Inday TrendingInday Trending
Walang Kaalam-Alam ang Babae na Pinagtataksilan na Siya ng Sariling Mister at Kanyang Kumare, Alak Lang Pala ang Magbubunyag sa Panloloko ng mga Ito

Walang Kaalam-Alam ang Babae na Pinagtataksilan na Siya ng Sariling Mister at Kanyang Kumare, Alak Lang Pala ang Magbubunyag sa Panloloko ng mga Ito

FamilyKarmaStories

“Kung gusto mo magsama na tayo. Iwan mo na si Marife.”

“Loka! Alam mo namang napakasarap ng buhay ko sa piling ng gag*ng iyon, e! Ano pa bang hahanapin ko sa kanya, pangromansang katawan, may magandang trabaho. Buhay hari ako kapag kasama ko ang aking asawa,” natatawang sabi ni Kit sa kalaguyong si Hannah. Kakatapos lang nilang magtalik sa loob ng kuwarto.

“Pangromansa nga ang katawan, mukha namang ewan!” ngisngis ng babae.

Nagtataksil ang lalaki sa kanyang asawang si Marife. Napakaguwapo kasi ni Kit at nagtataglay ng magandang hubog ng katawan. Sinong makatatanggi sa taglay niyang karisma na kahit may apat na anak na ay parang binata pa rin. Kaya maraming kababaihan at kabadingan ang lumalapit sa kanya dahil sa mala-leading man niyang hitsura.

Architect ang asawa niyang si Marife. Palagi itong nadedestino kung saan-saan kaya palagi itong wala sa bahay. Pero kahit hindi niya madalas nakakasama ang asawa ay bigay hilig naman ito sa mga luho niya dahil malaki ang sahod ng babae.

Apat na taon na silang nagsasama. Ang totoo, ang kanilang pagiging mag-asawa ay bunga lang ng arranged marriage. Ipinagkasundo lang siya ng kanyang mga magulang kay Marife dahil sa magkaibigang matalik ang kanilang mga magulang pero kahit kailan ay hindi niya nagawang matutunang mahalin ang babae.

Nakikisama na lamang siya rito para sa pera at sa kinabukasan ng kanilang mga anak. May trababaho rin naman si Kit, isa siyang office staff sa isang maliit na kumpanya ngunit mas malaki pa rin ang naipapasok na pera ng kanyang misis.

Kapag wala ito ay sumasalisi naman sa kanya ang kumare nitong si Hannah. Kababata ni Marife si Hannah at ito ang totoong gusto niya dahil mas maganda at maalindog ito kumpara sa kanyang asawa. Higit sa lahat ay mas nag-eenjoy siyang katalik ito sa kama.

“Baka naman kapag umuwi na si Marife ay hindi ka na makipagkita sa akin? Baka mamaya kalimutan mo na ako?” may pagtatampo sa boses ni Hannah.

“Ito naman at nagtampo agad! Siyempre naman, kahit bumalik siya ay gagawa pa rin ako ng paraan para magkita tayo at alam mo na kung ano ang mangyayari,” sagot ni Kit sa mapanuksong boses.

Natatawa at napapailing si Hannah sa sinabing iyon ni Kit. Alam niyang patay na patay sa kanya ang lalaki kaya bigay hilig din siya rito sa kama. Bukod sa pinagsasawaan niya ang katawan nito ay nakikinabang rin siya sa pera ni Marife. Palagi niya itong inuuto na ibili siya ng mamahaling gamit gaya ng bagong cell phone at laptop. Walang kaalam-alam ang kanyang kumare na halos araw-araw niyang natitikman ang uto-uto nitong mister at nakikisawsaw pa siya sa pinagpaguran nito.

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas at bumalik na si Marife galing Cebu. Doon ito nadestino dahil sa tinapos na proyekto. Sinadya ni Hannah na bumisita sa bahay ng mag-asawa para salubungin kuno ang kumare.

“Oy, musta na mare? Balita ko ngayon ang dating mo kaya ito dumalaw ako!” bati ng babae sabay beso sa pisngi nito.

“Aba, mare gumaganda kang lalo, a! Panay siguro ang paganda mo dahil may bago kang boylet ‘no?” biro ni Marife at niyakap ang kaibigan.

“Sinabi mo pa. mare. Patay na patay nga sa kagandahan ko ‘yung bago kong jowa e!” pagyayabang ni Hannah na lihim pang nakipagngisian kay Kit.

“Tama na muna ang mga kalokohan ninyo! Tamang-tama ang punta mo dito, Hannah at nagluto ako ng masarap na hapunan at puwede rin tayong mag-inuman kung gusto ninyo. Gagawa ako ng masarap na pulutan.”

“Sure ka ba hon, payag ka na dito kami mag-bonding ni mare?” masayang tanong ni Marife sa asawa.

“Oo naman! Alam kong matagal kayong hindi nagkita nitong kumare mo kaya ayos lang sa akin. Tutal wala naman dito ang mga bata at nasa mga pinsan nila. Walang iistorbo sa inyo.”

Matapos kumain ng hapunan ay nagsimula na ang kuwentuhan ng magkumare.

“At dahil dinalaw mo ako, may pasalubong ka sa akin mare,” nakangiting iniabot ni Marife kay Hannah ang isang mamahaling bracelet.

