Ipinagpalit ng Lalaki sa Mas Maganda at Seksi ang Misis Niyang Mataba at Losyang Na, Kinarma Siya sa Ginawa Niya

“Hinding-hindi ako lolokohin ni Danny!” sabi ni Pamela sa malakas na boses.

“Maniwala ka, nakita ko silang magkasama nung babae niya. Ang ganda at ang seksi nung hitad. Malayong-malayo sa hitsura at katawan mo,” wika ng kaibigang si Fretzie.

Nakita kasi ng huli ang mister ng kaibigan na may kasamang babae sa mall. Base sa nakita nito ay nagyayakapan at naghahalikan pa ang dalawa habang namamasyal sa mall. Kaya isinumbong agad nito sa kaibigan.

“Ang mga walang hiya! Gusto ko na ako mismo ang makakita ng ginagawang kataksilan ng aking asawa,” galit na sabi ni Pamela.

Kaya nang sumunod na araw ay palihim niyang sinundan ang asawa nang magpaalam itong makikipagkita sa kanyang mga kabarkada.

Sa pagsunod niya sa asawa ay nakita niyang pumunta ito sa isang coffee shop. Kitang-kitang niya nang katagpuin nito ang isang maganda at seksing babae at ang mas ikinawasak ng puso niya ay nang makitang hinalikan ng kayang asawa ang babae sa labi.

“Taksil ka, Gerry! Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin ito. Anong kasalanan ko para lokohin mo ako?” hagulgol ni Pamela sa loob ng kotse.

Kilala niya ang kalaguyo ng mister. Iyon ay walang iba kundi si Niña, ang sekretarya ni Gerry. Dahil kilala na niya ang babaeng nang-ahas ng kanyang asawa ay gumawa siya ng paraan para komprontahin ito. Isang araw ay pinuntahan niya ito sa opisina nang malamang nasa isang business meeting ang kanyang mister. Hinarap niya ang babae.

Advertisement

“Hoy babaeng haliparot, hindi mo ba alam na may asawang tao ang kinakalantari mo? Huwag ka nang magmaangan dahil huling-huli ko kayo!” gigil niyang sabi sa babae.

“Ikaw pala ang asawa ni Gerry. Hindi na pala ako magtataka kung ipinagpalit ka niya sa akin. Kasi ang taba-taba mo at mukha ka nang losyang! Kaya hindi mo masisisi ang asawa mo kung sa akin siya nahuhumaling. Ihanda mo ang sarili mo dahil nalalapit ka na niyang iwan dahil sa hitsura mo!” matapang nitong pagbabanta.

Walang naisagot si Pamela sa banat na iyon ni Niña. Totoo naman kasi ang sinabi nito na ang taba-taba niya at losyang na siya. Mula kasi ng maging mag-asawa sila ni Gerry ay napabayaan na niya ang sarili kaya lumobo nang lumobo ang kanyang katawan kahit hindi pa sila nagkakaroon ng anak. Sa sobrang sama ng loob ay umalis siya sa opisinang iyon na hindi man lang nakaganti sa kabit ng kanyang asawa.

Nagmamadali siyang sumakay sa kotse. Umuulan ng mga sandaling iyon kaya basa ang kalsada. Matulin ang kanyang pagmamaneho dahil sa sobrang galit at sama ng loob sa mister at sa kabit nito kaya hindi niya namalayan na nawalan ng preno ang sinasakyang kotse hanggang matuluy-tuloy iyon at nahulog sa malalim na bangin.

Isang taon ang mabilis na lumipas. Nagsasama na sina Gerry at Niña Itinuring na ng lalaki na tunay niyang asawa ang babae dahil sa pagkawala ni Pamela. Mag-iisang taon na rin nang masawi ito sa aksidente sa bangin. Kapag naiisip ni Gerry ang ginawa niyang kataksilan sa asawa ay hindi niya mapigilang maluha at magsisi sa kanyang mga ginawa ngunit wala na siyang magagawa. Ngunit habang nakikilala niya si Niña ay nag-iiba ang ugali nito at tila hindi na masaya sa relasyon nila.

“Bakit ba palagi kang ginagabi ng uwi? At sino iyong lalaking naghatid sa iyo nang nakaraang gabi? Aminin mo sa akin ang totoo, may ibang lalaki ka ba, Niña?” galit na singhal ni Gerry .

