospital at mabilis din na nakarating si Annabel nang makarating sa kaniya ang balita.

Advertisement

“Inatake sa puso ang nanay mo, mabuti na nga lang at mahina lang at kinaya niyang mabuhay pa. Pero naging malakas ang pagkakabagok ng kaniyang ulo kaya hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon, comatose pa ang nanay mo,” paliwanag ng doktor.

Hindi nakapagsalita si Annabel na-iyak na lang ito sa sama ng loob. Bukod sa malaking pera na kailangan nila ay napapabayaan ng dalaga ang kaniyang pag-aaral. Matagal na kasing byuda ang kaniyang nanay kaya naman silang dalawa na lang talaga sa buhay.

“Ma, gising ka na. Paano pa ako makakapagtapos niyan kung natutulog ka lang dito, sige ka mahuhuli ako ng martsa,” wika ni Annabel sa kaniyang ina.

“Annabel, kami na muna ang magbabantay sa nanay mo,” wika ni Mang Alfred.

“Sino ho kayo?” mataray na tanong ng dalaga.

“Ah, isa kami sa mga tinutulungan ng nanay mo sa palengke. Nung nabalitaan namin na nasa ospital siya ay agad kaming nag-ambagan ng. Sana makatulong iyan, kahit kaunting halaga,”saad pang muli ng lalaki sabay abot sa isang bag na puno ng barya at mga papel na pera.

“Dinodoble ko na ho yung pangangalakal ko Aling Mirasol para naman makatulong ako sa inyo. Kaya sana gumising na po kayo kasi namimiss na ng tiyan namin ang masarap na luto niyo,” wika ng batang si Birong na mabilis na nakalapit sa ale.

Doon naantig ang puso ng dalaga nang makita niya na hindi lamang pala silang dalawa ang maaring magdamayan. Dahil napakaraming nagmamahal sa kaniyang ina. Hindi siya makapaniwala na may sukli pala ang lahat ng hirap na ginagawa ng kaniyang ina, hindi lamang tiyan ang binusog ni Aling Mirasol sa kanila kundi pati ang mga puso nito. Hindi lamang pera ang naging bayad kundi pati respeto at pagmamahal ng mga taong hindi naman nila kaano-ano.

Advertisement

Sa awa ng Diyos ay nagising si Aling Mirasol makalipas ang isang buwan.

“Ma, hindi ka na pwedeng magluto sabi ng doktor. Hindi ka na pwedeng mapagod e,” saad ni Annabel sa kaniya.

“Hala! E ‘di magsasara na ang karinderya sa palengke? Paano na,” sigaw ni Birong at nagtawanan naman ang lahat ng tao sa ospital.

“Hayaan mo na, ang importante ngayon ay magaling na si Aling Mirasol,” pahayag naman ni Mang Alfred.

“Huwag ho kayong mag-alala dahil hindi po magsasara ang karinderya,” sagot naman ni Annabel.

“Sinong kukuhanin mong taga-luto, anak?” tanong ni Aling Mirasol.

“Ako! Hindi man siguro ako araw-araw na makakapunta doon ay pinapangako ko namang matitikman niyo pa rin ang masasarap na timpla ng nanay ko. Mana kaya ako sa kaniya,” sagot ng dalaga.

Simula noon ay natutunan ni Annabel na bigyang importansya ang karinderya na bumuhay sa kaniya at ngayon ay bumubuhay sa maraming tao.

Advertisement

“Im