Nangarap Maging Abogado ang Dalaga para Kasuhan ang Ama Niyang Babaero, Napaiyak nalang Siya dahil Imbento lang Pala Iyon ng Nanay Niyang Sinungaling

Masipag at matalino ang anak na dalaga nina Boyet at Elsa na si Amor. Siya ay ang panganay sa tatlong magkakapatid. Bilang panganay na anak ay sa kaniya nakakahingi ng pag-agapay sa mga gawaing bahay at napagsasabihan ng mga problema sa buhay ng kaniyang ina na si Elsa.

Habang ang kaniyang ama naman na si Boyet ang natatanging nagtatrabaho sa kanilang pamilya sa malayong lugar at umuuwi lamang kada Linggo.

Isang araw habang nasa labas ng bahay sina Amor at ang mga kapatid niya ay natuklasan ni Elsa na may ibang babae si Boyet sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

“Sino yang babae na yan? Parating tawag ng tawag sayo,” pag-uusisa ni Elsa.

“Katrabaho ko lang yan. Baka may i-uutos lang uli yan,” sagot ni Boyet.

“Talaga lang, ah! Kaya pala may ‘I love you’ at ‘I miss you’ sa text niya,” pagalit na bwelta ni Elsa.

Hindi na nakatanggi si Boyet at ipinaglaban ang ka-relasyon niya. Pinaalala ni Boyet ang mangilang ulit na panloloko ni Elsa sa kaniya noon kahit na noong may mga anak na sila at pinaalala niyang nagsasama na lamang sila ng dahil sa kanilang mga anak. Galit na galit si Elsa kaya pinagtatapon niya sa sahig ang kanilang mga plato at umiyak sa isang sulok.

Pag-uwi ng mga anak nila ay napuna agad ni Amor ang mga basag na pinggan at nilapitan agad ang ina na humihikbi sa isang sulok. Pumasok sila sa loob ng kwarto at doon na sinabi ng ina na mayroong ibang babae ang kaniyang ama. Sa galit ni Amor ay sinugod niya ang kaniyang ama at nagbitaw ng masasakit na mga salita laban dito. Hindi na lamang siya pinansin ng lalaki at lumabas na lang ito ng bahay.

Advertisement

Kinabukasan pagluwas muli ni Boyet sa kaniyang pinapasukang trabaho ay tinawagan agad ni Elsa ang numero ng babae ng asawa. Inaway niya ito at sinabihan ng masasakit na salita habang nakikinig lamang ang babae sa kabilang linya.

Mas lalong nainis si Elsa kaya binaba niya na lang ang tawag. Maya-maya ay hindi pa rin siya matigil at tinadtad na lamang ng text ang babae.

Nakatanggap naman siya ng isang reply mula rito.

Bkit? Diba ilang bses mo na rin namang niloko si Boyet kahit na may anak na kayo, naglalandi kp rin diba? Wag kang magmalinis! Nauna ka!

Mas lalong nanggalaiti si Elsa, ni-replyan niya ang babae ng kung anu-ano. Hindi ito sumasagot kaya sinubukan niya muling tawagan pero natuklasan niyang nakapatay na pala ang cellphone nito.

Patuloy pa rin ang relasyon ni Boyet sa babaeng ito na minahal niya matapos na masaktan ng lubusan sa mga panloloko ni Elsa noon. Ganoon pa man ay hindi tinalikuran ni Boyet ang kaniyang pamilya kay Elsa.

Inuuwian niya pa rin ito kada Linggo at nagbibigay ng sustento sa kanila ngunit mas naging malamig ang pakikitungo niya sa misis. Mas malimit ang kanilang pag-uusap na halos hindi na sila nag-uusap maliban na lang kung may importanteng kailangan ang mga anak nila.

Mula noon ay kinukumbinsi na ni Elsa na mag abogado si Amor. “Anak, mag-aral ka na lang ng abogasya upang makapaghiganti tayo sa panloloko ng ama mo at ng babae niya.”

Advertisement

Bagama’t mas malapit si Amor sa ina ay hindi niya na inisip na ang nagpapaaral at nagbibigay ng mga panggastos sa kanila ay ang kaniyang ama. Sumang-ayon ito sa plano ng ina.

Makalipas ang ilang taon ay nakapagtapos na si Amor at tuluyan ng naging abogada. Matapos na makakuha ng sapat na karanasan ay tinuloy na nila ang kanilang plano nang paghihiganti. Sinampahan nila ng kaso si Boyet. Labis ang pagkagulat ng lalaki dahil hindi niya akalain na gagawin ito ng kaniyang anak sa kaniya.

Sa kainitan ng kaso ay isang nakakabiglang katotohanan ang sumambulat.

Wala talagang babae si Boyet, ang ipinapakita nitong mga text ay gawa-gawa lang pala nito at ginamit ang isa pa nitong cellphone. Nais lang talaga nitong makalaya sa lalakero at mapang abusong misis.

Naglabasan ang mga inililihim ni Elsa sa kaniyang mga anak. Doon ay napilitang isiwalat ni Boyet ang mangilang beses na panlalalaki ni Elsa habang sila ay kasal at patuloy itong ginagawa ni Elsa kahit na nakatatlong anak na sila.

Ikinagulat ito ni Amor at kinumpronta ang ina. “Ma, ano yun?” Tanong niya.

“Labis akong nalulungkot at hinahanap-hanap ko ang papa mo noon pero wala akong magawa dahil nasa malayo siya kaya natukso ako,” pag-amin ni Elsa sabay hagulgol.

Naiyak si Amor at pinagsisihan ang mga masasakit na salitang binatawan sa ama noon na hindi man lang inaalam ang panig nito. Mas lalo siyang nagsisi na ilagay sa ganito kasamang sitwasyon ang ama matapos siyang pag-aralin at tustusan ang mga pangangailangan niya.

Advertisement

Matapos kumalma si Amor ay pinatahan niya na ang kaniyang ina at kinumbinsi na iurong na lamang ang kaso dahil masyado nang nauungkat ang problema nila sa pamilya at labis na siyang nasasaktan at ang mga kapatid niya sa mga nangyayari.

Noong una ay ayaw pa rin pumayag ni Elsa hanggang sa ipinaliwanag ni Amor na pwedeng magamit laban sa kanila ang mga isiniwalat ng ama at kung ano ang mga pwedeng pang mangyari.

Iniurong na nina Amor at Elsa ang kaso laban kay Boyet at sa babae nito. Kinausap ni Amor ang kaniyang ama at humingi ng kapatawaran rito. Siya rin ay nagpasalamat sa hindi pag-iwan sa kanila noon kahit na ganoon ang ginawa ng kaniyang ina.

“Mahal na mahal ko kayo, anak. Hindi ko ninais na humantong tayo sa ganito pero sana ngayon na alam niyo na, sana hayaan niyo naman akong maging masaya, maging malaya. hHindi ko na kasi talaga kayang pakisamahan ang nanay ninyo. Inubos niya ako, wala na akong natitira kahit respeto sa sarili ko.” sambit ni Boyet.

“Sige po, Pa,” sagot ni Amor sabay yakap sa ama.

Mula noon ay hindi na umuuwi si Boyet kada Linggo sa kanilang bahay bagkus ay dumadalaw na lang ito at luluwas din kinagabihan. Patuloy pa rin ang pagbibigay niya ng sustento sa mga ito at nauunawan na ng mga anak ang kanilang sitwasyon.