Lagot Tayo Kay Kuya

Nanginginig na tiningnan ni Arabela ang ilalim ng kumot, natakpan niya ang bibig nang makumpirmang wala nga siyang saplot.

Unti-unti niya ring ibinaling ang paningin niya sa kanyang katabi. Himbing na natutulog si Lemuel, wala ring saplot. Napa-tanda siya ng krus, patawarin nawa siya ng mahabaging Panginoon dahil isinuko niya ang sarili sa bestfriend ng Kuya niya.

“Oh my God..” bulong niya. Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Nalintikan na talaga.

Siya kasi, matagal niya nang mahal ang binata. Kaya lang ay ‘little sister’ lang yata ang tingin nito sa kanya, kasi naman diba? Ang mga idine-date nito ay mala-model. Kay tatangkad, slim at pakak na pakak ang mukha. Habang siya, naroon sa kalingkingan ng simple lang.

Hindi siya matangkad, ang liit niya nga eh. Ma-laman rin siya, bagamat may ipagmamalaki naman ang kanyang hinaharap. Pino ang ilong niya, hindi matangos-na bumagay lang sa maliit at bilugan niyang mukha.

Dahil siguro sa ingay na nagawa niya ay naalimpungatan rin ang binata. Napabalikwas ito nang makita siya, lalong namutla nang makumpirmang nakahubad sila pareho.

“D-Did we..?” tanong nito.

Aba, ang loko loko! May amnesia pa ngayon! Ano ang akala nito, gawa gawa niya lang ang lahat?!

Advertisement

Tumango siya. Sigurado siya, masakit roon eh.

“Lemuel, ano ang gagawin natin? Sasakalin ako ni Kuya,” naiiyak nang wika niya.

“At ililibing niya naman ako ng buhay.”

Iyon ang sabi nito pero nang tingnan niya naman ay wala man lang bakas ng pagkatakot sa mukha. Sa halip, para ngang pinipigil pa nito ang ngiti.

“Ano ang nakakatawa sa sitwasyon natin? Isipin mo nga! Lasing ako kagabi kasi-“

“Kasi sumama ka sa mga kaibigan mo, at hindi ka pala marunong uminom. It just happened na naroon rin ako sa bar, miss, ikaw ang lumapit sa akin at sabi mo sabay na tayong umuwi. Then, noong nasa car ko na, you..you kissed me.” sabi nito, sinundan pa ng nakakalokong tawa.

“The nerve! I was drunk and you took advantage!” depensa niya naman.

Nakahanda na ang sagot nito pero natigilan sila pareho nang makarinig ng ilang katok mula sa labas ng kwarto ni Lemuel.

Advertisement

“Pare tulog ka pa? Hihiram lang sana ako ng gitara..sira yung string ng akin.”

Patay. Ang kuya niya.

Malungkot na pinahid ni Arabela ang kanyang luha, ang bilis ng panahon. Walong buwan na ang nakalipas nang mangyari iyon at walong buwan na rin ang kanyang tiyan.

Oo, nabuntis siya ni Lemuel.

Nang kumatok ang kuya niya ay ipinasuot sa kanya ng lalaki ang T-shirt nito, nagdamit rin ito at buo ang loob na lumabas. Kitang kita ni Arabela kung paano namula ang mukha ng kuya Jeric niya nang makita siya nitong nakatayo sa likod ni Lemuel.

Sinugod nito ng suntok ang binata, na hindi naman lumaban. Nang kumalma ang kuya niya ay nag usap ang dalawa, hindi niya narinig kung ano. Basta ang alam niya lang pagkalabas ng mga ito ay magkaakbay na at nagtatawanan pa. Parang walang nangyari.

Mula rin noon, araw araw nang nasa kanila si Lemuel at siya na ang dinadalaw. Bagamat wala naman itong ipinagtatapat sa kanya, basta pinupuntahan lang siya at dinadalhan ng pagkain tapos magkukwentuhan sila. Nang mapaduwal nga siya sa harap ng mga ito ay nagkatinginan ang dalawang lalaki.

Hanggang makumpirmang buntis siya, di ito pumalya. Mas sweet pa nga eh. Akala niya nga, mahal na rin siya nito. Hanggang kahapon, narinig niya ito at ang kuya niya na nag uusap. Tinanong ni Kuya Jeric kung nais ba siya nitong pakasalan.

Advertisement

Ang sagot ni Lemuel? HINDI. Isang matigas at malaking hindi. Parang sinaksak si Arabela, kaya heto siya. Luhaan. Kaawa-awang puso siya, nabuntis na siya at lahat ay hindi pa rin magawang mahalin.

“Ara?” katok ng kanyang kuya Jeric mula sa labas ng kanyang kwarto.

“Kuya doon ka muna, tulog ako..wala sa mood, ayoko ng kausap.” sabi niya, syempre ayaw niyang ipakita sa kapatid na umiiyak siya.

“You’re crying,” sabi nito. Sigurado at hindi nagtatanong. Ilang sandali pa ay narinig niyang may nagsususi sa seradura ng pinto hanggang sa bumukas na nga iyon.

“Paano mo nalaman?” nakangusong sabi niya. Naaawang tinitigan siya ng kapatid. Sure, she looks like a crying watermelon sa laki ng tyan niya.

“Ara, ako na halos ang nagpalaki sayo mula nang maulila tayong dalawa. Boses mo palang, alam ko na. Bakit umiiyak ang baby sister ko?” sabi nito, hinimas pa ang likod niya.

Hindi niya na napigilan ang sarili, napahagulgol siya at nailahad rito ang lahat. Mula sa umpisa, kung saan bata palang sila ay crush niya na si Lemuel at ang crush na iyon ay lumalim hanggang ito nga, pag ibig na.

