Balik na Tayo sa Dati, Mama

Si Trixie na yata ang mayroong Best Mom in the world– noon. Oo noon at hindi na ito gano’n ngayon. Hindi niya alam kung anong nangyari, kung kailan nagsimula ang lahat. Pero biglang nagbago ang kanyang Mama sa hindi nila malamang dahilan simula noong nam*tay ang kanilang Papa.

Noong naaksidente ang kanilang Papa at n*matay ay parang n*matay narin ang kanilang Mama. Wala na itong pakialam sa kanilang magkakapatid. Noon ay hindi ito mapakali lalo na kapag hindi pa niya nakikita ang mga anak niyang kumpletong makauwi sa bahay.

Hindi ito pumapayag na matulog sila sa ibang bahay dahil labis-labis itong nag-aalala. Noon ay hindi ito mapakali kapag nalaman nitong wala silang makain na magkakapatid, ‘di bale nang wala itong makain, basta sila ay maayos na nakakain. Pero hindi na ito gano’n ngayon. Wala na itong pakialam kung saan man sila pumunta.

Wala na itong pakialam sa kanila. Lagi nalang itong nakikipag-inuman sa mga kaibigan nitong hindi niya alam kung saan nito nakilala. Minsan pa nga ay nagdadala na rin ito ng lalaki sa bahay nila, dahilan kaya nagagalit na ang tatlo niyang kuya.

“Ma! Ano bang nangyayari sa’yo, nasaan na ba ang isipan mo? Hindi kana namin kilala, Ma!” galit na sita ng kanyang kuya Albert sa Mama nilang ngayon ay lasing na lasing.

“Lasing ako Albert, kaya huwag mo akong umpisahan.” ang tanging sagot nito at hinawi ang kuya niya upang makadaan.

“Hindi na ikaw ang Mama namin. Para kanang p*kpok sa ginagawa mo, iba’t-ibang lalaki nalang ang dinadala mo sa bahay. Para kanang isang bayarang babae, ikinakahiya kita!” anito at agad na umalis sa harapan nila. Lumabas ito at hindi na nila alam kung saan nagpunta.

Kinabukasan ay nabalitaan nalang nilang tumalon ang kuya niya sa tulay. Iyak siya ng iyak noong mga panahon na iyon dahil wala na nga ang Papa nila, sumunod pa ang kuya niya. Nakita ang b*ngkay nito tatlong araw na, matigas na nga at sobrang lamig.

Advertisement

Pakiramdam niya ay mas lalo yatang lumala ang pagiging lasinggera ng Mama niya. Halos hindi na ito umuuwi sa bahay nila.

Kaya naman siya nalang ang nakatokang mag-alaga sa kanilang bunsong kapatid na si Jenna. Limang taong gulang pa lamang ito kaya nangangailangan pa ng kalinga ng isang ina.

Isang araw ay umuwi ang kanyang Mama na may kasamang mga barkada at mukhang iba na naman ang boyfriend nito. Tama nga ang kanyang kuya Albert, daig na ng isang bayarang babae ang ginang. Kung sino-sino nalang ang kasama nitong lalaki.

Linggu-linggo yatang iba-iba ang nakakasama ng kanilang Mama. Mariin niyang naipikit ang mga mata sa inis na nararamdaman para sa kanyang Ina, ang ingay-ingay ng mga ito sa baba ng kanilang bahay kaya si Jenna tuloy ay hindi din makatulog ng maayos. Silang dalawa nalang ang nanatili sa bahay na ito dahil ang dalawang kuya niya’y umalis narin ng bahay nila matapos ilibing si Albert.

Naalala niya pa ang huling sinabi ng kayang Kuya Tan bago ito umalis.

“Sumama nalang kayo sa’min Trixie, kahit maghirap tayo magtutulungan kami ni Kuya Jay. Ayoko na sa bahay na ito, nababaliw na si Mama.”

“Pero kuya, ayokong iwanan si Mama.”

“Wala na siya sa katinuan Trixie,” anito.

Advertisement

“Pero mahal ko si Mama. Ayokong iwanan siya,” mangiyak-iyak niyang wika.

