Agad Nagkagusto ang Dalaga sa Lalaking Magtuturo sa Kanya sa Gym, Ngunit Nagulantang Siya nang Malaman ang Pagkatao Nito

Magmula nang magkatrabaho si Lisa, unti-unti na niyang napabayaan ang dati niyang magandang pigura. Madalas na rin siyang asarin ng kanyang mga kapatid at kaibigan sa lumalaki niyang bilbil nang dahil sa pagtutok niya sa kanyang trabaho.

“Oy Lisa! Nananaba ka na ng lubos ah. Trabaho pa,” wika ng isa niyang kaibigan.

“Anak? Hindi naman sa sinasabi kong mag-asawa ka na. Pero nagkaka-edad ka na at wala ka pa ring nobyo. Puro ka na lamang trabaho. Pati ang pangangatawan mo ay napapabayaan mo na,” payo ng kanyang nagmamalasakit na ina.

“Sh*t Lisa, ikaw ba ‘yan? Ang laki mo na! Anong nangyari sa seksi mong katawan?” pang-aasar ng dati niyang kaklase na nakasalubong niya minsan nang siya’y naglalakad pauwi.

Dahil sa sunod-sunod na pangungutya at pagpuna sa kanyang katawan, napagdesisyunan ng dalaga na mag-gym at ibalik ang dati niyang alindog.

Sabado ng umaga nang maaga siyang pumunta sa isang gym na nakita niya malapit sa kanyang trabaho.

“Ayos dito ah, malapit lang sa trabaho ko para sa tuwing pagkauwi ko ay makakadaan ako. Paalam sa inyo, mga bilbil ko,” tatawa-tawang wika ni Lisa sa sarili habang pinipisil ang kanyang mga naglalakihang bilbil.

Pagpasok ng gym, sinalubong siya ng isa sa mga tigapamahala.

Advertisement

“Ma’am, good morning po! Ilang minuto lang ay darating na ang personal trainer na magtuturo sa inyo. Pasensiya na po kayo, nasiraan lang daw po kasi ng sasakyan,” wika nito.

“Ganoon ba? O, sige. Walang problema,” sagot niya.

Maya-maya pa ay may isang nakakabighaning lalaki ang pumasok ng gym. Sa isang tingin pa lamang ay halos nanlambot si Lisa sa labis na kagwapuhan ng lalaki. Bukod dito, napakaganda rin ng katawan nito na halatang alagang-alaga sa gym. Napanganga si Lisa at halos tumulo ang laway sa pagtitig sa lalaki. Laking gulat niya nang lumapit ito sa kanya, at sinabing

“Hi, Ma’am! Ako nga pala si Emil. Pasensiya na ha kung late ako. Biglang nasira ang sasakyan ko e. Tara, magsimula na po tayo,” wika nito.

“Ah… eh… Hehe, ako si Lisa. Sige,” utal-utal na sagot ni Lisa. Tuwang-tuwa siya nang malamang iyon pala ang magiging personal trainer niya sa gym na iyon.

Matapos ang halos dalawang oras na ehersisyo, pawis na pawis na pumunta ng banyo si Lisa upang magpalit ng damit. Nang makakita ng salamin ay agad niyang kinausap ang sarili,

“Lisa! Ang pogi, grabe! Maeengganyo akong pumunta dito araw-araw. Siyempre magpapapayat na ako para magustuhan niya rin ako. Sa araw ng pagpayat ko, aamin ako sa kanya na gusto ko siya,” nakangising sabi nito sa kanyang sarili.

Inaraw-araw nga ni Lisa ang pagpunta sa gym. Kahit pagod sa trabaho, hindi niya pinapalampas ang isang araw na hindi siya makakapunta doon. Bukod kasi sa gwapo ay magaling din magturo si Emil.

Advertisement

Lumipas ang halos limang buwan, at gulat na gulat ang lahat sa malaking pagbabago sa katawan ni Lisa. Nilapitan siya ng isa niyang kaopisina upang magtanong kung ano ang kanyang sikreto sa mabilis na pagpayat.

“Lisa! Ganda mo! Ang laki ng ipinayat mo. May iniinom ka ba?” tanong nito.

