Psst! Pogi!

“Gustong-gusto ko talaga yang si Mario eh. Ewan ko ba paano niya nagawang palakihin yung katawan niya nang ganyan! Tapos ang gwapo gwapo pa! Hanep, kapag ako talaga napansin niyan, naku bubuka talaga ako kaagad!” saad ni Tesang isang araw noong makitang nag-iigib nang tubig ang pawisang si Mario.

“Hoy ako unang nakakita dyan eh. Aba ako dapat una makabuka sa harap niyan!” pakikipagtalo ng kaibigan ni Tesang na si Bebeng habang nagsasampay nang damit.

“O sige palakasan na lang ng loob! Kung sino ang unang mapansin sa atin niyang isnaberong si Mario, siya ang panalo at yung isa ay magpaparaya, ano game?” paghahamon ni Tesang.

Sumang-ayon naman si Bebeng sa hamon ng kaibigan. Dali-dali silang lumapit kay Mario at nagpapansin.

“O, Mario! Gusto mo ba matikman ang nagbabagang bataan?” paglalandi ni Bebeng.

“Hay naku, Mario. Dito ka sa akin, hindi lang bataan ang mapapasaiyo, kundi buong pagkatao ko.” ika ni Tesang habang hinihimas-himas ang kaniyang maputing legs.

Napangiti lamang ang lalaki at nagpatuloy sa pag-iigib. Napagod na ang dalawa sa kakaakit pero wala itong talab. Tanging ngiti lang ang nagagawa nito saka babalik sa pagbabantay sa napupunong balde ng tubig. Tinigilan na nga ng dalawa ang lalaki at bumalik na sa pagsasampay.

“Badtrip no, akala mo sinong artista ayaw mamansin!” inis na sabi ni Tesang.

Advertisement

“Diyos ko! Magtitirik talaga ako ng kandila kapag napansin tayo niyan! Saka ikaw Tesang, doon kana lang kay Dante! Sigurado pa tayong papansinin ka.” ani ni Bebeng habang pasimpleng tinuro si Dante na titig na titig kay Tesang.

“Ayoko don no! Kahit na binibigay niya lahat ng gusto ko, mukha namang kuko lang ni Mario.” pag-iinarte ni Tesang.

Kinabukasan, nagulat na lamang si Tesang nang makita ang matikas na lalaking nagwawalis sa tapat ng bahay nila. Kumandirit at tumili pa siya kaya naman napababa ang natutulog na si Bebeng.

“Hoy babae! Ang aga-aga mo. Ano nangyari sayo?” papungay-pungay na sabi ng dalaga.

“Bebeng, Diyos ko ‘day! Tingnan mo kung sino ang nagwawalis sa tapat!” sigaw ni Tesang habang tumatalun-talon sa tuwa.

Napansin sila si Mario at kumaway ito. Halos mahimatay naman ang dalawang talandi sa ginawa ng lalaki. Lumapit ito sa kanila at hiningi ang kanilang pahintulot kung pwede ba siyang tumuloy sa bahay nila. Agad namang pumayag ang dalawa at pinaghainan ng almusal ang binata.

“Mario, bakit mo nga pala naisipang magwalis sa harapan namin saka tumuloy dito?” pag-uusisa ni Bebeng habang hinahawi-hawi ang buhok.

“Ang totoo kasi niya..ano..may, ano kasi eh.” nahihiyang sambit ni Mario, para bang may gusto itong aminin sa dalawa habang pakamut-kamot ng ulo. “Gusto ko kasi sanang manligaw -” hindi pa tapos magsalita ang lalaki sumigaw na ang dalawang dalaga.

Advertisement

“Sa akin ba? Oo! Pwede!” sabay na sabi ng dalawa.

“Ah pasensya kana Bebeng, si Tesang kasi yung natitipuhan ko.” nakayukong sambit ni Mario.

Doon na nga nag-umpisa ang pag-iibigan nila Mario at Tesang. Ngunit napansin ng dalaga na tuwing bago magdilim, palaging natataranta ang nobyo niyang umalis. Kaya naman isang araw, sinundan niya ito at doon niya nalaman ang tinatago nito.

Pilit niyang inaninag ang nangyayari sa loob ng bahay sa isang butas dahil sa sigaw ni Mario. Kitang-kita niya kung paano lumabas ang mga pakpak nito at kung paano nahati ang katawan nito.

Sigaw siya nang sigaw at nagtutumakbo. Hinabol siya ng lalaki saka inilipad pataas, nagsususmigaw pa rin siya kaya inihulog siya ng lalaki sa bangin.

“Ah!”

“Tesang! Gising! Okay ka lang ba? Kanina ka pa sigaw nang sigaw!” panggigising ni Bebeng.

“Bebeng, napaginipan ko yang si Mario!” takot na sabi ng dalaga.

Advertisement

Ikinuwento ni Tesang ang kanyang napaginipan sa kaibigan.

Ewan niya ba, alam niya namang imposibleng magkatotoo iyon dahil panaginip nga lang pero mula noon ay nanlamig na siya kay Mario. Sinabi niya naman ang totoo sa lalaki at di niya inaasahan ang magiging reaksyon nito.

“Ano? Bina-basted mo ako dahil sa panaginip? Napakaarte mo, akala mo naman maganda ka. Kayong dalawa ay halos magkandarapa sa akin, tapos ngayong narito na ay palalagpasin mo? Bwisit ka, walang kwenta!” sabi nito at nagdabog pa bago lumabas ng bahay.

Saktong nasa pinto ito nang sumigaw ang isang babae, “Walanghiya ka! Narito ka lang pala! Tinakbuhan mo kami ng mga anak mo, walanghiya!”

Kasunod noon ay pinaghahampas nito si Mario sa dibdib. Humingi ng paumanhin si Tesang, naunawaan naman siya ng misis nito dahil di naman pala ito ang unang beses na nagpanggap na binata ang lalaki para makapanloko.

Grabe, kung tutuusin ay totoo ang panaginip niya. Pahiwatig ng Diyos na si Mario ay isang aswang, ‘manananggal’ ng dignidad.

Pagkatapos noon ay nabigyang pansin ni Tesang si Dante, hindi man kagwapuhan ang binate ay tapat naman ito at responsable.

Pinagtatawanan nalang nilang magkaibigan kapag naaalala na muntik na silang maaswang noon ng babaerong si Mario.

Advertisement

www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!