“Basta Trixie, kung dumating amg araw na mahirapan kana. Huwag kang magdalawamg isip na tawagan kami ah,” anito saka tuluyang umalis ng bahay nila.

Sa labis na pagmamahal niya sa Ina kaya ayaw niya itong iwanan. Ngunit sa ginagawa nito ngayon ay parang nais natin niyang sumunod sa mga kuya niya. Bumaba siya upang sitain ang maiingay nilang bisita.

“Oy! Ang anak mo pala ‘yan Vivian.” narinig niyang wika ng babaeng pinagkaitan yata ng tela sa suot nitong damit.

“Hayaan niyo siya. Ituloy natin ang kasiyahan,” wika naman ng kanyang Ina kaya mas lalong nag-ingay ang mga kaibigan nito.

Sa inis na nararamdaman ay wala sa loob na nilapitan niya ito at hinila patungo sa kusina saka malakas na sinampal na agad naman niyang pinagsisihan, pero punong-puno na siya.

“Mahal kita Ma, kaya hangga’t kaya kitang tiisin, titiisin kita. Pero sumosobra kana! Nam*tay lang si Papa pero nandito parin kami, nandito kaming mga anak mo. Buhay pa kami, dahil sa’yo nagpakam*tay si Kuya Albert sa sobrang sama ng loob. Tapos ngayon, umalis naman si Kuya Tan at Jay dahil nababaliw kana daw. Pero nandito pa ako,” umiiyak niyang tinuturo ang sarili. “May natira pa sa’yo Ma, nandito pa kami. Huwag mo namang hintayin na magsawa narin ako sa’yo at iwanan kita. Umaasa parin akong babalik ka sa dati, huwag mo naman sanang hayaan na bitawan ko ‘yong pag-asa na iyon at tuluyan kana naming iwan lahat!” aniya at iniwan itong umiiyak.

Binalikan niya ang kanyang bunsong kapatid na hindi parin makatulog dahil sa ingay na naririnig nito sa baba. Niyakap niya ito ng mahigpit at humagulhol narin ng iyak. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Nais niyang manatili pa pero nais nadin niyang umalis.

Advertisement

Kinabukasan

Bumaba siya upang bilhan ng makakain si Jenna, nang magulat dahil sa nakitang linis ng kanilang bahay. Mula noong namatay ang Papa niya ay hindi na naging maayos ang itsura ng bahay nila. May nagluluto sa kusina, parang katulad lang noong buhay pa ang kanyang Papa. Agad siyang napatakbo sa kusina, habang karga sa bisig si Jenna.

“Kumain kana anak,” masayang wika ng kanyang Ina.

Kung panaginip lamang ang lahat, sana’y huwag na siyang magising pa. Namiss niya ang ngiting iyon ng kanyang Mama. Namiss niya ang kanyang dating Mama. Namiss niya ang kanyang pamilya.

“Umupo kana, ako na ang magpapakain kay Jenna.” kinarga nito si Jenna at hinalikan sa pisngi.

“Totoo ba ito?”

“Patawarin mo ako anak, patawarin niyo ako. Tama ka, nakalimutan ko ang sarili ko pati kayo mula ng m*matay ang Papa niyo. Nakalimutan kong may mga anak pa pala akong naiwan, may mga anak pa pala akong nangangailangan ng pagmamahal ko. Patawad anak, patawad.” Humihikbing wika nito.

“Balik na tayo sa dati Ma,” aniya saka nilapitan ang ina at niyakap ng mahigpit.

Advertisement

“Oo, pangako. Babalik tayo sa dati,” anito saka siya hinalikan sa pisngi. “Hindi na ulit ako malikigaw ng landas anak.”

Kinahapunan ay tinawagan niya ang kanyang kuya Tan at Jay upang bumalik na sa bahay nila. Kahit may kulang na ay sinubukan nilang maging masaya ulit at magpatuloy sa buhay na kasama at karamay ang isa’t-isa. Hindi por que nawalan ka ng isang mahal sa buhay ay sisirain mo nalang ang sarili mo. May mga nagmamahal at umaasa pa sa’yo, kaya ipagpatuloy ang buhay.

Images courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!