Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Sakripisyo ng Wagas na Pagmamahal - Inday Trending

Sakripisyo ng Wagas na Pagmamahal

Habang nagtatrabaho si Bill ay pumasok ang kanilang bagong empleyado na si Tess. Agad itong nahulog sa dalaga kaya naman pagkalipas ng ilang linggo ay hindi siya nag dalawang isip na ligawan ito.

“Tess, ilang linggo na rin kitang nililigawan. Matanong ko lang ha, kahit papaano ba ay may nararamdaman ka na rin para sa akin?” tanong ng binata habang naglalakad pauwi galing sa trabaho.

“Oo naman. Special ka para sa akin. Palagi mo akong pinapasaya lalo na pag malungkot ako o kaya pag pakiramdam ko’y nag-iisa ako,” nakangiti namang sagot ni Tess sabay hawak sa kamay ng binata.

“Bill, tayo na. Ok lang? Pwede bang boyfriend na kita?” tanong pa nito.

Nagulat naman ang binata kaya napatigil ito sa paglalakad.

“Seryoso ka? Sinasagot mo na ako ngayon?” tanong ni Bill. Nginitian lang siya ng babae pagkatapos ay tinanguan. Labis na tuwa ang naramdaman ni Bill sa sinabi ng dalaga. Niyakap niya ito, pinasalamatan, at pinangakuan ng wagas na pagmamahal.

Pagkadating nila ng bahay ni Tess ay ipinakilala na nito ang nobyo sa magulang.

“Mama! Nandito na po ako. May kasama po ako,” sigaw nito pagkabukas ng pinto ng kanilang bahay.

“Oh anak. Sinong kasama mo? Si Bill ba yan? Hoy Bill! Kamusta ka na? Salamat at palagi mong hinahatid itong anak ko ha,” sabi ng ina pagkakita sa anak at sa kasama nito. Nginitian lang naman siya ng binata dahil sa hiya.

“Mama, may sasabihin pala ako sa inyo. Sinagot ko na po si Bill kanina. Kami na po,” sabi pa ni Tess habang lumalapit sa ina. Hindi naman na nagulat ang ina nito dahil araw-araw nang magkasama ang dalawa. Inaya nitong kumain ang binata sa kanila na labis na ikinatuwa nito.

Lumipas ang linggo ay inobserbahan sina Bill at Tess ng kanilang manager kung maapektuhan ba ng kanilang relasyon ang kanilang trabaho ngunit natuwa ito dahil lalo silang tumutok sa pagtatrabaho. Nagagawa rin nilang lumabas para pumunta sa iba’t ibang lugar kahit hindi sila umaabsent sa trabaho.

“Nakakatuwa naman ang relasyon ninyo Bill, nakakaalis kayo para umakyat ng bundok at magbeach ng hindi nagfa-file ng leave. Paano niyo nagagawa ‘yon?” nagtatakang tanong ng boss nito.

“Madali lang naman yun, boss. Edi umaalis kami ng biyernes at sinisigurado namin na linggo ay makakabalik na kami. Mahal namin kayo pati ang trabaho namin. Kaya hindi namin hinahayaan na maapektuhan ng relasyon ang trabaho,” maayos na sagot nito bago bumalik sa trabaho. Natuwa ang boss nito sa sagot at hindi siya nagdalawang isip na i-promote si Bill bilang senior staff ng kanilang kompanya.

Sa sobrang tuwa ng dalawa ay umalis sila para kumain sa labas. Ngunit habang kumakain ang dalawa ay hindi inaasahan na nakaramdam ng pananakit ng dibdib ang dalaga dahilan upang mawalan ito ng malay. Isinugod ito ni Bill sa ospital. Dito, nakitang luhaan ang binata at nagmamakaawa sa mga doktor na iligtas ang kanyang nobya.

“Doc! Tulungan niyo po si Tess. Hindi ko po kakayanin kung mawala siya sa akin,” humahagulgol sa sabi ng binata. Dinala siya ng doctor sa opisina nito para ipakita ang ilang imahe ng puso ni Tess.

“Sir, kung makikita niyo po, may butas po sa puso ng patient. Hindi na po iyon kakayanin ng opera or gamutan dahil hindi naman po aware ang pasyente sa sakit nito. Ang natatanging paraan lang po para maligtas si patient ay heart transplant,” paliwanag ng doktor sa umiiyak na binata. Tila binagsakan ng langit at lupa ito dahil sa problemang dumating sa kanilang magkasintahan. Umalis ito at pumunta sa iba’t ibang ospital para maghanap ng available na puso.

Makalipas ang ilang linggo ay nagising na si Tess, nagpasalamat ito sa mga doctor para sa isang success na operasyon.

“Maraming salamat po sa pangalawang buhay na ibinigay niyo sa akin,” naiiyak na sabi nito habang hinahanap ang nobyo.

“Walang anuman po. Hindi naman po matutuloy ang operasyon kung walang nag-donate ng puso para sa inyo,” sagot ng doktor. Dito pa lang ay kinutuban na agad ang dalaga kaya nagtuloy tuloy na ang iyak nito.

“Nasaan po si Bill? Kailangan ko po siyang makausap,” hagulgol pa nito.

“Pasensya na po kayo. Pinapaabot po pala ng nobyo niyo,” sabi ng doktor bago iabot ang sulat galing kay Bill.

Kinuha niya ito at dito niya nalaman na ang nagdonate pala ng puso para sa kanya ay ang kanyang nobyo. Sinakripisyo ni Bill ang sarili nitong buhay para bigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ang kanyang nobya. Nakalagay rin sa sulat na ‘wag kakalimutan ng dalaga na umibig muli.

Walang habas ang pag-iyak ng dalaga sa sakripisyong ibinigay ng kabiyak na sana ng kanyang puso. Mula nang araw na iyon ay araw-araw niyang ipinagdarasal sa Maykapal ang butihing kaluluwa ng yumaong nobyo.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.