Minamahal Kong George

Masasabing isang social media literate ang isang babaeng nagngangalang Danica. Facebook, Instagram, Twitter, ayan lahat ay may account si Danica. Mahilig siyang magpost ng kanyang mga kuhang litrato sa Instagram. Mahilig din siyang magpost ng mga kasabihan sa Twitter. Lagi rin siyang may balita sa kanyang paligid dahil na rin sa Facebook. Ganun na lamang ang buhay nitong dalaga.

“Danica, kakain na, mamaya ka na mag-selpon.” sabi ng kanyang ama.

“Opo daddy, bababa na po ako,” nagmadaling bumaba ang dalaga.

“Ayan kaka-selpon mo, nakakaligtaan mo nang kumain. Alam mo bang may mga sakit na naidudulot ng kaka-selpon mo?” siningit ng kanyang mom habang nagmamadali siyang bumaba.

“Hay nako mommy, hindi ko kaya nakakaligtaan kumain, maaga lang kayo lagi kumain kumpara sa akin,” at pilit tumawa ng dalaga sa kanyang biro.

“Maaga mo mukha mo, isang araw makikita ko na lang na nawalan ka na ng malay diyan dahil kulang ka na naman sa tulog sa kaka-selpon mo.”

“Sorry na ma, ito na hindi na ako magse-selpon. Sa akin lahat ng serving ng kanin.”

“Ano ba magtira ka naman sa amin hoy! Takaw-takaw eh!” sabay kinurot ang pisngi ni Danica.

Advertisement

“Aray Ma, oo na, maghahati tayo!”

Lumaking malapit sa magulang si Danica kaya laging masaya pamilya lalo na kapag magkakasama. Kaya alam rin ng mga magulang ni Danica ang mga pangyayari sa buhay niya, lalo na sa mga nanliligaw sa kanya. Masigla at palakaibigan na tao si Danica kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Hindi na mabilang ng magulang niya kung ilan ang mga naging manliligaw ni Danica.

“Ano na nangyari kay Ralph? Bakit parang wala na akong balita?” tanong ng kanyang ina.

“Ma, huwag mo na hanapin ang hindi na babalik. Tsaka, ayaw ko sa kanya, masyadong iniisip ang sarili. Nakakarindi!” sagot ni Danica.

“Paano mo naman nasabi?” tanong naman ng tatay ni Danica.

“Laging sinasabi kung ano ang mga nagawa na niya sa buhay niya at mayabang siya.”

“Parang ikaw lang Danica. Charot!” biglang singit ng ina ni Danica.

“Hay nako mommy. Hindi kaya ako mayabang, mahilig lang ako mag-selfie ‘no. Tsaka darating din siya, ang taong magugustuhan ko talaga.”

Advertisement

“Sabihin mo lang anak kung may nanligaw sa’yo at may balak gawin na masama sa’yo, isang tutok lang ng baril ko ‘yun.”

“Daddy, hindi po ganyan ang pulis, ipahuli kita, tingnan mo!” sabay tumawa si Danica.

May masasabing “standards” si Danica sa isang lalaking natitipuhan niya. Gusto niya ay matangkad, maputi, katamtaman ang taba, at ubod ng talino. Gusto kasi ni Danica ng kausap tungkol sa lahat ng bagay, at gusto niya ng usap na may malalim na laman. Gusto ni Danica na may mapagkwentuhan siya ng mga saloobin niya.

Nakahanda na ang gamit ni Danica upang pumasok muli sa eskwelahan, at nagpa-alam na rin siya sa magulang niya. Tuwing biyahe ay ikakabit na niya ang earphones niya at makikinig ng mga paborito niyang musika. Minsan naman ay tumitingin siya sa phone niya. Ngayon ay nagbabasa siya ng mga posts sa Facebook, at pumukaw sa interes niya ang isang post:

“Isang tuldok, at sasabihin ko sa’yo kung anong pagkakakilala ko sa’yo,” ang nakalagay sa post na iyon. Ito ay post ng isang lalaking nagngangalang George, at natandaan ni Danica na ka-eskwela niya si George noon sa mataas na paaralan. Napagdesisyunan ni Danica na mag-comment ng isang tuldok doon sa post ni George. Matapos ay bumalik na muli sa pakikinig ng musika si Danica. Nakarating din naman agad si Danica sa eskwelahan.

