Kinahihiya ng Ama ang Kanyang Anak dahil sa Mabagal Nitong Pag-iisip, Hindi Niya Alam na Ito Pala ang Mag-aahon sa Kanila sa Kahirapan

Muntik nang sumuko ang mag-asawang si Lydia at Ruben sa kasusubok na makabuo ng kanilang supling. Halos sampung taon na kasi mula nang sila ay ikasal. Lahat na ay nagawa nila, kahit ang pagsayaw sa Obando, para lamang mabiyayaan ng anak. Kaya halos magpapiyesta ang dalawa nang dumating ang araw na malaman nilang nagdadalang-tao na si Lydia.

“Mahal! Sa wakas! Tingnan mo,” tuwang-tuwang sabi ni Lydia habang ipinakikita sa asawa ang hawak niyang pregnancy test kit.

Nanlaki ang mga mata ni Ruben.

“Totoo ba ito?! Mahal na mahal kita! Sa wakas, magkaka-anak na tayo!” maluha-luhang sabi ni Ruben sa asawa.

Nangako ang dalawa na magiging mabuting magulang sila sa kanilang magiging anak.

Sa loob ng siyam na buwang pagbubuntis ni Lydia, labis ang pag-aalaga ni Ruben sa kanya. Sa tuwing may gustong kainin si Lydia, kahit madaling-araw pa ayaw agad itong lalabas para lamang makabili ng kung anumang pinaglilihian ng kanyang misis. Madalas din niyang minamasahe ang mga paa nito.

Lalo pang tumindi ang pag-aalaga niya kay misis nang malaman na lalaki ang ipinagbubuntis nito. Pangarap kasi ni Ruben na magkaroon ng sarili niyang junior, na magpapatuloy sa kanyang lahi.

Nang manganak si Lydia, labis na naman ang tuwa ni Ruben dahil hindi mapagkaka-ilang siya ang ama ng sanggol. Kamukhang-kamukha niya ang anak na lalaki, kaya naman pinangalanan niya itong Ruben Jr.

Advertisement

“Junior! Siyam na buwan kitang dinala sa sinapupunan ko, tapos kamukhang-kamukha ka ng ama mo? Nasaan ang hustisya?” pabirong sabi ni Lydia nang makita ang anak.

Makalipas ang tatlong taon, lahat ng ngiti sa mukha ni Ruben ay napalitan ng inis dahil kahit tatlong taon na si Junior ay hindi pa ito nakapagsasalita ng maayos.

“Ano ka ba namang bata ka? Tatlong taong gulang ka na, pero ni salitang “papa” hindi mo masabi? Bobo ka ba?! Kanino ka nagmana?” sigaw ni Ruben sa walang muwang na anak.

“Ruben! Ano ba?! Bakit ginaganyan mo ang anak natin? Ang sabi ko naman sa’yo, espesyal siya! Maghintay ka lang at makakapagsalita rin siya,” sabat ng inang si Lydia.

“Hintay? Tatlong taon na! Lahat ng kilala kong tatlong taong gulang e hindi lang nakakapagsalita, nakakakanta na! ‘Yong iba nga, nakikipagkwentuhan na!”

“Iba nga ang anak natin. At hindi nakakatulong na ginaganyan mo siya!” ‘ika ni Lydia sabay kuha sa kanyang anak.

Lumipas pa ang labinlimang taon, at ganoon pa rin ang trato ni Ruben sa anak. Madalas niya itong tawagin ng masasakit na salita: tanga, bobo, at mabagal ang utak. Napaka-taas kasi ng ekspektasyon niya sa anak ngunit palagi siyang bigo dito. Kahit labing walong taong gulang na si Junior ay utal-utal pa rin itong magsalita.

Lumaking malayo ang loob ni Junior sa kanyang ama, kaya naman naging malapit ito sa kanyang ina. Sa tuwing inaalipusta siya ng ama ay nariyan ang ina upang ipagtanggol siya.

Advertisement

Dahil sa pagkadismaya, tuluyan nang inilayo ni Ruben ang sarili sa anak. Sa isang bahay sila nakatira ngunit para bang hindi niya ito tinuturing na anak.

Isang araw, dumating sa kanilang bahay ang isang babae na pormal na pormal ang kasuotan.

“Good morning! Nandiyan po ba si Junior? Pwede ko po ba siyang makausap?” magalang na tanong ng babae.

“Ay, magandang umaga po. Sino po sila?” tanong ni Lydia.

“Ako pala si Maricar Delos Reyes,” pagpapakilala nito, siya pala ang head ng pinakasikat na unibersidad sa bansa.

“Ano pong sadya ninyo sa anak ko?”

“May nagpakita kasi sa akin ng isang proyekto na ginawa ng anak ninyo sa eskwela. Tunay pong nakamamahangha. Wala pa po ni isa sa Pilipinas ang nakakagawa noon. Nakita rin namin na ang IQ niya ay itinuturing na pang-henyo. Kaya naman gusto sana namin siyang paanyayahan na sumali sa aming samahan,” paliwanag ng babae.

Napanganga si Lydia sa narinig. Napag-alaman niyang isang henyo ang kanyang anak. Kaya pala mabagal ang pag-unlad ng kanyang pag-iisip na tila naiiba sa normal na mga bata ay dahil sa kanyang pagiging isang henyo.

Advertisement

Pumayag si Junior na sumama sa babae, at iyon na ang simula ng tagumpay ng binata. Napakatalino pala nito pagdating sa agham at matematika. Tuwang-tuwa si Lydia sa tagumpay ng kanyang anak.

“Anak! Sabi ko na nga ba e! Matagal na akong naniniwala na espesyal ka, anak,” tuwang-tuwang sabi ni Lydia habang niyayakap ang kanyang anak.

Nakayuko namang lumapit ang umiiyak na si Ruben sa kanyang anak.

“Nak? Patawarin mo ako. Nagkamali ako. Patawarin mo ang papa mo hindi paniniwala sa iyo. Natakot lang ako na baka may mali sa iyo. Pero inaamin ko, mali ako sa paghusga sa iyo,” humahagulgol na sabi ni Ruben sa kanyang anak.

“Papa? Ayos lang. I love you po,” nakangiting sabi ni Junior. Sa kabila ng mga naranasan sa kanyang ama, madali nitong napatawad si Ruben.

Nagkayakapan ang tatlo. Napapikit ang mag-asawa at nanalangin sa Maykapal upang magpasalamat sa isang napakagandang biyayang ipinagkaloob sa kanila, ang kanilang mapagmahal na anak. Humingi rin ng tawad si Ruben dahil sa Maykapal dahil sa mga masamang nagawa niya sa anak noon.

Sumikat hindi lang sa buong Pilipinas, kung hindi sa buong mundo ang mga imbensyon ni Junior. Dahil doon, limpak-limpak na salapi ang naiuwi niya para sa kanyang pamilya. Naging masaya at maginhawa ang kanilang pamumuhay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!