“Uy wala! Masama sa katawan iyon. Ehersisyo lang at tamang pagkain, maa-achieve mo rin ‘to! At isa pa, inspired ako e” nakangising sagot ni Lisa.

“Inspired? Taray! May jowa ka na ba?”

“Wala! Magkakaroon pa lang. Hahaha! Biro lang. Pero saksakan kasi ng gwapo ng trainer ko sa gym. As in, grabe! Nakaka-engganyo pumunta araw-araw,” sagot nito.

“Wow naman! Saan ‘yan?! Mapuntahan nga at baka mainspire rin ako,” sagot naman nito.

“Nako, huwag na! Agawan mo pa ako, hehe.”

Napagdesisyunan nang sabihin ni Lisa ang matagal na niyang nararamdaman para sa lalaki. Tutal ay bumalik na naman ang maalindog niyang katawan ay malakas ang kutob niyang magugustuhan din siya ni Emil.

Advertisement

“Hi, Emil! Pwede ka bang makausap?” nakangiting tanong ni Lisa.

“Oo naman! Tara, kape tayo pagkatapos natin mag ehersisyo?” sagot ni Emil.

Agad pumayag si Lisa. Matapos ang dalawang oras, nagpunta na sila sa isang coffee shop malapit doon.

“O, Lisa. Anong sasabihin mo? Grabe, ang laki na nga ng ipinayat mo,” tanong ni Emil.

“Dahil naman sa iyo kaya ako pumayat agad! Hehe. Nga pala, ayun. May gusto akong sabihin sa’yo. Matagal ko nang itinatago ito. Gusto kita, Emil. Gustong-gusto!” biglang namula ang mga pisngi ni Lisa.

“Ha? Nako, Lisa! Hindi mo ba alam?” tanong ni Emil.

“Alam? Ang alin? Gusto mo rin ba ako?”

“Oh my gosh! Binabae ako! Lalaki rin ang gusto ko. Hindi tayo talo, girl!” sagot naman ni Emil, biglang nagbago ang boses nito.

Advertisement

Napatakip na lamang ng bibig si Lisa. Gusto sana niyang maiyak sa lungkot, ngunit bigla na lamang tumawa si Emil.

“Nakakaloka ka! Hahaha! Nakikita mo ba ‘yong lalaki na palagi kong kasama sa gym? Boyfriend ko ‘yon!”

“Hala. Hindi ko naman alam. Hindi kasi halata sa’yo,” malungkot na sagot ng babae.

“Gaga! Huwag kang malungkot. Tara, punta tayo sa party ng kaibigan ko. Maraming pogi dun! Ngayong sexy ka na ulit, hindi ka mahihirapang humanap ng boyfriend ‘no!” tatawa-tawang yaya ni Emil.

Pumayag naman si Lisa. Natawa na lamang din siya sa kanyang mga nalaman. Lumipas ang ilang buwan at patuloy pa rin siyang pumupunta sa gym na iyon, ngunit ngayon ay matalik na niyang kaibigan si Emil.

“Bes! May papakilala nga pala ako sa’yo!” wika ni Emil kay Lisa.

“Sino na naman? Kaloka ‘to!” sagot ni Lisa.

Ipinakilala ni Emil ang isang gwapong lalaki na kanyang katrabaho noon sa isang kompanya. Dahil nga bespren ni Emil si Lisa ay kabisado na niya ang mga hilig ng dalaga sa lalaki, at sigurado siyang magugustuhan ni Lisa ang kanyang ipakikilala.

Advertisement

Hindi nagtagal ay nagkamabutihan nga ang dalawa. Limang taon ang lumipas at nagpasya ang dalawa na magpakasal, at siyempre ay kumbidado si Emil na bumago sa buhay ni Lisa.

Natutunan ni Lisa na kung hindi nakatadhana ang isang tao sa’yo, may darating na iba na makapagbibigay sa iyo ng lahat. Magmula rin noon ay labis na niyang inalaagaan ang kanyang pangangatawan at kalusugan, at araw-araw pa rin siyang pumupunta sa gym na ngayon ay si Emil na ang may-ari.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!