Habang walang ginagawa si Danica ay tinignan niyang muli ang kanyang phone, at may notification siya sa Facebook. Nag-comment si George sa kanyang tuldok, at ang sabi: “Actually, hindi ko alam kung anong masasabi ko. Matalino? at makulay ang social media mo. If you want, gusto pa kitang makilala.”

Natuwa naman si Danica dahil may nagsabing matalino siya. Kaya napagdesisyunan niyang makipag-usap kay George sa messenger. Sakto at parehas nasa kanilang mga phone ang dalawa.

“Hi George! Kita ko comment mo, so what would like to know? Open book ako!”

Advertisement

“Hey Danica, well gusto ko lang malaman kung parehas ba tayo noon ng pinasukan na hayskul?”

“Oo George, parehas. Section 3 ako at ikaw Section 1. Talino mo kasi eh hahahaha!”

“Ay hindi naman, sakto lang. Well kung kikilalanin kita, ano ka sa iisang pangungusap?”

“Wow may pa-exam agad si sir. Hahahaha, well kung sa iisang pangungusap, ako ay si Danica, madaldal ako at mahilig ako sa mga malalimang kwentuhan.'”

“Really? Ako rin, gusto ko kasi sa kausap ay nakakasabay sa kahit anong usapan nang walang bahid ng pagka-bias o masyadong makitid ang pag-iisip.”

“Ako rin George! Dios ko, napakarami kasing mababaw lang mag-isip at nais lang ay makuha ako. Ganda ko kasi eh! Hahahahaha!”

“Well, maganda ka naman talaga, and yes, nakakawalang-gana kung puro hangin lang salita.”

“Weh, maganda ako? Hoy wala akong pera so wala akong pambayad!”

Advertisement

“Hala hindi kaya, hindi ko habol pera mo ‘no!”

“Sus ganyan din sinasabi ng iba!”

Tumagal pa ang usapan ng dalawa na tila natutuwa sila sa isa’t isa. Kahit pag-uwi ay tutok si Danica sa phone niya marahil kausap pa rin niya si George. Kahit kumakain ay nasa tabi ni Danica ang phone niya at maya’t maya bubuksan niya ito. Napansin ito agad ng mga magulang ni Danica at napatanong na sila kung sino laging kausap ni Danica. Sabi ni Danica ay kaibigan lang niya.

“Kaibigan nga ang ba talaga? Aysus anak,” pabirong sabi ng ama ni Danica.

“Daddy oo nga! Magkaibigan lang kami, hindi pa naman niya ako nililigawan.”

“‘Pa’? Ibig sabihin may balak siya? Pogi ba?” biglang tanong ng ina ni Danica.

“Ma! Hay nako talaga. Pero, may hitsura siya. Matangkad na rin. Mestizo.”

“Nako, jackpot ka na diyan, at anak, lahat ng tao may hitsura. Matakot ka kung walang hitsura ‘yung tao.”

Advertisement

“Napipikon at natatawa si Danica sa katabaan ng isipan ng kanyang mga magulang.

Matapos kumain ay muling bumalik si Danica sa kanyang phone. Magdamag silang nag-uusap habang gumagawa sila ng kanilang mga takdang-aralin. Tumagal ang ilang linggo, ilang buwan at naging matalik na magkaibigan si Danica at George. Sa tagal ng kanilang pag-uusap ay madalas na rin silang nagkikita at lumalabas. Ngunit wala sa kanilang uma-amin ng kanilang damdamin. Masaya na sila sa munting kwentuhan nila, lalo na si Danica.

Habang isang araw, ay napatanong na si Danica kay George.

“George, bakit ang bait-bait mo sa akin? Ano ba ako sa’yo?” na tila nahihiya ang dalaga.

“Matalik kitang kaibigan Dani, at mahalaga ka sa akin. Bakit mo napatanong?”

“Matalik na kaibigan. Hanggang doon lang ba talaga tingin mo sa akin?”

“Hindi pwede Danica. Hindi ko pinapayagan sarili ko.”

“Bakit? Ah, baka may iba kang gusto, may iba kang babae. Ganun no?”

Advertisement

“Hindi, hindi dahil sa may gusto akong iba.”

“Eh bakit?”

“Huwag ka sana magugulat sa sasabihin ko.”

“Bakit? Gusto mo ba ibang lalaki? Hahaha joke.”

“M-may taning na ang buhay ko, mahal.”

Ilang minutong hindi nakasagot si Danica sa sinabi ni George. Nagulat ang dalaga sa kanyang nabasa.

“Bakit?…I’m sorry…”

“May leukemia ako, at hindi na ito maaagapan. Huli na noong natagpuan namin. Kaya hindi ako online noong huling Sabado, pumunta kami sa ospital noon.”