“Kapag sinabi kong oo, may magagawa ka ba? Aba, Gerry, nakipagrelasyon ako sa iyo sa pag-aakala ko na maiaahon mo ako sa hirap. Pero hindi e! Mas lalo tayong naghihirap at nababaon sa utang. Nangako ka sa akin noon na ibibigay mo sa akin ang lahat kaya nga nakipag-agawan ako sa asawa mo. Pero habang tumatagal ay lumalabo na ang pag-asa kong guminhawa hangga’t kasama kita, kaya nakapagdesisyon ako na tapusin na ang lahat sa atin, Gerry. Sawa na ako sa ganitong buhay!” wika ni Niña sabay dampot sa maleta at tuluyang umalis.

Napasalampak na lamang siya sa sofa sa sobrang inis sa sarili. Tinatanong niya ang sarili kung bakit pa niya ipinagpalit ang asawang si Pamela sa isang kagaya ni Niña? Dahil sa kagustuhang makalimot ay pumunta siya sa suking bar kung saan siya palaging umiinom at nagpapakalasing kapag may pinagdaraanang problema. Habang nakaupo at umiinom ng beer ay nilapitan siya ng isang maganda at seksing babae.

Advertisement

“Hi, pogi! Nag-iisa ka yata? Maaari bang maki-share sa table?” wika ng babae.

Kahit may tama na ng alak ay agad na napansin ni Gerry ang magandang babae na nasa kanyang harapan. Halos mapako rin ang tingin niya sa magandang hubog ng katawan nito na pang modelo.

“A-anong pangalan mo, miss?” tanong ni Gerry.

“I’m Shamcey. Palagi ka bang nagpupunta dito sa bar, wala ka bang ibang kasama, nobya o asawa?” tanong nito sa malambing na boses.

“Wala na kami ng asawa ko. I mean, ang pangalawa kong asawa. Nakipaghiwalay na siya sa akin. Isang taon na rin nang mamayapa ang una kong asawa kaya mag-isa na ako ngayon,” aniya habang patuloy na tinutungga ang alak na nasa baso.

“Hayaan mong samahan kita. Mahilig kasi akong makipag-usap at makipagkabigan sa mga kagaya mong broken hearted,” wika pa ng babae.

Buong gabi silang nagkuwentuhan at madaling araw na nang magpasyang magpaalam ni Shamcey.

“Sigurado ka ba na ayaw mong ihatid kita sa inyo?” tanong ni Gerry.

Advertisement

“Huwag na. Malayo ang bahay ko at ayokong maabala ka pa, pogi. Inilagay ko na ang numero ko sa cell phone mo ha? Hintayin mo ang tawag ko kung kailan ulit tayo magkikita,” sabi ng babae.

“Okay, sige! Aabangan ko ang tawag mo.”

Kahit nakahiga na sa kama ay hindi pa rin dalawin ng antok ang lalaki. Patuloy pa rin niyang iniisip ang babaeng nakilala niya sa bar. Hindi niya mawari ngunit para bang matagal na niyang kilala ito. Kahit isang gabi pa lang niya itong nakasama ay hinahanap-hanap na niya ang presensiya ng babae. Dahil abala ang utak sa pag-iisip kay Shamcey kaya madali niyang nakalimutan ang paghihiwalay nila ni Niña.

Napadalas ang pagkikita nila ni Shamcey. Palagi silang magkasama sa bar, sa mga gimikan, kahit sa simpleng pagpunta sa restaurant ay kasama niya ang babae. Hanggang sa di niya namalayan na nahuhulog na ang loob niya rito. Isang araw ay nagpasya siyang ipagtapat na ang kanyang nararamdaman sa babae.

“Sa kaunting panahon na nakasama kita ay natutunan na kitang mahalin, Shamcey. ‘Di lang dahil sa maganda at seksi ka kundi dahil masaya ako kapag palagi tayong magkasama at kapag palagi kitang nakikita. Maaari ba kitang ligawan?” tanong ng lalaki.

“Ganoon ba? Hayaan mong pag-isipan ko iyan, Gerry. Magkita ulit tayo sa bar kung saan tayo unang nagkita at sasabihin ko kung ano ang sagot ko sa katanungan mo,” anito.

Excited si Gerry sa isasagot ni Shamcey. Malakas ang kutob niya na papayag itong magpaligaw sa kanya dahil nararamdaman niya na pareho sila na may gusto na sa isa’t isa.

Sumapit ang takdang araw ng pagkikita nila ni Shamcey. Habang inip na inip na sa paghihintay sa bar ay di niya namalayan ang pagdating ng babae. Seryoso ang mukha nito na umupo sa harap niya.

