Hindi Mapatahan ng Biyudong Ito ang Kanyang Sanggol, Kataka-takang Agad na Tumahan ang Sanggol nang Mahawakan ng Isang Pamilyar na Lalaki

Hindi kinaya ng katawan ng misis ni Rome ang panganganak, binawian ito ng buhay habang isinisilang ang kanilang panganay. Ni hindi man lang naabutan ng sanggol ang kanyang ina, syempre, pinakamahirap ang lahat para kay Rome. Sama sama ang kanyang emosyon, takot, sakit, awa, at pangangamba, paano na sila ng baby? Kaya niya ba itong palakihin ng maayos nang walang ina?

Tulala si Rome at hindi alam ang gagawin, hindi lang nawalan ng ina ang kanyang anak, nawalan rin siya ng pinakamamahal na asawa at katuwang sa buhay. Tumanggap siya ng yaya ngunit ang gagawin lang nito ay bantayan ang bata kapag kailangan ni Rome ng konting tulog, total ang trabaho naman ng lalaki ay IT specialist na home based, naisip niyang matutuwa ang kanyang misis sa langit kung hands on siya sa pag aalaga sa bata.

Dalawang lingo matapos ang burol, bitbit ni Rome ang sanggol sa ospital para sa injection nito, kanina pa ito iyak nang iyak.Mabuti at supportive ang kanyang pamilya at ng misis at sinasamahan siya ng kanilang mga ina, malaking tulong iyon sa kanya.

“Akin na nga siya,” sabi ng byenan niyang babae. Hinele hele ito, tumahimik ng ilang segundo ngunit maya maya pa ay muling umiyak.

“Balae, pahiram sandali.” sabi naman ng nanay ni Rome, hinele ang baby na may kasamang paghimas sa ulo at kinausap pa ito ngunit ganoon rin ang nangyari, tatahimik sandali at pagkatapos at iiyak nang muli.

Hindi na nila malaman ang gagawin, namumula na ang sanggol. Hindi ito gutom, hindi rin puno ang diaper.

“Baby ko.. ano ba’ng gusto mo? Nandito lang si daddy baby ko…” natataranta at naiiyak na ang lalaki, natatakot siyang may nasakit sa bata.

May lumapit sa kanilang isang lalaking nasa 24-26 ang edad, nakawheelchair ito at tulak tulak ng nurse.

Advertisement

“P-pwede ko bang.. mahiram siya?” sabi ng lalaki kay Rome.

Sinulyapan lang ito ni Rome, kilala niya ang lalaki. Inabot niya ang sanggol rito, medyo hirap pa itong bumuhat dahil bagong opera.

“B-baby…sshh. baby…” sabi lang nito.

Kataka taka, na sa ilang segundong pagkarga nito at kumalma ang sanggol, tumulala lang at tila gulat na gulat. Pagkatapos ng ilang segundo ay ngumingiti pa nga ang baby.

Hindi naman napigilan ni Rome na tumulo ang luha.

Bago mamatay ang misis niya ay may ibinilin ito sa kanya, i-donate ang kung ano mang parte ng katawan nito na mapapakinabangan at maaaring magligtas ng buhay ng iba. Kaya naman idinonate nila ang puso ng misis niya…sa lalaking ito.

At kahit iba ang katauhan, alam ng sanggol na puso iyon ng kanyang ina, kahit nasa kabilang buhay ay kabisado ng bata ang tibok noon at pagmamahal para sa kanya.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.