Advertisement

.I’m sorry George…I’m sorry…”

“Bakit ka nagso-sorry?”

“Kasi iniisip ko lang ang sarili ko, kung no nga ba ako sa’yo at kung may chansang maging tayo.”

“Mayroon. Gusto rin kita Danica. Kaso, pinipigiln ko. Kung maging tayo, ikaw lang din ang mahihirapan sa huli.”

“Wala akong paki-alam kung mahirapan ako. Geroge, napasaya mo ako sa mga nagdaang araw. May saysay ka magsalita. Lagi mo akong pinapatawa. Sobrang gentleman mo. George, matapos ang halos isang taon nating pagkakaibigan, masasabi kong mahal na kita. mahal na mahal kita…pero ngayon, mawawala ka…at wala na akong magagawa pa para pigilan kang tuluyang umalis sa mundo…bakit ganito?”

ilang minutong hindi binuksan ni Danica ang phone niya. Umiiyak siya sa kwarto at nagkulong lamang. Sa isip-isip niya, kung kailan natagpuan na niya ang lalaki gusto niyang makasama at makapiling, tsaka naging trahedya pa. Mahirap na ring maisip kung gaano kasakit ang balita na may malubhang karamdaman ang taong minamahal niya. Matapos ang isa’t mahigit na oras, bumalik si Danica sa kanyang phone at may message si George.

“Danica, gusto mo, labas tayo? Tayong dalawa lang, at gala tayo.”

“Okay…kailan?”

Advertisement

“This coming Saturday, bago man lang ako i-confine, gusto kong makausap at makasama ka.”

“Okay…”

Nalaman din ng mga magulang ni Danica ang nangyari kay George. Kaya pinangako ng ama niya na ihahatid niya si Danica papunta kila George at bibigyan niya ng malaking baon si Danica. Kahit ngayon lang ay pinayagan si Danica na medyo gabihin siya ng uwi.

“Ganda ng suot mo Danica…” sinabi ni George kay Danica na tila parang nalulungkot.

“Hay nako, halika nga dito, dalhin mo ako kung saan at kahit saan!” sagot ni Danica.

“Okay…” at natawa na naman ang binata.

Maghapon ay nasa baybayin ng Manila Bay lang sila naglalakad at kumain na rin sa malapit na seafood restaurant. Umorder sila ng paborito nilang ulam, hipon. Nakarami ng kanin si Danica na tila may inaalagaan siyang maraming bibig sa loob ng kanyang tiyam. Ngunit, halata ang pagkahina ni George, kahit sa pagkain. Napansin ito ni Danica kaya buong gabi matapos nilang kumain ay nagkwento si Danica tungkol sa araw niya at buhay niya. Labis namang masigla sa pakikinig si George.

“Danica, sobrang saya ko ngayong araw.”

Advertisement

Tila napaluha si Danica sa sinabi ni George at niyakap niya ang binata. “George, pwede ba maging tayo sa huling mga araw mo?”

“Oo, tayo sa huling mga araw ko, at papanaginipan kita sa huli kong pagtulog.”

“Mali pala George…pwedeng, tayo na lang kahit sa mga huling araw ko?”

“…Hindi ka mahihirapan niyan?”

“Mahihirapan, lalo’t wala ka na niyan. Pero, kakayanin ko, para sa’yo.”

“…I’m sorry nasasaktan kita Danica…”

“Okay lang George. Mahal kita, parte na ng pagmamahal ang sakit. Mahalaga, mahal na mahal kita.”

Hinatid na ni George pauwi si Danica at doon muna tumuloy si George kila Danica marahil hinang-hina na ang binata. Kinabukasan ay sinundo si George ng kanyang mga magulang. Sobrang saya ng dalawa na natagpuan nila ang isa’t isa kaya wala na ring pagsisising matatagpuan sa puso nila.

Advertisement

Isang linggo na ang nakalipas at dumaan si Danica kung nasaan ang pamilya ni George ngayon. May dala siyang sulat, isang liham para kay George. Natutuwa ang mga magulang ni George marahil nakapunta si Danica. Sa huli, binato ni Danica ang liham kay George. Pinanood niyang mabuti at nagluluha habang tinatabunan na ng lupa ang kanyang mahal, anim na talampakan ang lalim.

Anong aral ang natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat si inday Trending at subaybayan araw-araw ang maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin, at karanasan ng isang Pilipino.