Advertisement

“Bakit ngayon ka lang? Mabuti naman at dumating ka na. Anong order mo at ipapakuha ko na sa waiter,” masayang wika ng lalaki.

“Huwag ka na mag-abala, Gerry, dahil hindi rin ako magtatagal. May sasabihin lang ako sa iyo.”

“Ano iyon, Shamcey? Payag ka na ba na ligawan kita?”

Imbes na sagutin ang tanong niya ay may inilabas na litrato ang babae.

“Nakikilala mo ba ang babaeng iyan?” turo ni Shamcey sa litrato.

Nagulat si Gerry nang makita kung sino ang nasa litrato.

“S-si Pamela. Siya ang aking unang asawa. P-paanong napunta sa iyo ang litratong iyan?” wika ng lalaki na labis ang pagtataka.

Biglang tumawa nang malakas ang babae na lalo niyang ikinagulat.

Advertisement

“Tama ka, ang babaeng iyan na nasa litrato. Ang babaeng walang awang pinagtaksilan ng kanyang asawa at ipinagpalit sa ibang babae, ang babaeng iyan na ipinagpalit ng asawa dahil siya ay mataba at losyang. Ang babaeng iyan ay walang iba kundi AKO!” bunyag ng kausap.

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Nagulat ka ba, Gerry? Hindi ka ba makapaniwala na buhay pa ako at ang asawa mong ubod ng taba at losyang ay biglang nag-transform sa ganitong kaganda? Noong araw na nagpaalam ka sa akin na makikipagkita ka sa mga kabarkada mo ay palihim kitang sinundan. Nakita ko kayo ng babae mo na nagkita sa coffee shop at naghalikan pa. Hindi ko matanggap ang natuklasan ko kaya nagmaneho ako ng matulin. Hindi ko inasahan na nawalan ng preno ang kotse at nahulog iyon sa bangin. Ang akala ko sa oras na iyon ay katapusan ko na dahil sirang-sira ang mukha ko sa aksidente at nag-aagaw buhay pa, mabuti na lamang at may nagligtas sa akin.

Siya ay si Dr. Markus, ang dahilan kung bakit isang maganda at seksing Pamela na ang kaharap mo ngayon. Binago niya ang lahat sa akin sa pamamagitan ng plastic surgery. Ipinangako ko sa sarili kong babalikan ko kayo ng babae mo ngunit nahuli na pala ako at iniwan ka na rin niya. Sinadya ko talagang baguhin ang pangalan ko para hindi mo ako makilala. Pinagplanuhan ko ang lahat, Gerry at nahulog ka naman sa bitag ko. Ang lahat ng ipinakita ko sa iyo ay parte lang ng paghihiganti ko sa ginawa mo sa akin! Ano, Gerry alam mo na ba ang pakiramdam ng maloko?” mahabang rebelasyon ng babae.

Hindi nakapagsalita si Gerry sa ibinunyag ng dating asawa. Hindi niya inakala na buhay pa pala ito at pinaghihigantihan siya. Ibang-iba na ito kumpara sa Pamela na kilala niya noon. Punung-puno na ito ng kumpiyansa sa sarili. Ang laki ng ipinagbago ng babae.

“P-patawarin mo ako, Pamela! Nagkamali ako noon at pinagsisihan ko na iyon. Wala na si Niña, iniwan na rin niya ako. Magsimula tayong muli. Bumuo ulit tayo ng bagong pamilya. Alam kong mahal mo pa rin ako,” wika ni Gerry .

“Sorry, pero wala na akong nararamdaman sa iyo. Matagal nang nawala mula nang malaman ko ang panloloko mo sa akin. May mahal na akong iba, at minahal niya ako hindi dahil sa bago kong hitsura, kundi minahal niya ako sa TOTOONG AKO. Siya ay si Markus. Siya ang lalaking nagpadama sa akin na ako ay mahalaga. Minahal niya ako ng walang hininging anumang kapalit. Minahal niya ako ng sobra na hindi mo ipinaramdam sa akin noon. Alam mo na siguro ang pakiramdam ng maiwan, Sana ay magtanda ka na, Gerry,” huling wika ni Pamela bago umalis ng bar.

Naiwang nag-iisa si Gerry. Ngayong mahal na niya ang babae ay saka pa ito tuluyang nawala sa kanya. Iyon ang KARMA niya sa panlolokong ginawa noon sa kanyang asawa nang dahil lang sa pisikal nitong kaanyuan.

Advertisement

Nahanap na ni Pamela ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni Dr. Markus samantalang si Gerry ay pagdudusahan ang pag-iisa at kawalan ng magmamahal sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!