Inakala ng Lalaki na Palihim Siyang Minamahal ng Kaibigan nang Mabasa Niya ang Diary Nito, May Iba Palang Plano ang Tadhana Para sa Kanya

Masayang-masaya si Patrick dahil hindi sinasadyang nabasa niya ang diary ng kanyang best friend na si Aegi. Matagal na niyang gusto ito pero hindi niya masabi dahil natotorpe siya. Pero ngayong alam niya na ang katotohanan, na gusto rin siya nito, ay hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa.

Agad niyang tinext ang kaibigan,

Ilang oras pa ang hinintay niya bago ma-receive ang reply nito,

Natawa siya. Pero ayaw niya munang sabihin dito na nasa kanya ang diary nito. Isusurprise niya nalang ito bukas kasabay ng pag-amin niya.

Saktong alas-tres ng hapon ay naghihintay na sa loob ng gym si Patrick. Kinakabahan na may halong excitement ang nadarama niya. Nagpraktis pa siya ng mga sasabihin sa kaibigan.

Hanggang sa makita niyang paparating na ang napakagandang kaibigan niya, “Aegi…”

Kahit pawis na pawis ito ay nangingibabaw pa rin ang kagandahan nito, “Ano bang problema mo?”

Nangiti siya pero halatang kinakabahan, “Ano kasi…” Advertisement

“Ano nga?” naiinis na naman agad ito.

“Crush mo pala ako,” nabigla siya sa sarili.

“Ano?!” ngunit tila mas nabigla ito sa sinabi niya.

“Na…nabasa ko kasi sa diary mo,” kinakabahang pag-amin niya.

“Paanong… saan mo nakita ang diary ko? At bakit mo binasa?!” galit na galit na ang mukha nito.

“Sorry, hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka huwag kang mag-alala, gusto rin naman kita,” matapang na sabi niya.

Lalong nangunot ang noo nito, “Ano bang pinagsasabi mo?”

“Eh diba sabi mo sa diary mo, gusto mo ako?” Advertisement

“Ha?” tila biglang may naalala ang babae, at saka ito biglang tumawa nang tumawa, “Alam mo, ang joker mo!”

“Ha, bakit?” siya naman ang naguluhan ngayon.

“Si Patrick Nathan ‘yun, shunga! Yung varsity player satin, hindi ikaw,” tawa pa rin ito nang tawa, “Masyado kang assuming!”

Napahiya man ang lalaki ay natawa na lang siya, wala eh. Ganun siguro talaga ang buhay, hindi lahat ng gustuhin ay makukuha. Ni-respeto nya na lang ang katotohanan na talagang kaibigan lang ang tingin ni Aegi sa kanya, hindi nagtagal ay nakakilala rin siya ng isang babae na sinuklian ang kanyang pagtingin.

Ngunit hindi tumigil ang lalaki. Nagpursige siyang ligawan ang bestfriend dahil nadulas na siyang gusto nya ito. Wala nang dahilan para maging torpe pa siya. Marahil, sinadya na talaga ng tadhana na mabasa niya ang diary nito upang sa wakas ay maka-amin na siya sa tunay na nararamdaman para sa kaibigan na matagal na niyang minamahal.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.