Minaliit ng Babae ang mga Nobyo ng mga Kaibigan Dahil Mayaman ang Nabingwit Niya, Wala Naman Pala Itong Balak Pakasalan Siya

Taas noong nakikipagkwentuhan si Adela sa mga kaibigan. Ibinibida niya kasi sa mga ito ang mayaman niyang nobyo.

“Niregaluhan ako ng boyfriend ko ng bag, alam nyo ba nang i-check ko sa internet aba naman nagkakahalaga pala ng 4,000 ang bag! Tapos isang ungot ko lang na gusto ko ng cellphone, ayun kinabukasan may iPhone X na ako.” nakangiting sabi niya.

Hangang-hanga naman ang mga ito. Dapat lang! Sa isip-isip niya, siya naman kasi ang pinakamaganda sa barkada nila, siya rin ang pinaka-ligawin noong college kaya di na nakakapagtaka kung siya ang makakuha ng malaking isda.

“Ikaw ba Heidi, ano ang work ng bf mo?” tanong niya sa katabi. Napangiti naman ang babae at halatang kinilig nang mabanggit ang nobyo.

“Ahh… Si Ren, isa siyang manager sa fast food chain. Sa Jollibee..” sabi nito.

“Ano?! At inalok ka na niya kamong magpakasal?” tanong niya rito, tumango naman ang babae.

“At pumayag ka naman?!” tanong niya muli.

“Oo naman, syempre.” kinikilig na sabi nito.

Advertisement

“Heidi, sa totoo lang ha. Ang liit ng sahod sa mga ganyan, kuntento ka na ba sa ganon? I mean isipin mo, saan ka niya ititira? For sure wala pa siyang sasakyan right? Malolosyang ka dyan girl, at ang mga magiging anak ninyo, saan papasok, sa public school?” halos diring diring sabi niya, na para bang may masama sa mga nabanggit niya.

“W-wala namang kaso iyon sa akin Ady, ang mahalaga naman sa akin ay mahal ako ni Ren at mahal ko rin siya. Siguro kahit saan kami tumira ay kakayanin naman namin dahil magtutulungan kami. At kung, kung sa public school papasok ang magiging anak namin parang ayos rin dahil maganda naman ang turo—” hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin dahil pinutol na niya iyon.

“Basta Heidi, mag-isip-isip ka ha. I know na 27 years old na tayo pero wag mong madaliin. Hindi ka sure kung seryoso sayo ang lalaking yan dahil tignan mo, ano’ng binibigay sayo lagi, bulaklak? Sinusundo ka nga lagi pero nasakay lang naman kayo sa jeep at ni walang sasakyan, seryoso ba yun?! Mag-isip-isip ka girl.” sabi niya sa babae at tumayo na dahil nag-text na ang kanyang nobyo dahil nasa harapan na raw ng restaurant ang sasakyan nito. Tinanong niya ang lalaki kung gusto ba nitong bumaba para makilala ang mga kaibigan niya pero ang isinagot lang nito ay, “Wag na, di naman ako interesadong makilala ang mga yan.”

Hindi siya pinagbuksan ng lalaki ng pinto ng kotse, habang nagda-drive sila, naalala niya ang kaibigang si Heidi na ikakasal na. Sila kaya, kailan? Talagang sasang-ayon siya kaagad basta alukin lang siya ng nobyo.

“Babe,” tawag niya rito.

“O,” malamig na sabi ng lalaki.

“What do you think about, am, you know. Getting married… having kids…” pagpapahaging niya rito.

“What?!” gulat na tanong nito.

Advertisement

“Sabi ko ano’ng tingin mo, sa pagpapakasal, may naiisip ka na ba? Kasi alam mo, di na tayo bumabata. My friends, nagpapakasal na sila. Ang iba may anak na pero ako…” sabi niya.

“Pero ikaw ano? Diba nakukuha mo naman ang luho mo? Pera ang gusto mo diba? Bakit may kasal pa? Babe, diba masaya lang tayo na ganito? No commitment, no marriage. Ayos na ang ganito, habang buhay. Pampagulo lang yang kasal at mga anak.” sabi ng lalaki at tinapik pa siya sa hita.

Natulala naman si Adela, ibig sabihin pala ay walang plano ang lalaki para sa kanya. Gagamitin lang siya nito hanggang gusto nito pero ang makasama siya habang buhay at tumandang kasama siya ay wala sa usapan. Napaisip siya sa mga nasabi kanina, mas ma-swerte pa pala sa kanya ang kaibigang si Heidi dahil kahit maliit lang ang sahod ng nobyo nito ay mahal na mahal naman ito ng lalaki, nirerespeto at inaalagaan.

Pinaniniwala niya lang pala ang sarili na siya ang naka-jackpot pero ang totoo ay sya ang pinakakawawa dahil sa edad niya, wala pa ring totoong nagmamahal sa kanya. Nakipagkalas si Adela sa nobyo at nag-focus muna sa kanyang sarili.

Makalipas ang isang taon ay nakilala niya si Alex, ka-opisina niya ito at sapat lang ang sahod pero agad na tumibok ang puso niya para sa lalaki.

Hindi nabibili ng pera ang pag ibig. Walang katumbas na materyal ang pagmamahal. Hindi matutumbasan ni Alex ang mga nabibili ng dating boyfriend para sa kanya, pero kahit kailan ay hindi rin mabibili ng salapi ng dating nobyo ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Alex.

Matapos ang dalawang taon ng kanilang relasyon ay inalok na siya ng lalaki ng kasal, ngayon ay masaya na silang namumuhay kasama ang kanilang anak. Kinuha niyang ninang si Heidi na ngayon ay may anak na rin sa mister nitong si Ren.