Pinagmamalupitan ng Ginang ang Babaeng Napangasawa ng Anak, Natameme Siya nang Kausapin Siya ng Kanyang Apo

Maingat na pinasadahan ng daliri ni Aling Baby ang mesa.

“Hmm, hindi napunasang mabuti,” puna niya.

“Sige ma, ulitin ko na lang po.” sagot naman ni Mela, ang kanyang manugang.

Nakabukod ng bahay ang mga ito pero tuwing Linggo ay dumadalaw siya upang makita ang kanyang anak at apo. Sa totoo lang ay inis siya kay Mela dahil inagaw nito sa kanya ang nag iisa niyang anak, palagi pa itong ipinagtatanggol at kinakampihan. Hindi niya tuloy maiwasang ikumpara ang sarili dito, palagi niyang pinupuna ang ginagawa ng babae. Wala naman itong imik at susunod lang sa kanya, pakitang tao, pwe!

“Ma, alam mo the best yung bicol express ni Mela, parang katulad ng sayo.” proud na kwento ni Fred, ang kanyang anak.

“Talaga? maraming gata? Ako kasi hindi ko talaga tinitipid sa sili at gata, specialty ko yan eh.” sabi niya sa anak.

“Oo, I mean for a beginner, magaling si Mela. Pinapanood niya lang sa youtube tapos nakukuha niya agad.” kwento pa nito.

“Ako nga dati walang youtube- youtube natutunan ko yan mag isa.” pagyayabang niya. Di naman na umimik ang anak niya, hinawakan nito ang kamay ng asawa kaya napaismid si Aling Baby.

Advertisement

Makalipas ang ilang sandali, naiwan si Aling Baby na nilalaro ang 5 taong gulang na apong si Francine. Nagtataka siya na tuwing yayakapin niya ang bata ay nakasimangot ito pero kini-kiss naman siya.

“Apo, bakit ka nakasimangot?” tanong niya rito.

“Dahil galit po ako sayo lola,” matapat na sagot nito.

“Huh? bakit ka naman galit sa lola?”

“Dahil niaaway mo ang mommy ko.” Aba at tinamaan ng lintik na Mela ito, tinuruan pa ang bata! Sa isip isip ni Aling Baby.

Tila naintindihan naman ng bata ang iniisip niya kaya nagtuloy ito sa pagsasalita.

“Pero sabi ng mommy love daw dapat kita at igagalang kita po, kaya nagkikiss ako sayo. Pero ako galit sayo kasi kita ko di mo love ang mommy,”

Napahiya si Aling Baby sa tinuran ng bata, kahit pala pangit ang pakita niya sa manugang ay hindi siya sinisiraan nito.

Advertisement

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.