Kumislap ang mga mata ng babae at halatang gustung-gusto ang ibinigay ng kumare.

Maya-maya ay nakisali na sa inuman si Kit. Plano talaga niyang lasingin ang asawa para masolo nila ni Hannah ang pagkakataon. Di nagtagal ay nalasing na ang tatlo sa ininom na alak ngunit si Kit ang pinaka-tinablan. Hindi niya inasahan na malakas pala ang tama ng nabiling alak. Siya ang nabitikma sa sarili niyang patibong.

“A-ang hinah ninyhong dhalawa! Hik! Thalo kayo sa akhin!” sabi ni Kit habang susuray-suray. Napangiti si Marife na inalalayan na ang asawa at dinala sa kuwarto. Naiwan sa sala ang lasing na lasing na si Hannah na nakatulog na rin.

Dala ng matinding kalasingan ay hinalikan ni Kit ang asawa, una ay masuyo hanggang sa naging mapusok na ang mga halik nito kay Marife. Inihiga ng lalaki ang misis sa kama at sinimulang makipagtalik rito.

Pero bago makarating sa sukdulan ay nagulat si Marife nang iba ang binanggit ng lalaki.

“Ohh, Hannahh, ang sarap sarap mo talaga at ang bango-bango mo! The best  ka talaga sa kama… Walang binatbat si Marife sa iyo!” ungol nito.

Biglang napamulat ng mata si Marife sa sinabi ng asawa.

Sa sobrang kalasingan ay mabilis na nakatulog si Kit matapos na makaraos. Walang kamalay-malay sa mga sinabi niya.

Kinutuban si Marife na mayroong ginagawang kataksilan ang mister.

Lingid sa kaalaman ni Kit, matapos na marinig ni Marife ang mga salitang iyon ay nilakasan nito ang loob na pakialaman ang cell phone niya. At doon nalantad ang lahat ng panloloko at kataksilan nila ni Hannah.

“Oh my God! Mga demonyo!” gigil na bulong sa sarili.

Kinaumagahan ay sabay na nagising ang dalawang ahas. Tumambad sa kanila ang galit na galit na mukha ni Marife na nakaupo sa sofa.

“Akala ninyo magpapaloko pa ako! Mga hayup kayo!” nanggagalaiting sabi ni Marife.

“Hon, magpapaliwanag kami!” pagmamakaawa ni Kit.

“Mare, pag-usapan natin ‘to!” ani Hannah.

“Akala niyo siguro ay hindi ko malalaman ang mga kababuyan niyong dalawa? At binidyuhan niyo pa talaga ang mga kawalanghiyaan ninyo!”

Ang tinutukoy ni Marife ay ang mga s*x video nina Kit at Hannah na isinave sa cell phone ng lalaki. Nakalagay rin doon ang mga sweet messages ng mga ito sa isa’t isa ng kabit at ang planong huthutan siya ng pera.

“Ano kaya kung ipost ko sa social media itong mga sex video ninyo, instant celebrity kayo kapag nagkataon!” pagbabanta ni Marife.

“Parang awa mo na, Marife huwag mong gagawin iyan!” pakiusap ni Kit.

“Huwag, mare! Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nakita nila iyan!” pagmamakaawa ni Hannah.

Napapailing na lang si Marife sa dalawa.

“Siyempre hindi ko gagawin kasi hindi naman ako kasing sama niyong dalawa. Ibang parusa ang ipapataw ko sa inyo!” aniya.

“Maniwala ka, Marife. Hindi namin sinadya ang mga nangyari, natukso lang kami!” wika pa ni Kit.

“Mare, patawarin mo na kami, hindi na kami uulit!” sabi ni Hannah.

“E, ang planong huthutan ako hindi niyo rin sinasadya? Puwede ba, hindi ko na gusto pang marinig ang mga sasabihin ninyo! Kahit pa ulit-ulitin niyo pa ang ginawa niyo wala na akong pakialam dahil simula ngayon ay tapos na ang relasyon namin ng asawa ko, kaya sa iyo na siya, mahal kong kumare! Hala, magsilayas kayo sa bahay ko at ayoko nang makita ang mga mukha ninyo!”

“Marife, huwag mong gawin sa akin ‘to!” wika ni Kit.

“Bakit? May karapatan akong palayasin ka dito dahil akin itong bahay, ako ang nagpundar nito at kahit singkong duling ay wala kang naiambag kaya lumayas kayo! Baka naman gusto niyong tumawag pa ako ng pulis? Narito sa akin ang mga ebidensiya ng kataksilan ninyo kaya maaari ko kayong ipadampot anumang oras!” galit na sabi niya sa dalawa.

Sa takot nina Kit at Hannah ay walang nagawa ang dalawa kundi ang lumabas ng bahay at magkasamang umalis.

Kinasuhan ni Marife ang mister at ang kabit nito ng pagtataksil at nanalo naman siya sa korte dahil sa matibay na ebidensiya laban sa mga ito. Sapat ng katibayan ang mga s*x video at text messages sa cell phone ni Kit para mas lalong madiin sa kaso.

Pagsisihan man nina Kit at Hannah  ang ginawa ay huli na lalo na si Kit na imbes na nagpapakasasa sa pera ni Marife ay sa kulungan ang bagsak nila ng kumare ng kanyang asawa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.