Nakatanaw ang Dalaga sa Bintana Upang Masilayan ang Lalakeng Nag-Aalaga sa Isang Matanda, Nagulantang ang Dalaga Nang Malaman na Mag-asawa Pala ang Inakala Niyang Mag-Lola

Mula sa ikatlong palapag ng kuwarto ni Riza ay masaya niyang sinusubaybayan ang lalaki sa kabilang kalye at ang matandang babae na kasama nito. Dati-rati ay isang lalake at isang babae ang kasama ng matanda, taga luto at linis ng bahay ang babae at trabahong lalake naman ang isa pa.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only. )

Nawala na ang dalawa sa pagdating ni Brando. Siya ang dahilan ng pagtanaw ni Riza sa kaharap na bahay. Maliit lang ang bahay subalit centralized ang aircon nito at may isang sasakyan. Siguro ay apo na sa tuhod ang gwapong lalake.

Sa loob ng dalawang buwan ay napuna ni Riza na si Brando ang taga-tulak ng wheelchair ng matanda at sinusuklayan pa niya ito. Minsan ay parang minamasahe pa nito ang likod, kamay at paa. Napakabuting apo ang pakiwari ni Riza kay pogi. Alas-9 ng umaga ay umaalis na si Brando na balita raw ay isang law student sa UST. Siguro ay magkasing edad lang sila ni Riza na isang call center agent sa kumpanyang pagmamay-ari ng kapatid ng dalaga. Alas-6 siya kung pumasok kaya’t nababantayan niya ang mag-lola bago siya umalis.

Image courtesy of www.google.com ( )

Isang linggo na si Riza na sa terrace na tumatambay, halatang gusto niyang mapansin siya ni Brando.

“Kung pwede nga lang manligaw ang babae…” Bulong niya sa sarili.

Isang araw ay hindi na nakapagpigil si Riza ng sarili at gumawa na siya ng paraan para mapansin ni Brando. Habang nagpapaaraw ang mag lola ay tumawid na si Riza at bumati “Magandang umaga po. Ako po si Riza, d’yan po ako sa harapan niyo nakatira sa may kabilang kalye. Kailan po ba ang eleksyon ng Homeowners’ Association?”

“Hello Riza, ako si Brando. Naku, di kami active members at di ko alam na may eleksyon na magaganap pero kung kakandidato ka, iboboto kita.” Sabi ng binata.

“Ay hindi naman ako kakandidato, pinapatanong lang ni papa. Nakita ko kayo bigla kaya tumawid na ako. Malakas pa si lola ah. Apo ka ba niya?”, tanong nito habang nakangiti sa binata.

Advertisement

Tumawa ng napakalakas ang kapitbahay na nakikinig sa usapan at sumagot “Hindi niya apo yan, mag asawa sila.”

Nagulantang si Riza at siniguro kung tama ba ang kanyang narinig “Mag-asawa?”

Image courtesy of www.google.com ( )

Medyo asiwa si Brando pero sinagot niya ang dalaga ng “Oo, eh. Mahabang storya. Hahahaha. Hayaan mo pag nadalaw ako sa inyo, magkuwentuhan tayo.”

Hindi man lang dinalaw ng antok si Riza ng gabing iyon. Habang tulala, bigla siyang napaisip kung paanong ang isang guwapo at machong lalake ay nakapangasawa ng sobrang tandang babae na mukhang hindi na nakakapagsalita. Gulong gulo ang isip ng dalaga kung paano nakasal ang dalawa.

Sumunod na araw ay patago na uli ang pagtanaw niya kay Brando. Sa bintana ng kwarto na lang siya tumatanaw. “Hay buhay. Nagkagusto ako sa lalaking kasal na. Suwerte naman ni Lola.” Isip ni Riza.

Pa simple siyang nagtanong sa mga katulong ng mga kapitbahay at marami rin ang nakakaalam at nagtatawanan ng malaman na mag-asawa ang dalawa.

“Nakukuha pa kaya ni pogi na galawin si lola?” Sabi ng isang katulong.