Tahimik lang itong nakikinig at tumatangu-tango.

Advertisement

“Kuya, mahirap ba talaga akong mahalin? Araw-araw naman magkasama kami eh.. diba masaya naman akong kausap? Tsaka, magkakababy na kami. Sana man lang pinlastik ka niya at sinabi niyang pakakasalan niya ako kahit di naman totoo, kasi kapatid pa rin kita. Kaysa iyong ipinamukha niyang ayaw nya sa akin. Sorry kuya ha, nabuntis ako. Di ako nag iisip,” tuloy-tuloy na sabi niya. Humihikbi pa, wala na siyang pakialam kung mukha siyang bata. Ito ang nararamdaman niya eh.

Bumuntong hininga ang kanyang kapatid, “You know. The first time na nakilala ko si Lemuel, niyaya ko siya rito sa atin. Masayang masaya ako kasi wala akong kaibigan noon na ka-edad ko eh. Sabi ko pa sa kanya, kung pwedeng dito nalang kami maggitara sa bahay kasi nga, walang kasama ang baby sister ko.

We were 16, at ikaw ay 12 palang noon. Tapos nung lumabas ka mula sa kusina, you were wearing that cute pink dress at may bitbit kapang barbie doll.. kitang kita ko kung paano natulala si Lemuel sayo. Kaya napasimangot ako. Sabi ko, pare- kapatid ko yan, hands off!” natatawang kwento nito.

Napatigil naman sa pag iyak si Arabela, rebelasyon sa kanya ang mga naririnig ngayon.

“But then, kahit na hindi na siya kumikibo ay..alam ko naman. Alam kong tuloy ang lihim niyang pagsulyap sayo kaya ako na ang nagsabi, wait for the right time. Hanggang nag 18 ka na pero hindi umaamin si tukmol. Kung kailang payag na ako, siya naman ang may problema. Torpe pala ang gago.

Kung sinu-sinong babae ang idine-date. Alam naman namin pareho kung sino ang mahal niya. At ikaw rin, sabi ko nga- alam ko boses mo palang. Alam ko naman na mahal mo rin siya kaya nga hindi na ako nagalit pa noong..nahuli ko kayo. After all, you’re 24. Pasensya kana, baby lang talaga ang tingin sayo ng kuya.” nakangiting wika nito.

Nakanganga pa rin si Arabela, Diyos ko kung panaginip ito ay maglulupasay talaga siya sa sahig pag nagising siya.

Tumayo na ang kanyang kapatid at akmang lalabas na nang pigilan niya ito.

Advertisement

“K-Kuya! Totoo ba iyang sinasabi mo, or kinukwento mo lang yan to make me feel better?” paniniguro niya.

“Tanungin mo nalang siya.” simpleng sabi nito tapos ay tumayo na.

Noon lang napansin ni Arabela ang binatang nakatayo sa tabi ng pinto. Nakasandal ito at tahimik na nakatitig sa kanya.

Si Lemuel.

Sh*t, kanina pa ba ito roon?!

“Oo, kanina pa ako. Narinig ko lahat.” tila nabasa nito ang naiisip niya. Inilang hakbang lang nito ang kinaroroonan niya, nais niya sanang humiga at magtago sa unan dahil sure siya na pulang pula ang kanyang mukha sanhi ng pag iyak, kilig at pagkapahiya.

Kaya lang t*ngina, ang laki ng tyan niya. Ang hirap kumilos!

Kaya pumikit nalang siya, wala nang mataguan eh. Naramdaman niya na lamang na may humahawak sa dalawang pisngi ng kanyang mukha. Kasunod noon ay isang masuyong halik ang dumampi sa labi niya, unti-unti siyang napadilat.

Advertisement

“K-Kung totoo ang sinasabi ng kuya, bakit narinig ko na ayaw mokong pakasalan? Ano iyon, lumipas na ang nararamdaman mo sa akin?”

“Sshh.” nakangiting sabi nito, muli siyang hinalikan. Nang matapos ay saka ito nagsalita, “Gusto ko sanang kanina ka pa kausapin.Kaya lang ay hinayaan ko na si Jeric na magpaliwanag para hindi mo sabihing gawa gawa ko lang ang lahat. Pero yung tungkol sa kasal, ako ang magpapaintindi noon sayo.

Nataranta ako kasi hindi ka nagrereply sa akin, ayaw mo rin akong harapin. Tapos..nung tinawag kapa ni Jeric kanina, umiiyak ka. Alam mo bang halos baliktarin ko ang utak ko kakaisip kung bakit ka nagkaganoon? Nang marinig ko ang dahilan mo ay gusto kong sugurin ka ng yakap. Kasi alam mo Arabela.. ayaw pa kitang pakasalan. Kasi bukod sa malaki pa ang tiyan mo at baka ayaw mo naman ng ganoon, hindi rin naman ako sigurado kung mahal mo rin ako.

Ayaw sana kitang itali sa pag ibig ko. Pero ngayong.. ngayong narinig ko na ang lahat- gusto mo ba magpakasal tayo ngayon din?” seryosong tanong nito.

“Ibig sabihin mahal mo rin ako?” nakangusong tanong ni Arabela.

Niyakap siya nang mahigpit ni Lemuel, “Diyos ko ka..sobra. Noon pa.”

Hinintay nilang maisilang ang cute na baby, isa itong lalaki at kamukhang kamukha ni Lemuel. Makalipas ang dalawang buwan, nang maka-recover na si Arabela ay nagpakasal ang dalawa.

Images courtesy of www.google.com