Nadugtungan ang Buhay ng Dalagang May Karamdaman sa Puso Dahil sa isang Donor, Ikinagulat Niya nang Matuklasan Kung Sino Iyon

Maliit pa lamang si Laila ay nangangarap na siyang maging magarbo ang selebrasyon ng kanyang 18th birthday. May kaya naman sila, kahit na single mother ang kanyang nanay ay maganda ang trabaho nito at naibibigay ang lahat ng kailangan at gustuhin niya. Katunayan, mayroon pa nga siyang yaya dati.

Kaya naman ngayong dalawang buwan na lang ang hihintayin bago sumapit ang kanyang debut ay sobrang excited na ng dalaga, kahit pa nasa ospital siya ngayon dahil sa di maipaliwanag na sakit ng dibdib. Kausap ng kanyang ina ang doktor, tiyak niyang dahil ito sa sobrang excitement.

Maya maya pa ay bumalik na sa kwarto ang ginang, kapansin-pansing namumugto ang mga mata nito at galing sa pag iyak.

“Mom, what’s wrong?” tanong niya rito.

“Nothing baby, nag alala lang ako sayo.” sabi nito at niyakap siya agad.

“Sabi sayo eh, dahil lang ito sa pagod. Ikaw talaga nagiging emotional ka na naman. Wag ka ngang iyakin mommy! Or baka kaya ka naiiyak dahil sa gastos para sa party ko?” natatawang biro niya sa ina.

“Actually oo! Joke lang anak, alam mo namang pinag ipunan ko ang party dahil iyon ang gusto mo.. bukod pa sa ipon ko para sure na ang future mo.” sabi nito, hinalikan ang noo ng dalagita.

“Kaya nga ang swerte ko sa’yo mommy eh, sobra sobra na ang mga ibinibigay mo sa akin.” sabi niya.

Advertisement

“Ano ka? Syempre, baby kita eh. May isa pa nga ako’ng regalo sayo eh. Bukod sa party.” sabi ng ginang. Medyo nagtaka lang si Laila, regalo kasi ang sinasabi nito pero malungkot ang boses ng kanyang ina.

“Ano naman yun mommy?” tanong niya.

“Malalaman mo soon, basta magpagaling ka ha?” sabi nito. Hindi na umimik pa si Laila, noon pa man kasi ay mahilig na sa surprise ang mommy niya.

Mabilis lumipas ang mga araw, nakakaramdam ng sakit sa dibdib si Laila pero may iniinom na naman siyang gamot para doon. Sabi ng mommy niya, dahil nga raw iyon sa pagod at stress dahil masyado siyang abala sa kanyang debut. Nag-hire nalang ang ginang ng event organizer para hindi na masyadong kailanganin pa ang oras ni Laila pero sadyang nais maging hands on ng dalaga.

Isang buwan na lang ay sasapit na pinakaaabangan ng dalaga, nang bigla siyang dalhin ng kanyang ina sa ospital dahil sa matinding sakit sa dibdib. Hindi siya makahinga, kinailangan pa siyang buhatin ng mga nurse dahil nagdidilim na ang kanyang paningin.

“Mom, ano to?” sabi niya rito, medyo umayos na ang kanyang pakiramdam pero nakahiga pa rin siya sa hospital bed at ang advise ng mga doktor ay bed rest sa kanya. Nararamdaman niyang may nililihim ang kanyang ina, may hindi magandang nangyayari sa kanya.

“There is something you need to know anak. I talked to the doctor, sabi nila ay mahina ang puso mo at kung hindi ka maooperahan.. baka..baka..” hindi matuloy-tuloy ng ginang ang sasabihin dahil naiiyak ito. Gayunpaman, alam na ni Laila ang ibig sabihin ng kanyang ina.

Tila gumuho ang mundo ng dalaga.

Advertisement

“Anak.. may heart donor ka na. Wag kang mag alala.” sabi nito. Kasabay ng lungkot ay ang pagpanatag ng loob ng dalaga, hulog ng langit ang kanyang donor.

Nai-schedule nila ang operasyon at naisagawa ito ng matagumpay. Apat na araw ang lumipas bago nagkamalay si Laila, kritikal kasi ang ganoong klase ng procedure lalo pa’t puso niya ang pinalitan. Hindi pa siya gaanong makapagsalita, medyo worried siya dahil mukhang masisira ang lahat ng pinlano niya para sa debut.

“Kumusta ka hija?” tanong ng kanyang tita, ito ang namulatan niya sa ospital. Medyo namamaga ang mata nito at halatang umiyak.

Hindi pa siya makapagsalita. Pagkalipas ng dalawang linggo, hindi pa man fully recovered at nanghihina pa ay nakakapagsalita na si Laila.

“S-si mommy po?” tanong niya sa tiyahin, ito lang kasi ang palagi niyang kasama sa ospital. Nagsisimula na nga siyang magtampo eh, pero sabi naman ng tita niya na-tyetyempo lang raw na tulog siya pag dumadalaw ang ina at ayaw siya nitong gambalain.

“Alam mo namang busy ang mommy mo mag-take over sa pag aasikaso ng party mo hija.” sabi lang nito, hindi makatingin nang diretso sa kanya.

Sumapit ang kaarawan ni Laila,taliwas sa naging plano, dito siya pinag ayos at minake upan sa bahay ng kanyang tita dahil raw magulo ang bahay nila ng mommy niya. Di na raw ito nakakapaglinis mula nang ma-ospital siya.

“Tita, nasaan ba kasi si mommy? Grabe, ilang linggo na kaming di nagkikita. Halos isang buwan na,” malungkot na sabi niya.

Advertisement

Naubusan na nang dahilan ang tita niya, may kinuha ito sa drawer at iniabot sa kanya. Malungkot ang mukha nito.

“Galing sa kanya yan.. patawarin mo ako na ngayon ko lang sasabihin. Kabilin bilinan niya yan dahil baka di raw kayanin ng puso mo kapag nalaman mo kaagad,” sabi nito at lumabas na sa kwarto.

Laila,

Happy 18th birthday anak! Sorry kung hindi na makaka-attend ang mommy sa party mo. Ganon pa man, pinapanood naman kita at binabantayan. Naalala mo sabi ko sa’yo noon bukod dito sa party ay may isa pa akong regalo sa iyo?

Ito na iyon anak, ang regalo ko sa’yo.. ang puso ko. Mula pa man noong ipanganak kita ay nasayo na ito, kaya di ako nagdalawang isip na i-donate ito para madugtungan ang buhay mo. Namatay akong masaya anak, dahil alam kong mabubuhay ka. Sana.. maging happy ka at alalahanin mong mahal na mahal ka ng mommy.

Naikuyom ni Laila ang palad, ang sakit sakit. Hindi niya alam kung paano pa siya magpaparty ngayon wala na ang nanay niya. Ito pala ang kanyang heart donor!

Tila ginagabayan siya nito, dahil di niya alam kung paano niya nairaos ang araw na iyon. Pati na ang mga sumunod na araw…buwan..taon sa buhay niya na wala na ito.

Ang pinanghahawakan niya lamang ay ang bilin nito na maging masaya siya, dahil isinakripisyo nito ang sariling buhay para sa kanya.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.