Di nila pansin na may kirot sa puso ni Riza. “Ano ba naman yan. Bakit ganito pa yung kaagaw ko?” Naluluhang saad ni Riza sa sarili.

Advertisement

Papasok na siya sa gate ng may tumapik sa kanya.

SI BRANDO.

Image courtesy of www.google.com ( )

“Busy ka ba Riza? Yayayain sana kita kumain kasi may bagong bukas na kainan d’yan sa kanto natin, may discount kasi.” Nakangiting paanyaya ni Brando.

Ngumiti lang si Riza sabay sabi “Baka magalit misis mo ah”.

Maganda si Riza, chubby, maputi at may curve kaya nagtataka siya na ‘di siya pansin ni Brando.

“Hahaha. Anyway, mahaba pa ang gabi. Puwede tayong mag long talk. Sa totoo lang, after graduation nung college, tutuloy sana ako ng law kaso biglang na-stroke si Dad. Hindi pa bayad yung bahay at kotse kaya ‘di ko na natuloy yung plano kong mag-law. Hanggang yung bestfriend ko na si James lumapit sa ’kin at nag offer sa ’kin na mag alaga sa lola nila. Ibibigay daw ang 100 libong piso na nakuha ng lola niya nang mag ika-100 kaarawan siya pero kapalit ay aalagaan ko si lola hanggang sa sumakabilang buhay ito. Ang mahirap, kailangan kaming ikasal para sigurado na pwede nila akong mahabol kung ‘di ako tutupad.

“So gustong-gusto mo talagang maging lawyer, ha? Lahat talaga gagawin mo para matupad yung mga pangarap mo. Wow!” Paghanga ni Riza.

“Oo naman, wala namang masama doon. Katulad mo, maganda, sexy at mukhang mabait. Gagawin ko lahat-lahat para maging girlfriend kita. ” Nakangiting sagot ni Brando.

Advertisement

“Hoy. Remember, Attorney Brando, kasal ka.” Pagtataray na sagot ni Riza.

“Pangangatawanan ko naman ang pag-aalaga ko sa kanya para makuha ko yung P100,000 at makapagtapos ako ng pagaaral. Tsaka collateral lang naman ang marriage certificate namin.” Sagot ni Brando na may kasamang pang-asar na ngiti.

“Teka lang ha. Kwentuhan lang ito pero bakit parang seryoso na?”Tanong ni Riza.

“Ewan ko sa’yo Riza, basta ako seryoso naman ako sa iyo. Sa iyo ko nga lang naipaliwanag yung sitwasyon ko. Alam mo naman kung bakit.” Sagot ni Brando.

“Kung seryoso ka talaga, matuto kang maghintay. At sana naman ay ‘wag mong hilingin ang maagang pagpanaw ni Lola para lang makuha mo na ang gusto mo.” Pairap na saad ni Riza.

“Makaka-asa ka. Ano ka ba, itinuring ko na rin na parang ina si Lola. Sa sandaling panahon na magkasama kami ay naging napakabuti niya sa akin.” Sagot ni Brando.

Nagpatuloy sa kanya-kanyang buhay ang dalawa.

Matapos ang ilang buwan ay pumanaw na ang lola. Tulad ng usapan, nakuha ni Brando ang pera at nagpatuloy sa pag-aaral.

Advertisement

Lumipas ang isang taon, malinis na ulit ang pangalan ni Brando dahil simula nang araw na iyon ay opisyal na siyang isang binata muli. Kaya naman nagpasya siyang ituloy ang naudlot na pagkakamabutihan nila ni Riza.

Matapos lamang ang limang taon ay nagpasya na ang dalawa na magpakasal. Nang magka-anak sila, ipinangalan ni Brando ang sanggol sa lola na dating asawa dahil sa pag-alala at pagtanaw ng utang na loob sa mga naitulong nito sa kanya.

Ang pag-ibig talaga’y dumarating ng di inaasahan ngunit kung ang isang tao’y nakalaan para sa iyo, gagawa ng paraan ang tadhana upang kayo ay pagsamahin.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!